TWO 24 (Kinshu Dimension)
Sara
"Shi*t!" Sambit ko ng tamaan ako ng kalaban sa balikat. Nang makita kung patatamaan niya ulit ako kaya unahan kuna ito agad.
"Water Burst." Hindi niya inaasahan ang pag-atake ko kaya tumilapon ito sa isang malaking puno. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kung wasak na ang katawan nito. Napaupo ako bigla sa punong malapit sa'kin dahil sa matinding pagod na nararamdaman ko. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng mangyari ang pagbihag sa'min ng mga Hirako. Pagbalik namin sa Sentro ganun nalang ang magkabigla namin. Wasak na wasak ang palasyo sa Sentro at nababalutan ito ng kadiliman. Hindi kami makatagal sa palasyo dahil tilang nauubos ang lakas namin dahil sa kadiliman na nababalut sa buong paligid.
"Sara okey ka lang?" Saad ni Mai na kararating lang galing kung saan.
"Yeah." Tipid na sagot ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin kung nag-iisa lang ito. "Nasaan ang iba natin kasamahan?"
"Nandoon sila sa North. Pinapatawag tayo ni Head mistress dahil nakahanap siya ng makakatulong sa'tin." Tutulong nanaman. Lagi nalang sila nakakahanap ng makakatulong sa'min ngunit wala naman ito naitutulong. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod nalang sakanya.
Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad nakarating din kami sa North dito sa Sentro. Nakasara na kasi ang bawat parte ng Zeuzora para sa kaligtasan ng bawat mamayang ng Zeuzora. Tanging nakikipaglaban lang ang nandito sa Sentro upang harapin ang mga kalaban nakapaligid dito.
Pag pasok palang namin sa tarangkahan ng magiging kampo namin. Lahat ng mata nasa amin ni Mai. Maliban lang sa Star Section, mahal ng Hari ng Sentro at prinsepi nito nandito rin ang ilan represent ng ibang lugar tulad ng Suki, Mizhu at Chone. Hindi sa'kin pamilyar ang ilang mukhang nandito sapagkat ngayon lang ako pumunta sa kampo namin.
"Dumating kana pala Sara." Boses yun ni Headmistress.
"Opo."
"Halika sumundo ka sa'kin." Pagkasabi niya noon bigla nalang kami naglaho papunta sa isang silid dito sa kampo.
Nilibot ko ang paningin ko sa silid. Nandito pala ang Star Section at ilan baguhan na mukha. Siguro sila ang sinasabi ni Mai kanina.
"Ito nga pala si Sara Yukito ang ating magaling na manggagamot." Napangisi ang ilan dahil sa sinabi ni HM.
"Nais kung ipahayag sainyo na makakasama natin ngayon ang tatlong taga Kinshu Dimension para tulungan tayo sa'tin laban at kapalit nito ang pagtulong din natin sakanilang laban." Hindi parin nagbabago si HM. Deretso kung magpaliwanag.
"Kinshu Dimension?" Takang tanung ni Rio.
"Oo, maaari ba kayong magpakilala sakanila?" Pagkasabi non ni HM hinanap ng mga mata ko kung sino ang tinutukoy nitong taga Kinshu Dimension.
"Ako nga pala si Master Gon Shukuri." Tilang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng magsalita ito. Kala ko si Zhiean lang ang may kayang gawin ito. Tinitigan ko ito.
Mahaba ang puti nitong buhok na mayroon asul na mga mata na kasing lamig ng Yelo. May maputla rin itong balat.
"Zhairen Gumuskie." Itim ang buhok nito na may pulang mata. Seryoso lang itong nakatingin sa'min.
"Rei Siniero." Mahinhin na saad nito na kay Zhiean nakatingin. Si Zhiean ay tilang nakakita ng multong nakatingin kay Rei. Magkakilala kaya sila? Pula ang buhok ni Rei at may berding mata.
Pagkatapos nila magpakilala ay kami naman ang nagpakilala bago namin simulang ang pulong na si Master Gon ang nagplano.
"Hindi ako makakasang-ayon sa plano mo Master Gon, masyado itong mapanganib." HM
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...