TWO 25 (Brunches)
Sara
Pagkatapos namin maglaho, sa kampo kami napadpad. Sa tulong ni Rib ay nakaalis kami sa lugar na yun. Nag tanong sila kung paano ko sila nagawang may alis doon ngunit hindi ko nalang sinagot ang tanong nila.
Nasa isang silid kami dito sa kampo upang pag-usapan ang nangyari kanina.
"Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo Master Gon, muntik na kayong mamatay dahil sa naisip mong plano." Sa tinig palang ni HM alam kung nagpipigil ito ng galit.
"Brunches." Tanging sagot nito.
"Ano?" HM
"Sa sanga ng mga puno dito sa Sentro sila dumadaan patungo sakanilang kuta." Malamig na sagot nito kay HM.
Sanga? Tama, naiiba ang mga sanga ng puno dito sa Sentro kay sa Suki. Bigla ko nalang naalala yun sinabi ni Ate bago ako bumalik sa palasyo.
'Kakaiba ang mga sanga doon sa Sentro. Hindi kasing lapad at kakulay dito sa Suki.' Sambit ito na tsaka ako hinatid sa tarangkahan ng Suki.
'Anong ibig mong sabihin?' Kunot noong tanong ko.
'Wala, mag-ingat ka nalang lagi. Wag na wag kang lumalapit sa mga punong may pinaghalong puti at kayumanggi ang kulay.' Seryosong bilin nito.
'Bakit naman?'
'Umalis kana baka gabihin ka pa sa daan.' Kahit naguguluhan na ako ay hindi kuna ito pinansin at napailing sa inaasal ni Ate.
Ibig sabihin matagal na alam ni Ate kung saan nagkukuta ang mga Hirako? Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga mahilig magpahirap ng utak ang kakambal ko.
"Okey ka lang?" Bulong sa akin ni Kira ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
"Kung ganun, kaya hindi natin sila mahuli-huli dahil sa mga sanga sila nagtatago?" HM
"Oo." Master Gon
"Paano mo naman nasabi na sa sanga sila dumadaan?" Napalingon ako kay Kira ng sabihin niya yun.
"Hindi mo ba napansin sa lugar na pinuntahan natin? Pareho ang anyo ng puno doon sa puno dito sa Sentro." Seryosong sagot ni Zhairen. Natameme nalang si Kira sa sagot nito.
"Ganun pala, ano po ang maaari natin gawin ngayon?" Biglang sabat ni Len.
"Ang dapat natin gawin ngayon ay iwasan ang mga ganun puno." Master Gon
"Tama, yan nga ang mainam natin gawin ngayon." HM
"kung ganun kailangan natin lisanin ang kampo ngayon." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Rei.
"Bakit naman natin gagawin yun?" Mataray na tanong ni Mai.
"Dahil may ganun puno dito sa kampo." Mahinahon na sagot ni Rei. Nagpanig sila bigla sa sinagot ni Rei. Maliban lang doon sa mga taga Kinshu dimensyon na tilang walang paki-alam.
Tama nga ang sinabi ni Rei. Napapalibutan kami ng mga ganun puno. Dahil nalaman namin kung saan nagkukuta ang mga Hirako ay gumawa ng hakbang sina HM upang sugurin sila.
-----
Sinugod namin ang kampo ng mga Hirako. Pinagsusunog nila ang bawat puno upang hindi na makatakas ang mga Hirako. Marami kaming napaslang sakanila at kapalit non ang pagkasunog ng kagubatan sa Sentro. Ang dating magandang gubat ay patay na dahil sa sunog na kagagawan namin. Hindi ako sang-ayon sa naging plano nila ngunit si Haring Sawkie na mismo ang nagbigay ng kautusan na sunugin lahat ng puno na ganun ang anyo. Dahil sa pagkalat ng apoy kahit ang ibang puno, hayop, halaman ay nadamay.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...