TWO 36 (The Angel Stone)
Third Person POV
Pormal na sinimulan na nila ang pulong pagkatapos nilang ipaliwanag kay Sakura ang dahilan na pagkakasali nito sa pulong nila. Si Miss Ren ang nagpaliwanag sa mga impormasyon na nakuha nila tungkol sa mga kalaban.
"Ang una sa listahan natin na kalaban dito sa Zeuzora ay ang mga Yuko sa labas ng harang. Nalaman namin na wala silang Zebu sa katawan. Ang mga dugo na nakuha namin sakanila ay nagtataglay ng kakaibang Eun na nagiging dahilan ng paglaki nila tulad ng siyang dambuhalang halimaw. Kahit simpleng atake lang ay kinamamatay nila. Ngunit hindi sila ganun kadaling nauubos. Nagmumula sila sa ilalim ng lupa. Ito lang ang nakuha namin impormasyon tungkol sa mga Yuko. Kung may alam pa kayo maaari niyong sabihin ngayon." Paliwanag ni Miss Ren. Nakatitig lang si Sakura sa mga litrato ng mga Yuko na dinikit ni Miss Ren sa unahan. Nakukulangan ito sa impormasyon na sinabi ni Miss Ren.
"Naguguluhan ako tungkol kung saan sila nagmumula." Saad ni Master Gon na seryosng nakatingin sa mga letrato. "Sabi mo nagmumula sila sa ilalim ng lupa. Ngunit bakit walang lumalabas na Yuko sa lugar natin? Maaari naman silang dumadaan sa lupa upang makalampas sa harang." Napaisip sila bigla dahil sa tanong nito.
"Maliban sa tanong ni Master Gon naguguluhan din ako sa isang bagay. Nung minsan na makalaban ko sila. Bigla-bigla nalang silang dumadami kaya lumipad ako para iwasan sila ngunit ganun nalang ang pagtataka ko ng lumipad din sila para habulin ako. Kung wala ng silang Zebu paano sila nakakalipad?" Isang tanong ni Mai na nagpadagdag sa problema nila.
"Maliban doon bigla-bigla din sila nawawala at paglipas ng dalawang oras ay nandoon nanaman sila na walang humpay na inaateke ang mga harang." Wika ni Yuen na nagpaisip nanaman sakanila lalo.
"Ayon sa nalaman ko kay Sara. Halaman ang kakayahan mo Len at Lupa naman kay Kira. Tama ba?" Seryosong tanong ni Sakura na nagpakuha sa atensyon nila.
"Oo." Sagot ni Len at Kira.
"Bakit hindi niyo ito gamitin para masagot ang mga katanungan na yan. O baka naman may masasabi kayo dahil minsan ko kayong nakitang nakipaglaban sa mga Yuko at maaaring may napansin kayo." Saad nito. Napunta kina Len ang atensyon ng lahat dahil sa sinabi niya. Walang masabi ang dalawa dahil tama naman ang sinabi ni Sakura kanina.
"Nung makalaban ko sila. Sinubukan kung alamin kung saan sila nagmula at ano ang dahilan ng pagdami nila ngunit wala akong nakuhang sagot." Mahinang saad ni Len. Alam na ng mga nandoon ang tungkol doon dahil naging misyon yun ni Len ngunit wala silang napala. Magsasalita na sana si Kira ng maunahan niya ito.
"Imposibleng walang dahilan." Seryosong saad nito kay Len. Palihim lang itong inirapan ni Len dahil naiinis na ito sa ugali niya. Tumingin ito kay Kira na tilang hinihintay ang sasabihin nito.
"Halos walang pinagkaiba ang lupa dito at sa lupa doon. Ilan araw ko na rin pinag-aralan ito ngunit isa lang ang nalaman ko. Hindi ko maramdaman ang Eun ko sa lugar na yun." Simpleng paliwanag ni Kira. Gusto sana matawa ni Sakura ngunit pinigilan niya dahil baka magalit ang mga doon. Naghintay ito kung sino pa ang magsasalita ngunit tilang wala na.
"Kung ganun yan lang ang impormasyon natin sa mga Yuko?" Kalmadong tanong nito. Napapairap ang ilan kababaihan dahil sa tanong niya. Walang sumagot sa tanong niya dahil obvious naman ang sagot.
"Nakikinig ba siya? Kung makapagsalita parang may nasabi siya tungkol sa Yuko." Asar na bulong ni Mai na naiinis na sakanya.
"Paano niyo nalaman na Yuko ang tawag sakanila?" Napailing lang si Miss Ren sa tanong niya. kahit siya ay tilang naasar na kay Sakura. Nasabi nalang nito sa sarili na magkaiba ang ugali ng kambal. Si Sara magalang ngunit siya hindi.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...