TWO 17 Hirako

71 2 0
                                    

TWO 17 (Hirako)

Third person POV

Sa malaking bulwagan ng palasyo nagaganap ang pulong ng mga Hari at Reyna ng Zeuzora kabilang rito si Sakura na hinihintay nila ang sasabihin nito tungkol sa kanilang kalaban.

Kasalukuyan nakatayo sa malaking bintana sa bulwagan ng palasyo si Sakura na tilang nag-iisip ito kung sasabihin nito ang kanyang nalalaman.

"Isa po silang Hirako." Sakura

"Hirako?" Haring Sawkie.

"Opo." Bumalik ito sa upuan niya tsaka nag patuloy magsalita.

"Noon unang makaharap ko sila laban. Aaminin kung natalo nila ako. Hindi ko matanggap na isang anino lang ang nakagawa sa'kin ng ganun pensala. Ilan araw ako nanghina ng dahil sakanila. Nang mabawi ko ang lakas ko. Pinag-aralan ko ang bawat galaw nila." Tumingin ito sa malayo na tilang inaalala ang nangyari sa araw na yun.

"Natuklasan kung sa Sentro sila namamalagi at nangunguha ng mga kabataan. Sa ganun paraan ko nalaman ang kahinaan nila." Sakura

"Anong kahinaan nila?" Haring Yunchi

"Ang lason ng peryak." Sakura

"P-peryak?" Haring Yunchi.

"Opo. Ito ang tangin paraan para mamatay sila. Pinag sasama ko ang lason ng peryak at sea bear upang makagawa ng malakas na lason. Nilalagay ko ito sa aking palaso na ginagamit ko sakanila." Sakura

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Sakura. Masyadong mapanganib ang naisip nitong paraan.

"Hindi mo ba naisip na maaari mo itong ikamatay." Reynang Yurika

"Maaari parin po akong mamatay pag nakalaban ko sila." Kalmadong sagot ni Sakura. Hindi mo ito makikitaan ng kahit anong emosyon sa oras na ito.

"Nalaman ko Hirako ang tawag sakanila ng may mapatay ako sa kasamahan nila. Kahit puro itim ang kulay ng balat nila makikita mo parin ang pulang taktak sa dibdib nila. Nakasulat rito ang katagang HIRAKO." Sakura.

"HIRA ibig sabihin LAKAS. KO ibig sabihin TAO." Biglang sambit ni Prinsipe Hizuki. Ang Prinsipe ng Sentro.

"Ibig mo bang sabihin, kaya tayo naghihina dahil kinukuha nila ang lakas natin?" Haring Linsio

"Ganun na nga mahal na Hari." Magalang na sagot ng Prinsipe.

"Yun lang ba ang alam mo Yuki?" Haring Sawkie

"Opo." Sakura

"Kung ganun ang pag-aaralan lang natin kung paano sila matalo sa ibang paraan. Masyadong mapanganib ang iyon pamamaraan." Haring Yunchi.

"Sang-ayon ako kay Haring Yunchi." Reynang Yurika

Nakisang-ayon na rin ang ibang Hari at Reyna sa mungkahi ng Hari ng Suki.

"Sige, yan ang gagawin natin." Kalmadong saad ni Haring Sawkie. "Yuki sasama kaba sa maaaring mangyaring pag sugod sa mga Hirako?" Umaasang tanong ni Haring Sawkie.

"Hindi na po ako sigurado mahal na hari, sapagkat wala na ang aking Zebu at baka maging sagabal pa ako pag nagkataon." Katahimikan ang nag wagi sa loob ng bulwagan sa naging sagot ng dalaga. Alam nilang lahat na mahirap makipaglaban kung wala kang Zebu.

Sakura

Nasa hardin ako ngayon ng palasyo. Hindi ko alam kung ano ang magiging bunga ang pinagsasabi ko kanina. Naputol ang pagmumuni ko ng may magsalita bigla sa likod ko.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon