TWO 7 (Shadow)
SARA
Pagkatapos ng ilan araw nagpatuloy na kami sa paghahanap. Ayaw pa sana pumayag ni Kira ngunit hindi pwde dahil baka maunahan kami sa aklat na hinahanap namin.
"Saan ang destination natin ngayon?" Rio
"Sa Mizu tayo ngayon." Len
"Sige tayo na." Mai
Naglalakad na kami papunta sa Mizu.
"Sentro." Parang nanginig ang buong katawan ko ng magsalita bigla si Zhiean. Walang sabing sinunod namin ang gusto niyang sa sentro kami unang nagtungo. Sabagay may point naman din siya dahil malaki ang sentro hindi malayong doon namin mahanap ang libro.
Habang naglalakad kami putungo sa sentro bigla kumirot ang likod ko pag ganito ang pakiramdam ko may masamang mangyayari anuman oras.
"May binubulong ang hangin." Mas lalong lumala ang pagkirot ng likod ko sa sinabi ni Mai.
"Ganun din ang lupa." Seryosong sabi ni Kira na nasa tabi kuna agad.
"Look out!" Sigaw ni Rio kaya agad kaming napatalon papalayo sa mga panang paparating sa dereksyon namin.
Gumawa ng shield si Mai upang protektahan kami sa kakaibang asido na galing sa langit.
"Sino sila?" Len
"Ngayon ko lang sila nakita." Parang mga anino na katawan tao. Wala kaming laban dahil tumatagos lang ang mga atake na ginagawa namin sakanila.
Gumamit ng shower ice si Zhiean subalit wala parin epekto sakanila.
"Sh*t!" Mura ni Kira ng tumagos ang mga anino sa shield na ginawa ni Mai. Kaya wala kaming choice kundi tumakbo palayo dahil nalalanta ang bawat daanan nila.
Tumalon kami sa mga puno para linlangin sila ng bigla ako masilaw dahil sa sinag ng araw. Teka araw kung walang araw walang anino na makikita hindi ba?
"Kailangan natin pigilan ang sinag ng araw." Wala sa sariling sambit ko.
"Pano naman natin gagawin yun? E araw kaya yan." Asar na saad ni Rio kaya nakatanggap siya ng batok kay Len.
"Sira! Uso ang ulan pag walang araw walang anino gets." Len, ang problema walang may kakayahan sa'min ng tubig.
Hinila ni Mai ang ulap gamit ang hangin upang matabunan ang araw habang si Yuen ay pinakidlat niya upang maging sanghi ng ulan. Hindi nagtagal ay dumilim na langit at umulan ng malakas sabay ng paglaho ng mga anino na umatake sa'min.
"Anong klasing nilalang sila?" Hinihingal na saad ni Mai.
"Hindi na importante kung sino sila. Ang mahalaga ay nalaman natin na may nagtatangka sa buhay natin, kaya kailangan natin mag-ingat." Seryosong saad ni Kira na siyang tumatayong pangalawang leader ng star section. Dapat kasi si Zhiean ang leader subalit masyado siyang tahimik upang maging pinuno ng grupo. "Ikaw wag mo nanaman ihaharang ang katawan mo." Balin nito sa'kin. Hindi kuna ito sinagot.
--------
"Maligayan pagdating sa SENTRO."
Ang salitang nakaguhit sa tarangkahan ng Sentro. Pinakita namin sa bantay ang ID namin at agad niya kami pinapasok. Hindi naman kasi masyado iskrekto dito sa Senrtro kung baga kahit kalaban maaari rito makapasok na walang kahirap hirap.
"Mag hiwahiwalay tayo sa paghahanap upang mapadali ang paghahanap natin." Utos ni Kira. Napairap nalang ako nangpalihim.
"Okey, pero mas maganda kung by partner ulit para pag may sumugod na kalaban. Dalawa silang magtutulungan sa laban." Mungkahi nanaman ni Len.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)Hi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...