TWO 41 (Behind the truth)
Third Person POV
Kasalukuyan naghahanda si Sakura sa kanyang pagbabalik sa Zeuzora para simulan ang kanyang tungkulin. Napatigil ito sa kanyang ginagawa nang makita nito sa salamin ang kanyang hitsura. Napabuntong hininga nalang ito habang nakatitig sa kanyang hitsura sa harap ng salamin. Ibang iba na ngayon ang itsura nito kay sa noon. Ang asul nitong buhok ay naging kulay ulap na hanggang tuhod ang haba at ang dati nitong itim na mga mata ay naging kulay lila. Mas lalong pumuti ang dating balat nito. Mas matangkad na rin ito kay sa dati.
"Nakikilala pa kaya ako nina Nay?" Buntong hiningang saad nito. Ayon sa Anghel na si Zky. Hindi na niya nagawan ng paraan ang dati nitong katawan. Sapagkat pumanaw na ito dahil sa matinding lason. Ibinalik nito ang buhay ni Sakura ngunit sa ibang anyo. Bago mapasakamay nito ang kapangyarihan ng Anghel na si Zky. Kailangan muna nito mabuhay. Tinapik tapik nito ang kanyang mukha bago bumalik sa ginagawa niya. kailangan nito makagawa ng bagong kasuotan sapagkat hindi na sakanya kasya ang mga dating damit nito.
"Aalis kana ba?" Tanong ng Reyna ng mga Leopardo.
"Opo, kailangan kuna pong gumawa ng hakbang." Magalang na sagot nito.
"Hangad ko ang iyong tagumpay." Isang ngiti ang sinagot niya rito. Nagbago man ang kanyang anyo, ngunit ang kanyang ugali ay hinding-hindi magbabago kailan man.
Dumaan na ito sa lagusan papunta sa mundo ng Zeuzora. Tulad noon sa bundok ng Suki ito nakalabas. Wala parin itong binagbago. Dahil dit ang daan papunta sa Lintana. Walang masamang enerhiya ang makapasok sa bundok. Kung anong malakas na enerhiya ang nagpoprotekta sa buong lugar. Nagsimula na itong maglakad papunta sa kanilang tahanan. Balak muna itong magpakita sa kanyang magulang bago simulan ang tungkulin. Nadatnan nitong tilang walang tao sakanilang buhay. Nagtataka itong pumasok sa loob. Ganun parin ang ayos ng kanilang bahay. Malinis ito na tilang nahiyang tumapo ang kahit anong dumi. Pabaksak nitong tinapon ang sarili sa mahabang upuan na tilang ngayon lang nito naramdaman ang matinding pagsasanay sa kamay ng Anghel na si Zky. Napalingon ito sakanyang kuwarto na tilang may naririnig siya umiiyak sa loob ng silid nito. Maingat itong naglakad patungo sakanyang kuwarto.
"Ate Yuki, nasaan kana ba? 'hik' Please umuwi kana. Hindi ako naniniwala na patay kana hanggang sa hindi ko nakikita ang katawan mo." Umiiyak sa saad ni Leo habang yakap-yakap nito ang unan ng Ate Yuki niya. Isang ngiti lang ang sumilay sa kanyang labi ng makita ang itsura ng kanyang kapatid. Tilang hindi ito naligo ng ilan araw at walang ginawa kundi umiyak.
"Kundi hindi ka naniniwala bakit hindi mo hanapin ang katawan nito." Agad na napalingon sakanya si Leo at ganun nalang ang pagkagulat nito nang yakapin niya ito.
"Ate Yuki... Buhay ka.. buhay ka..." Paulit ulit na sambit nito habang yakap-yakap ang kanyang Ate. Hinayaan lang nitong umiiyak sa balikat niya habang hinihigod nito ang likod ni Leo para pakalmahin.
"Paano mo ako nakilala?" Tanong nito kay Leo habang nasa kusina sila. Pinagluluto ito ni Leo ng makakain.
"Kahit ano pang maging itsura mo AteYuki ay makikilala at makikilala parin kita. " Nakangiting sagot nito.
"Paano naman nangyari yun?" Tanong nito ulit habang iniinom ang kapang tinimpla sakanya ni Leo.
"Dahil ikaw ang Ate Yuki ko." Napangiti nalang ito dahil sa sagot ng kapatid.
"Nga pala, nasaan sina Nay ngayon?" Biglang tanong nito. Natigilan sa ginagawa si Leo bago sagutin ang tanong ng kanynang Ate.
"Mula ng malaman nilang wala kana. Hindi na sila umuwi pa dito sa bahay. Tuwing nandito kasi sila walang ginawa si Inay at Sara kundi umiyak. Kaya nagdisisyon si Itay na doon muna manatili sa Grem Village." Malungkot na sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...