TWO 11 The Truth

83 3 0
                                    

TWO 11 (The Truth)

SAKURA

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Nasaan nanaman ba ako?" Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para makita ang paligid.

"Teka paano ako napunta dito sa kuwarto ko?" Tumayo ako para tanungin si Nay ng biglang mahulog ang isang aklat mula kung saan.

"Ano to? ZEUNTES BLUEZORA." Nilagay ko nalang ito sa table tsaka lumabas sa kuwarto. Paano kaya ako nakauwi?

Nadatnan ko sa kusina si Nay na nagluluto.

"Hi! Nay.' Sabay halik sa pisngi nito.

"Musta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Nay.

"Medyo masakit lang po ang ulo ko. Paano po pala ako nakauwi Nay?"

"Nakita ka ng Tay mong natutulog sa ilalim ng puno." Napatango nalang ako bilang sagot. "Alam kung gutom ka, kumain kana."

"Opo." Kahit wala akong ganang kumain ay kumain na ako baka mag-alala si Nay sa'kin. Alam kung hindi pananginip ang lahat ng nakita ko kanina. Naninikip ang dibdib ko tuwing naalala ko ang malungkot na mata ng asawa ng prinsipe.

-------

"Zeuntes Bluezora?" Bakit pamilyar sa'kin ang kataga na ito. Kanina ko pa tinititigan ang aklat. Nag-iisip ako kung babasahin ko ba o hindi. Matapos ang mahabang pag-iisip, nag pasya rin ako na basahin ito.

Pagbuklat ko rito isang pamilyar na titik ang tumambad sa'kin. Ganito ang titik sa book of ZB hindi kaya iisa lang ang aklat?

-------

Ang mundo natin maraming iba't ibang nilalang ang namumuhay rito kabilang na doon ang mga anghel. Sa mga normal na nilalang hindi sila naniniwala na may anghel na nabubuhay para bantayan sila. Kahit ganun hindi parin nagsasawa ang mga anghel na bantayan sila dahil na rin sa utos ng kanilang Hibre.

Sa daigdig na ito may nabubuhay na dalawang mundo. Ang mundo ng mga normal na tao at ang mundo ng mga anghel. Lintana ang tawag sa normal na mundo habang Bluezora ang tawag sa mundo ng mga anghel.

Ang Lintana, ito ang mundong puno ng pagmamahan sa kapwa. Mayaman man o mahirap ay iisa ang hangarin sa buhay. 'Ang makasama ang kanilang minamahal hanggang sa huli nitong hiningan.'

Ang Bluezora, ito ang mundong puno ng mahika. Ang mundong kalahating dilim at liwanag kung saan naninirahan ang Hibre at mga Anghel nito. Puno ng kasayahan at katahimikan ang mundo nila. Ang kasayahan nang gagaling sakanila ang nagbibigay kulay sa mundo ng Lintana.

Ang Bzebu, ang tawag sa apat na tinakdang anghel na hahawak sa apat na elemento. Si Windy Guence ang may hawak sa elemento ng hangin. Si Ellina Syo ang may hawak sa elemento ng Lupa. Si Aqua Tarkiero ang may hawak sa elemento ng tubig. Si Phoenix Leonkie ang may hawak sa elemento ng apoy. Sila ang matapat na tagapaglingkod ng Hibre.

Ang Hirbe, ang pinuno ng mga anghel na pinagsisilbihan ng Bzebu. Ito ang may hawak sa apat na elemento. Mapagmahal sa lahat ng kanyang nasasakupan. Ito rin ang nagbibigay balanse sa dalawang mundo.

Bluezora

Masayang nagliliparan ang mga anghel na tilang wala silang kapaguran sa paglalaro. Ang mga tinig nila ang nagbibigay kulay sa dalawang daigdig. Napapangiting pinapanood sila ng apat na Bzebu kung saan sila nakatalaga. Sa isang malawak na hardin nandoon ang kanilang Hibre na masayang nangunguha ng mga bulaklak.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon