TWO 26 Head of Hirako

73 3 0
                                    

TWO 26 (Head of Hirako)

Sara

Nasa Sentro kami ngayon. Mga bakas ng sunog ang makikita mo sa buong paligid ng Sentro. Sana ngayon ay mag tagumpay ang aming plano.

"Nasa posisyon naba ang lahat?" Tanong ni HM, sa isip niya kami ngayon kinakausap upang hindi mapansin ng mga Hirako ang plano namin pagsugod sakanila.

"Opo." Sagot ko. Nagtatago ako malapit sa ilog ng Sentro kung saan maraming batong matataas rito. Makikita ko sa kinalalagyan ko ngayon ang lahat na mangyayari sa paligid.

Napatingin ako sa gawi ni Kira na nagtatago malapit sa may putikan. Hindi ko parin alam kung mapapatawad ko siya sa paglalaro niya sa damdamin ko. Tuwing naiisip kung patatawarin ko siya ay tilang sumisikip ang dibdib ko. Kailangan ko siguro ng mahabang panahon para mapatawad siya.

"May paparating." May kakaibang enerhiya ang nararamdaman ko sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali ay kabilang ito sa mga Hirako.

Walang nakasagot sakanila dahil bigla nalang may sumugod sakanila. Napaalerto nalang ako sa paligid baka pati dito sa kinalalagyan ko ay may Hirako rin nakatago.

"Masyado ka naman matatakutin." Muntik na ako mapasigaw ng biglang may magsalita sa tabi ko.

"Ah! Hindi pala magugulatin ka rin." Simpleng dugtong nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko na ibinalik ang atensyon kina Kira na nakikipaglaban ngayon sa mga Hirako. Kailangan ko maghanap ng tamang oras para sa pagsugod ko.

"Bawal ba?" Sagot nito na nakatingin narin kina Kira ngunit ang atensyon nito ay kay Master Gon.

"Alam ba nina Itay na nandito ka?" Baka tumakas nanaman ang isang ito. Ayaw pa naman nina Itay na tumulong siya sa laban.

"Hindi, sinabi kung magpapahangin lang ako sa gubat. Nga pala, bakit ngayon ko lang nakita ang tatlong yun?" Tukoy niya kina Master Gon.

"Hindi sila taga rito. Mula sila sa Kinshu Dimension upang tumulong sa paggapi sa mga Hirako kapalit ang pagtulong namin sakanila." Paliwanag ko rito.

"Kinshu Dimension? Hindi rin masama." Nakangising sambit nito.

"Teka wag mong sabihin na kursonada mo si Master Gon?" Binigyan lang ako nito ng nakakalukong ngiti. "Hoy! Baka may kasintahan na siya."

"Asawa nga naaagaw, kasintahan pa kaya." Napailing nalang ako sa sagot niya. Baliw nanaman ang isang ito.

"Magaling din siyang makipaglaban." Nakangiting sambit nanaman nito.

"Ate tumigil ka nga, sinisira mo ang konsetrasyon ko rito." Saway ko rito.

"Hahahah. Oo na aalis na ako. Kung ako sayo gawin mo na ang plano mo bago pa mahuli ang lahat." Pagkasabi niya nun naglaho na ito agad. Kasama nanaman ata niya si Rib.

Pinanood ko muna sila bago ko gawin ang plano ko. Lahat sila'y abala sa pakikipaglaban. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa isang iglap umulan ng sobrang lakas. Hindi lang karaniwang ulan ang ginawa ko dahil kasing init nito ang tatlong oras na pinakuluang tubig.

Third Person POV

Napapailing nalang ako ng makita ang kalukuhan ginawa ni Sara. Dahil sa kagagawan niyang pagpaulan ng mainit na tubig nalanta lahat ng halaman sa paligid.

"Leon Cat, nakahanda na po ang lahat." Saad ng itim na aninong inutusan ko kanina.

"Okey." Pagkasabi ko noon agad din ito naglaho sa harap ko.

"Isang kalaban na hindi nila kayang talunin." Sambit ko sa kawalan. Sinubukan ko kung kaya nilang harapin ang lahat ng pagsubok na darating sakanilang buhay, ngunit sa napansin ko mukhang hindi nila ito kayang harapin lahat.

Isang Aquatic Phanthon ang kakayahan ni Sara kaya sa ginawa niya ay maaaring malaki ang masira sa mundo ng Zeuzora. Siguro kailangan ko gawan ng paraan ang nilikha kung gulo dito sa Zeuzora.

Bigla ko nalang naalala ang sinabi sa'kin noon ng ni Zeuntes Bluezera

"Tinakda masaya akong makilala ka, ngunit kakailanganin mong subukan ang katatagan ng mga nilalang na nabubuhay sa ilalim ng aking kapangyarihan. Sa oras na malaman mo hanggang saan ang kanilang lakas na loob ay dito na magsisimula ang totoong pagsubok na susubok sakanilang katatagan bilang taga sunod ng aking kapangyarihan." Hindi ko masyadong maintindihan ang nais niyang ipahiwatig sa'kin. Nais ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil walang lumalabas na kahit isang salita sa aking bigbig.

"Sa oras na magawa mo na yun, bangkitin mo lang ang mga salitang ito." At bigla nalang itong naglaho sa harapan ko.

Siguro ay ito na ang tamang oras sa sinabi ni Zeuntes Bluezera.

"Blerliya kursilla." Pagkasabi ko ng katagang yun isang malakas na hangin ang gumapi sa buong Zeuzora.

Paglipas ng ilan oras bumalik sa dati ang lahat kung saan walang Hirako na kinatatakutan ng mga taga Zeuzora.

Ako si Leon cat ang pinuno ng mga Hirako na sumubog sa katatagan at lakas ng mga taga sunod ni Zeuntes Bluezera. Base sa'kin nasaksihan wala silang panama sa anuman darating na sakuna sa mundo ng Zeuzora.

Buong akala ko. May babalik ko sa ayos ang lahat. Subalit isang katutuhanan ang sumapal sa'kin. Ang akala ko ako ang may kagagawan ngunit sa likod nito may isang grupo na sinasamantala ang mga pagsubok ko.

'Magtutuos din tayo sa huli. Kaibigan!'

**********

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon