TWO 29 Infected

75 2 0
                                    

TWO 29 (Infected)

Sakura

Nandito ako ngayon sa dulo ng bayan namin. Balak kung pumunta sa likod nitong harang. Nakasuot ako ng maikling short na itim at puting sando na may kasamang maikling itim na jacket na hanggang bewang lang ang haba. Tinali ko pataas ang buhok ko at inayos ang pagkakasuot ko sa aking guwantes. Pag lumabas ako sa harang na ito hindi malayong mapalaban ako kaya mas okey na yun handa.

Pagtagos ko palang sa harang. Isang dabumhalang ugat ng puno ang sumalubong sa'kin, agad kung inihataw rito ang aking latigo na naging sanhi ng pagkawasak nito. Isinuot ko ang aking kapa upang hindi nila ako maramdaman at makita. Mala Leon Cat nanaman ang ayos ko ngayon. Tahimik lang ako naglalakad sa paligid. Ang dahilan kung bakit ako pumunta rito dahil naghahanap ako ng nakaligtas o para malaman din kung ano ang nasa loob ng bayan na ito.

Sirang bahay at mga patay na puno lang ang nakikita ko sa paligid. Mga halimaw na tilang walang kapaguran sa pagsalakay sa mga harang. Pag bumigay ang mga harang na ito, magiging katapusan na ng Zeuzora at hindi ko hahayaan mangyari yun. Kung hindi ko man may ligtas ang mundo na ito baka magawan ko pa nang paraan na makagawa ng bagong mundo na maaari namin tirahan. Napatawa nalang ako dahil sa mga kabaliwan na naiisip ko. Paano naman kaya ako makakagawa ng bagong mundo?

Nakatayo lang ako sa taas ng patay na puno. Nakakapagod kasing mag lakad, bigla ko nalang naalala ang itsura kanina ni Sara. Parang nakakita ito ng multo ng makita ako. Hindi kaya dahil matagal akong nawala. Oo nga pala, sampong taon daw ako nawala ayon kay Nay. Muntik na ako mahulog ng makarinig ako ng matinding pagsabog malapit sa kinatatayuan ko.

------

Hindi rin masama, magagaling silang makipaglaban. May limang tao na nakikipaglaban ngayon sa mga Yuko. Sa ayos palang ng pananamit nila. Tila isa sila sa mga mandirigmang ipinadala kung saan lugar. Mukhang kilala ko ang ilan sakanila. Sina Rio, Yuen at Len lang kilala ko sakanila yung dalawa ngayon ko lang nakita. Isang babae at lalake naman yun isa. Pinapanood ko lang sila bawat galaw nila ay makikita mong sanay na sila sa pakikipaglaban.

"Rio look out." Sigaw ni Len ng muntik na makain ng Rosas na Yuko ito. Umiwas naman ito agad at hiniwa ni Yuen ito.

Nakuha ng atensyon ko ang isa sakanila na napapalibutan ng maraming Yuko. Nang makita kung tatamaan ito ng isang Yuko agad akong kumilos para patamaan ito gamit ang Latigo ko. Gulat na napatingin sa'kin ito na tilang hindi inaasahan nito ang pagsulpot ko.

Tatanungin ko sana kung okey lang siya ngunit naunahan ako ni Len.

"Sara, hanggang dito pa naman sinusundan mo si Ice. Sawa kana ba kay Kira kaya siya nanaman ang biktima ng kalandian mo." Ano raw? Kalandian? Bigla ko nalang naalala ang wagas na pagyakap ni Sara kay Kira. Oo nga malandi nga ang isang yun. Hindi ko ito sinagot imbis ay naglakad nalang ako palayo sakanila. Nawala kasi ang mga Yuko sa hindi malaman na dahilan. Natakot ata sila sa boses ni Len.

"Len, hindi mo dapat sinabi yun dahil kung hindi dahil sakanya baka napahamak si Ice." Rinig kung saway sakanya ng isang babaeng kasama nila. Ice pala ang pangalan nila.

"Wait! Sara saan ka pupunta?" Hindi ako lumingon sa tawag ng babaeng kasama nila dahil sa pagkakaalam ko hindi naman Sara ang pangalan ko.

Sa ilan oras na paglalakad narating ko ang isang bayan. Kung hindi ako nagkakamali ito ang pinakasentro ng Zeuzora kung saan madalas ginagawa ang festival noon. Wasak na wasak na ito at kunti lang ang nakatayong bahay sa paligid. Nararamdaman ko pang may mga tao pa sa paligid nitong bayan at alam kung nakamasid sila ngayon sa'min. Siguro hindi ito nakaligtas dahil dito nagsimula ang sunog na kagagawan ni Rio at iba pa nitong kasama.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon