TWO 1 Sakura

249 6 0
                                    

TWO 1

SAKURA


*yawn*

Grabe antok na ako.

*yawn*

'Nakakatamad talaga maghintay ng isda.'

Kasalukuyan ako ngayon na mimingwit sa ilog ng suki para sa ulam namin mamayang gabi.

Sakura Yukito ang pangalan ko labing walong taong gulang. 5'6 ang tangkad ko hugis diamond ang mukha ko. Mapupulang labi na may kaliitan hugis. May kalakihan ang mata ko na may mahahabang pilit mata. Matangos rin ang ilong ko.

Kulay itim ang mata ko at kulay asul naman ang buhok ko na hanggang bewang ang haba. Maputi at makinis ang balat ko kahit mahirap lang kami at simpre may kurba din ang katawan ko gawa ng kahirapan.

Magaling akong makipaglaban isa sa isa man yan o maramihan, malayo man yan o malapitan laban. Walang sandata na hindi ko kayang gamitin. Walang problema na hindi ko kayang solusyunan. Walang trabaho na hindi kayang gawin.

Oo na lahat ay nasa akin na, maliban lang sa dalawang bagay.

Una ay ang kayamanan subalit hindi naman yan problema habang nabubuhay ay may pag-asa.

Pangalawa ay...



























Kapangyarihan.

Oo wala ako niyan sapagkat pinagkait sa'kin ang isang bagay na yan. Sabihin man natin na magaling ako makipaglaban subalit pag kapangyarihan na ang labanan walang-wala na ako.

Ngunit tulad ng sabi ko 'Walang problema na hindi ko kayang solusyunan.'

'Opps mukhang may nahulog sa bitag ko.'

Agad kong hinila ang pamingwit ko kasabay nito ang pagkaahon ng isang malaking isda. Kinuha ko sa bibig niya ang lubid ng pamingwit tsaka ko nilagay ang isdang nahuli ko sa dala-dala kung basket.

Napangiti ako ng makita ang laki nito. Mukhang mapapasarap ang hapunan namin ngayon. Inayos kuna ang mga gamit ko at nag simula nang maglakad pauwi.

Ganito ako palagi kuntento na sa isa. May bukas pa naman para mamingwit ulit kaya sapat na ang isa. Malaki rin naman ang isda na ito kaya sapat na sa'min ito.

Nag patalon talon ako sa mga sanga. Upang makaiwas sa mababangis na hayop sa paligid. Malayo kasi sa tinitirahan namin ang ilog na ito. kailangan mo pa dumaan sa gubat para lang makarating rito.

Napatigil ako bigla ng maramdaman ko ang pagkati ng braso ko kaya tinignan ko muna ito.

10 Red sunflower
8 black water lily
1 brown powder
1 violet bear
1 teeth of snake laser

I need it for experiments

Sent it to me as soon as possible 'within 3 days'.

Napataas ang kilay ko ng mabasa ito. Ano sa tingin niya madali lang hanapin ang pinapakuha niya. Kung nandito lang siya makakatanggap siya ng batok sa'kin.

Dahil sa inis ko sinipa ko ang punong kina-aapakan ko na naging dahilan ng paggising ng isang natutulog na sawa huhu..

I'm dead na.

Inatake niya ako bigla kaya agad akong napatalon sa kabilang sanga. Hinabol niya ako kaya nag patalon talon nalang ako sa mga puno para umiwas.

Talon sa baba. Talon sa taas. Pa ulit ulit ko yun ginawa hanggang sa hindi na niya ako maabot. Hinawi ko ang buhok kung nakaharang sa mukha ko tsaka tinignan ang itsura ng ahas na natali ang sarili niya sa mga puno dahil sa haba niya at kasusugod niya sa'kin.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon