TWO 46 (The Owner of Stone)
Third Person POV
Pagdating nina Sakura sa Blue Moon. Maraming harang ang nagkalat sa paligid na tila pinuprotektahan ang bawat lugar. Nagkalat ang mga itim na halimaw na galing sa kadiliman. Sobrang dilim ng paligid dahil sa kagagawan ng itim na ulap sa langit kung kaya't may mga Dallyut rin na nagkalat sa paligid na walang kapaguran sa pagsira sa mga harang sa paligid.
"Anong nangyayari? Paano nandito ang mga Dallyut?" Tanong ni Rie.
"Mukhang may nagtawag sakanila mula sa Dark Land." Sagot ni Haring Gon na nakatingin sa mga Dallyut.
"Hindi ganun, nandito sila para sa puso ni kirs." Sagot ni Sakura na kinagulat nila.
"Wag mong sabihin na sila ang umatake kay Sara noon." Tumango lang si Sakura sa tanong ni Prinsesa Renna (Miss Ren). "Saan ng galing ang mga harang?" Tanong ulit nito.
"Kagagawan ito ng limang bato." Sagot nito tsaka sila lumusot sa harang. "Kailangan natin magtungo sa Grem Village dahil nandoon ang mga Hirako." Tila natigilan ang Hari ng marinig niya ito kaya napatingin sakanya si Sakura ng mapansin niyang hindi sumunod sa kanya ang mga taga Light Land.
"May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito.
"Alam na siguro nila na kami ang dumakip sa Prinsipe. Laho ng alam niyang nasa Kinshu Dimension siya noon." Nag-aalalang sagot ni Haring Gon. Ngumiti lang si Sakura bago sumagot.
"Wag kayong mag-alala dahil hindi yun sasabihin ng Prinsipe. Napag-usapan na namin ang tungkol dyan. Nangako siyang hindi magsasalita ng masama tungkol sainyo." Nakangiting saad nito. Nakahinga naman sila ng maayos dahil sa sinabi ni Sakura. "Tayo na, kailangan nila tayo." Tumango ang mga ito bilang pang sang-ayon. Kasama niya ang six head ng Hirako na pinamumunuan ni Haring Gon (Master Gon). Hindi nito pinasama ang ilan kawal para tumulong sa Light Land kung may sakaling aayusin doon. Dahil sakanila kung bakit nangyari ang lahat na ito sa Blue Moon kaya sila mismo ang aayos ng gulong nilikha nila sa Blue Moon.
Pagdating nila sa Grem Village sumalubong sakanila ang labanan sa pagitan ng mga taga Blue Moon at Hirako na gumagamit ng itim na Zebu. Nandoon ang tinawag nilang Black Butterfly, Black Spider at Black Rose. Yun ang mga pangalan nakataktak sa mga kusuotan nila. Habang sa kalayuan nakikita nila ang nakasuot ng puting na kasuotan at may maskarang itim na may nakasulat na Black Dragon ang pinuno ng mga Hirako. May nakapaligid rito na mga itim na halimaw.
Wala sabing tumulong sila sa laban. Nakisali si Zhiean sa Star Section na pinagtutulungan patayin ang mga Dallyut.
"Sabi ni Sakura ang habol ng mga Dallyut ay ang puso ni Kirs. Kaya ilayo na niyo rito ang bata." Saad ni Zhiean na nakikipaglaban sa malaking Dallyut.
"Ano? Ang puso ni Kirs. Ibig sabihin sila ang umatake noon sa bahay namin?" Galit na saad ni Kira. Tumango lang si Zhiean bilang sagot. Nakaramdam ng matinding galit si Kira dahil sa nalaman niya. Tila may malakas na Eun ang pumasok sa bawat ugat nito. Isang hiwa lang nito ng kanyang sandata sa Dallyut ay nahahati na ito sa gitna. Nagulat ang mga kaibigan niya dahil sa nakikita nilang pambihirang kakayahan ni Kira.
"Ahhhhhhhh...." Sumigaw ito ng malakas sabay ng paglabas ng berdeng dambuhalang ahas na kumitil ng buhay ng mga Dallyut. Kada buga nito ng kakaibang usok ay nasusunog ang katawan ng mga Dallyut.
"Kira! Please tama na." Sigaw ni Sara ng mapansin nitong tila nawawala na sa katinuan si Kira sapagkat pati sila ay inaatake na ng ahas na lumabas mula sakanya. Sa isang iglap bigla nalang nawalan ng malay si Kira dahil sa kagagawan ni Sakura.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...