TWO 19 Hostage

64 2 0
                                    

TWO 19 (Hostage)

Sara

Nag-aayos ang lahat sa kanilang dadalhin para sa'min paglalakbay papunta sa Suki. Sasama ang Star section at ibang membro sa Rhumiros tulad ng kanilang Hari at iba pang hari ayaw nilang magpaiwan sa Sentro sa hindi malaman na dahilan.

"Nais ko lang po ipaalam sainyo na hindi ganun kalaki ang aming tahanan." Kalmadong saad ko sakanila. Sa dami kasi nila baka hindi sila magkasya sa bahay namin.

"Okey lang yun iha dahil maaari naman sila manatili sa palasyo." Saad ni Haring Yunchi.

"Okey po." Nakangiting sagot ko rito.

Nagsimula na kaming maglakbay, upang hindi kami abutan ng gabi sa daan. Hindi nagtagal ang aming paglalakbay telang nagbabago ang klima ng paligid.

"Mukhang may kalaban sa paligid." Dahil sa sinabi ni Mai naging alerto ang lahat ngunit sa hindi may paliwanag dahilan bigla nalang kami binalot ng kadiliman.

-------

Nagising ako dahil sa matinding lamig na aking nararamdaman. Tumangbad sa'kin ang madilim na silda at masasamang titig ng mga kasamahan ko.

"Kasalanan mo ito kung hindi mo kami pinapapunta sa bahay niyo hindi tayo mahuhuli ng mga Hirako." Sigaw ng babaeng nasa kabilang silda. Telang nasa silda kami ng isang ibon.

"Wala siyang kasalanan sa nangyari dahil pati siya ay nahuli." Pagtatanggol sa'kin ni Len. Hindi ako makapagsalita dahil kasalanan ko rin ang nangyari. Kung anong masasamang salita ang naririnig ko sakanila isama mo pa ang masasama nilang titig sa'kin. Napatingin ako sa batang prinsipe ng Rhumiros nasa kabilang silda ito na wala parin malay.

"Sh*t! Hindi ko talaga magamit ang lakas ko." Asar na saad ng isang lalake. Marami kami rito sa silid halos lahat ata ng nahuhuli nila ay nandito sa kuwarto na ito.

Hindi nagtagal may pumasok na dalawang lalaki na may bitbit na bagong bihag. Walang sabing tinapon nila ang batang babae sa bakanteng silda. Gulat na napatingin sa'kin ang isang Hirako.

"Teka kilala kita." Sabay turo sa'kin na naging dahilan nagpatingin sa'kin ng mga bihag. Napatingin sa'kin ang kasamahan nito at ganun din ang reaksyon nito.

"Ikaw si Yuki diba?" Nakangising saad nito. "Isa kang taksil kaya nararapat sayong nandyan ka sa silda na yan hahahahahahah." Tsaka nito nilisan ang silid. Ang kasama nitong lalake ay isang ngisi lang ang binigay sa'kin.

Bakit kaya kilala nila si Yuki?

"Traidor." Napatingin ako kay Kira ng sabihin niya ang kataga na yun.

Lahat sila ay galit na nakatingin sa'kin.

Hindi na ako nagsalita ng kahit na ano, basta alam kung sa sarili ako na hindi ako traidor.

Kada minuto ay may pinapasok silang bihag na kabataan.

"Ano bang plano niyong gawin bakit kayo nangunguha ng mga kabataan?" Tanong ng Hari ng Suki. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang sagot. Seryoso lang nakatingin sa'kin si Haring Sawkie base sa pagtingin niya nagsisisi siyang nakilala ako.

"Kaya bang alam mo kung paano namamatay ang mga Hirako at tungkol sakanila dahil kasapi ka sa pangkat nila." Malamig na saad ni Haring Sawkie sa'kin.

Kung ganun alam ni Ate kung paano tapusin ang mga Hirako.

------

Hindi ko na alam kung ilan araw na kaming nakakulong sa madilim na silid na ito. Hindi naman ako makapagdala ng mensahe kay Ate dahil wala akong panulat na dala-dala. Kinuha nila lahat ang gamit na dala namin. Hindi kaya isa silang magnanakaw? Wala naman silang ginagawa sa'min na masama. Sakatunayan pinapakain nila kami sa tamang oras kahit walang lasa ang pagkain na hinahain nila sa'min.

Hindi nagtagal may pinasok nanaman silang bihag na babae. Wala itong malay tulad ng mga nauna nilang nakuha.

"Chen tignan mo nga itong batang ito bakit hanggang ngayon wala parin itong malay?" Takang tanong ng isang Hirako ng makita nito ang walang malay na prinsipe.

"Baka nasobrahan ng pampatulog kaya ganyan, hayaan muna wala naman tayong pakialam kung habang buhay na yan natutulog dyan." Ngising sagot ng kasama nito tsaka iniwan ang lalakeng kasama na nakatingin parin sa walang malay na Prinsipe. Aalis na sana ito ng pigilan ko.

"Sandali, maaari bang humingi ng favor sayo?" Lakas loob na tanong ko rito. Kunot noo napatingin sa'kin ito tsaka unti-unting may sumilaw na kakaibang ngiti sa mga labi nito. Kung sasabihin ko ang mukha nito. Hindi ito mukhang tao sa sobrang kapangitan nito. May sungay ito na sobrang itim ang katawan at naglalaway pa bahagya.

"Ano yun?" Ngising tanong nito.

"Maaari ba akong makahingi sayo ng panulat?" Nakangiting saad ko rito. Malay mo makuha sa ngiti.

"Sa isang kondition." Kinabahan ako bigla ng sabihin niya yun ngunit hindi ko pinahalata dahil nakasalalay sa panulat na yun ang kaligtasan namin lahat.

"Ano yun?"

"Isang halik." Nakakalukong saad nito. Napalunok ako bigla ng mapatingin ako sa mga labi nito na telang hindi nahugasan ng maraming taon.

"Sige, ngunit kailangan ko muna makuha ang panulat bago ibigay sayo ang kondisyon nito." Nakangiting sagot ko rito.

"Sige ba." Agad itong umalis sa harapan ko nang walang pasabi. Napasandal ako sa rihas ng silda.

----

"Ito na ang iyong panulat binibini." Pikit matang tinanggap ko ito sabay ng paghalik sa'kin nito. Kinurot ko ang aking sarili upang hindi masuntok ito.

"Hindi ko inaasahan na masarap pala ang iyong labi ahahahhaha." Hihilain sana ako nito ulit ng pumasok ang isa nitong kasama.

"Anong nangyayari dyan Gino?" Telang natakot ito ng marinig nito ang nagsalita.

"Ah w-wala naman, nga pala nakapunta kana kay pinuno hinahanap ka nito kanina." Tanong nito sa kasama na ngayon ko lang nakitang pumasok sa silid na ito.

"Ah ganun ba, bumalik kana saiyong trabaho." Malamig na utos nito.

"Ah s-sige." Agad umalis ang lalakeng nakatakdang mamatay sa mga kamay ko. Tinignan muna ako ng lalake kanina bago ito tuluyan umalis.

"Tsk.." Kira

Mahigpit kung hinawakan ang panulat sa kamay ko. Hanggang ngayon naamoy ko pa sa bibig ko ang mabahong hinanga ng lalakeng yun. Sana pala naghanap ako ng medyong may kagandahan ang itsura sakanila.

'Ate i need help right now.'

'What happened?'

'Nahuli kami ng mga Hirako. Iligtas mo kami para naman kahit papano may mapuntahan ang pagiging mabaho ng mga labi ko.'

'Sige, hahanap ako ng paraan.'

Nakahinga ako ng maluwag ng mabasa ang huli nitong mensahe sa'kin.

"tsk, malandi pati pangit pinapatulan niya." Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila ang mahalaga sa'kin ngayon ay nakausap ko si ate.

******

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon