TWO 10 The Gate of the Past

88 1 0
                                    

TWO 10 (The Gate of the Past)

SAKURA

Nandito ako ngayon sa gubat para manghuli ng fire fairy. Sabi nila kasi may kakayahan daw itong manggamot ng nasunog na balat kaya magandang siyang gawin sangkap sa ilan expirement na maaari nanaman niyang gawin. Ayon sa aklat matatagpuan raw ito sa bukana ng mga bulkan.

Maingat akong nagtatalon sa taas ng puno para makaiwas sa mga mapanganib na hayop rito sa gubat, mahirap na baka mapasubo ako nang wala sa oras. Nang makita kung malapit na ako sa Bulkan ng Geryam mas iningatan ko ang bawat lakad ko. Balita ko kasi may naririrahan daw rito na mga Leopardo. Isang uri ng hayop na nangangain ng laman ng tao yun ang sabi nila.

Malapit na sana ako sa bulkan ng may marinig akong ingay sa bandang bahagi ng bulkan. Basi sa ingay nila parang mga hayop ang may gawa nito parang nag-aaway sila. Pumunta ako sa pinanggagalingan ng ingay para malaman kung anong nangyayari at hindi nga ako nagkakamali may nag-aaway nga subalit tao at hayop ito.

Kung titignan mo ang itsura nila. Isang puting hayop na may makapal na balahibo, mayron itong dalawang sungay na magkalapit sa isa't isa at may lumalabas na kurente rito na pinapatama niya sa lalaking kaaway niya. Ang lalaki naman ay kulay kayumanggi ang buhok nito at itim ang mata, may katangkaran din ito na may kayumangging balat.

Patuloy lang ang kanilang paglalaban na dalawa. May hawak na malaking patalim ang lalaki na patuloy nitong hinahampas sa hayop na kalaban niya. Iniiwasan naman ito nang hayop na yun at pinapatamaan ang lalaki ng kanyang kurente. Sino kaya ang kalaban sakanilang dalawa? Hindi kayang itong hayop na ito ay ang Leopardo?

"Mapapasaakin ka rin hayop ka aaahhhhh." Kung ganun siya ang kalaban.

Mabilis na tumakbo ang lalaki patungo sa hayop na yun. Parang nagulat naman ang hayop dahil hindi ito nakakilos agad, naiba kasi ang anyo nang sandata nito. Kung kanina ay malaki ito ngayon ay lumiit na, na parang hugis sungay ito. Kasing hugis ng sungay ng hayop na kalaban niya.

"MAPAPASA'KIN KANA HAHAHAH." Baliw na saad ng lalaki tsaka nito balak na iturok sa katawan ng Leopardo. Mabilis kung kinuha sa bag ko ang aking maskara tsaka ito isinuot agad.

Walang pasabing sinipa ko sa bewang ang lalaki na naging sanhi ng pagtilapon nito sa malaking puno na ilan tangkal ang layo nito sa bulkan. Tumayo ako sa harap ng Leopardo na telang pino-protektahan ito laban sa kanya. Nahihirapan itong tumayo habang hawak niya ang bewang niyang sinipa ko kanina.

"Tignan mo nga naman. Telang sinusuwerte ako ngayon araw, isang Leopardo at isang taong Lion ang nasa harap ko ngayon ahahahaha. Malaki ang kikitain ko sainyo pagnagkataon hahahahahahah...." Parang baliw itong tumawa ng malakas.

So Leopardo nga itong pino-protektahan ko ngayon. Kung ganun bakit telang baliktad ang sinasabi nila kay sa nakikita ko ngayon?

Nanginginig na nagtago sa likod ko ang Leopardo na telang natakot sa tawa ng abnoy na lalaki sa harap namin. Kinuha ko ang kapang nasa likod ko at itinago siya doon, may kakayahan itong gawin kang invisible at itago ang aura mo pagsuot mo ito.

"Wag kang kikilos dyan." Saad ko rito tsaka hinarap ang lalaking busy parin sa pagtawa niya.

Napairap nalang ako sa kawalan tsaka ito mabilis na sinuntok sa tiyan na naging dahilan ng pagsuka nito ng dugo. Kulang pa yan sa ginagawa niya sa mga hayop na wala naman ginagawa sakanya, teka parang pinatamaan ko lang ang sarili ko dahil ganun din naman ang ginawa ko.

Dahil nawala ako sa wisyo sa tanong na yun sa isip ko, kaya nakaganti siya ng suntok sa'kin kaya tumilapon ako sa puno na malapit sa Leopardo. Napakagat ako sa labi ko ng maramdaman ko ang pagkirot ng likod ko.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon