TWO 31 Dream

64 2 0
                                    

TWO 31 (Dream)

Sakura

Nakatulalang nakatingin ako sa'kin bintana. Tinitimbang ang bawat salita na binitawan ni Tay sa'kin kanina. Ngayon lang pumasok sa isipan ko kung gaano akong kawalang silbi sa bayan namin. Ito ang unang beses na nakarinig ako ng masasakit na salita kay Tay na tilang seryoso ito ng sabihin ang mga kataga na yun. Pinipilit ng isipan ko na wag na yun isipan pa. Na hindi ito si Tay at ibang tao ito. Dahil sa matinding pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puno ng iba't ibang uri nang halaman at masarap ang simoy ng hangin sa paligid ng lugar nito.

'Nagustuhan mo na ang aking tahanan?'

Isang tinig ang naggaling sa aking likuran. Kaya napalingon ako rito agad. Tumambad sa'kin ang isang babaeng kulay Kayumanggi ang buhok na may asul na mata. Nakasuot ito ng puting kasuotan at nakalugay ang mahabang buhok nito.

"Sino ka? At bakit ako nandito?" Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa aking itong mga nakaraan araw. Kung saan-saan na akong napupunta na lugar.

'Wag kang mag-alala dahil isa akong kaibigan.'

Sa tinig ng kanyang pananalita. Mukhang hindi naman siya kalaban.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Malumanay na tanong ko rito.

'Nandito ako para tulungan kang magising sa panaginip na ito. Nais kung harapin mo ang tungkulin na nakapataw sa iyong pagkatao.'

"Tungkulin?"

'Oo, at natitiyak kung alam muna ang tungkulin na ito. Wag mong hayaan na paglaruan nila ang iyong kapalaran.' Saad nito tsaka unti-unti na itong naglalaho.

"Teka anong pangalan mo?"

'Hindi na yun mahalaga sa ngayon. Mag-iingat ka sa mapaglarong nilalang sa'tin mundo.' Tsaka ito tuluyan ng naglaho.

Bigla nalang ako nagising na hinahabol ang aking hininga. Anong klaseng panaginip yun? Teka nasaan nanaman ba ako? Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at telang nasa gubat ako ngayon.

"Teka, bakit ako nandito sa gubat ng Suki? Sa pagkakatanda ko sa kuwarto ako natulog kanina." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga nangyayari sa'kin. Bumangon na ako sa pagkakahiga sa damuhan at nagsimula na maglakad pauwi sa'min tahanan. Sa aking paglalakad napansin kung maraming nabago dito sa gubat ng Suki. Tila ang tagal na hindi ako nakapunta rito.

Pagkatapos na ilan oras na paglalakad nakarating na rin ako sa amin tahanan. Ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita kung tilang bumalik na sa dating itsura ang amin tahanan. Hindi na ito isang akademya. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa nangyayari. Mga nangyayari na walang kasagutan.

Bago pa man ako mawalan ng malay dito sa labas pumasok na ako sa loob ng aming tahanan. Pagpasok ko palang isang batok ang sumalubing sa'kin.

"Arayyy koo.." Daing ko. Feeling ko naalok ang utak ko. Pagtingin ko sa salarin ay laking gulat ko dahil...

"Saan ka nanaman nagsuot bata ka? Alam mo bang pinag-alala mo kami ng Nay mo?" Galit na turan ni Tay.

"Tay? Teka ano pong nangyari?" Naguguluhan na ako. Napabuntong hininga nalang si Tay sa tanong ko. Mukhang nahalata niyang nalilito na ako.

"Ano po?" Hindi makapaniwalang tanong ko ng marinig ko ang kuwento ni Tay. Nagbuntong hininga nalang si Tay tsaka ito tumayo.

"Maiwan muna kita. Kailangan ko pang sunduin ang Nay mo sa palasyo." Mahinang saad nito.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon