TWO 3 (Star Section)
LEN
kalalabas lang namin sa kuwarto ni Sara 'opps' kung maka Sara parang close kami. Masyadong mahal ang singil niya sa'min pero wala kaming magagawa dahil wala nang pagkukunan pa ng sangkap maliban sakanya.
Ako nga pala si Len Edagawa, 18 maganda at matalino. 5'8 ang tangkad ko. kulay berde ang buhok ko na hanggang balikat na medyo kulot. Asul naman ang mata ko na may kalakihan na kunti, mapulang labi, bilugan ang mukha.
Halaman ang kakayahan ko, kaya kung gawin sandata ang anuman halaman. Magaling ako sa paggamit ng latigo at one o one na laban. Kabilang ako sa Star Section na ang pinaka mataas na section dito sa Yuri Academy.
"Hindi ako makapaniwala na sinunog niya ang pana at palaso niya nababaliw na ba siya?" Di makapaniwalang saad ni Rio.
Siya si Rio Misawa, 19 gwapo at matalino. 6'7 ang tangkang niya. Pula ang buhok na katamtaman ang haba para sa lalaki. Asul din ang kulay ng mata nito na may pagkasingkit. Katamtaman ang puti ng balat nito.
Apoy ang kapangyarihan nito. Magaling makipaglaban at gumamit na samurai. Madaling magalit at maasar minsan slow din siya makaintindi. Tulad ko taga Star Section din siya.
"Hindi siya baliw nagpapansin lang yun." Siya si Mai Takada 17. 5'5 ang tangkad nito. Kulay abo ang buhok na hanggang dibdib. Itim ang mata nito. Masyadong maputi ang kulay na balat nito.
Hangin ang kapangyarihan nito. Magaling siya gumamit ng knife combat. Mataray at maarte kung minsan ay hindi pala madalas pala. Taga Star section din siya.
"Hindi naman siguro e parang wala naman tayong dating sa kanya." Siya si Kira Ito 18. Kayumanggi ang buhok na may itim din mata. 6'7 ang tangkad nito. Na hindi kaputian.
Lupa ang kapangyarihan niya. Magaling siya makipaglaban at gumamit ng AX sword. Mahinahon palagi kung minsan ay libro ang kausap.
"Wala naman siyang ginawa sainyo." yan naman si Yuen Hirayama 19. Puti ang buhok na may dilaw na mata. 6'7 ang tangkad. Maputi siya kasu hindi kalala tulad kay Mai.
Kidlat ang kapangyarihan niya. Magaling siya gumamit ng sword at ilan pang sandata. Mabait minsan lang.
Ang huli ay si Zhiean Miyahara 19. Asul ang buhok na may asul din mata. 6'7 ang tangkad. Maputi siyang parang niyebe. Mas matalino saamin lahat. Pahirapan kung kausapin dahil mas madalas itong hindi nagsasalita. Malamig kung makitungo sa iba minsan sa'min din.
Yelo ang kapangyarihan niya. Magaling makipaglaban at gumamit na sandata. Yan lang ang alam ko sa kanya dahil masyado siyang malihim na tao.
Nakarating na kami sa experiment room namin tsaka sinimulan ang paggawa ng potion. Ayon sa binigay ni Miss Ren kailangan tadtadin ang 10 red sunflower kasama ang 8 Black water lily. Ilagay sa tubig na pinakuluan sa loob ng sampung oras. Isunod ang 1 violet bear at 1 teeth of snake laser tsaka pakuluin ng dalawang oras at ilagay ang 1 brown powder. Haluin mabuti at pakuluin ng isang oras na hinahalo. Pagkatapos ibabad doon ang iyong weapon at hayaan doon hangga't hindi nawawala ang init nito.
Mabuti naman at natapos na rin.
---------
Ngayon na ang araw kung kailan namin ipapamalas ang lakas ng sandata namin na ibinabad sa potion of strong weapon. Lahat ng estudyante nasa ikaapat na taon sa heaven ay nag tipon tipon sa pinakamalawak na auditorium dito sa Yuri Academy.
May tatlong klaseng antas ang pagaaral dito sa Yuri Academy. Una ay New born class para sa mga estudyante na pag-aaralan palang pano palabasin ang kapangyarihan nila. Pangalawa ay Training class para sa mga estudyante na sinasanay na maayos ang kapangyarihan nila. Ang pang huli ay ang Heaven class kung saan ang mga estudyante rito ay bihasa na sa paggamit ng kakayahan nila.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...