TWO 39 WHO ARE YOU?

57 1 0
                                    

TWO 39 (Who Are You?)

Sakura

Mahigpit ang paghawak ko sa ulo ko na tilang sasabog sa sobrang sakit. Teka nasaan ba ako? Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at hindi sa'kin pamilyar ang lugar na ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa harapan ako ng panginoon ng mga Hirako ng patamaan ako nito ng sandata. Kahit kaya ko naman ito iwasan ay hindi ko ginawa dahil posebling si Zhiean ang tamaan pag-iniwasan ko. Teka? Oo nga si Zhiean kailangan ko malaman kung ligtas ba siya. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko.

"Wag mo nang subukan tumayo dahil hindi pa nakakabawi ang katawan mo sa lason." Napatingin ako sa may–ari ng boses. "Mukhang hindi kona kailangan pang magpakilala sayo." Mahinahon na saad nito.

"Sino ka?" Walang emosyon na tanong ko rito. Isang ngiti lang ang binigay nito sa'kin tsaka malungkot na tumingin sa labas ng bintana.

"Rhazuki Ishume Bluezera, Rib for short." Mahinang saad nito habang nakatingin sa langit. Teka langit.. Kung hindi ako nagkakamali nasa.. "Yeah nasa Lintana ka ngayon." Saad nito tsaka naupo sa kamang kinalalagyan ko ngayon. Tinignan ko lang siya, parang pamilyar sa'kin ang pangalan niya.

"Ikaw ang.." Gulat na saad ko rito.

"Tama! Ako nga, ang anak nina Hibre Zuentes Bluezera at Prinsipe Hazuki Zhachiro." Napatulala lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ba ayon sa aklat wala na siya.

"Alam kung maraming tanong ang gumugulo sa isipan mo ngayon. Magtanong ka lang at handa akong sagutin ito lahat." Nakangiting saad nito sa'kin. Kahit nakangiti siya nababakas parin ang lungkot sa ngiti niya. I think hindi ito ang tamang oras para tanungin siya.

"Nasaan ngayon, ang kasama kung lalaki?" Tanong ko rito habang pinipilit na umupo ng maayos.

"Nasa kabilang kuwarto. Hmmm... May gusto ka sakanya noh?" Napailing nalang ako sa tanong miya.

"Si Rib ba na kilala ko at ikaw ay iisa?" Tanong ko rito habang hinihilot ang batok ko.

"Oo, dahil sa pagkakamali ni ama kaya nangyari ang lahat na ito ngayon. Sa totoo niyang hindi ito ang tunay kung anyo. Isa talaga akong Rabbit nagiging anyong tao lang ako pag kailangan at pag nandito ako sa Lintana. Noong araw na makita mo ako sa gubat. Tumakas ako ng araw na yun dito sa Lintana para makita ang mundo na Zuezora. Ang mundo na nabuo dahil sa sumpa na mga anghel." Tahimik lang akong nakikinig sakanya, ayaw kung sumabat dahil baka may matanong ako na makakadagdag sa lungkot niya ngayon. Noon palang napapansin kung parang laging malungkot ang mga mata ni Rib. Kahit naman noon kasama ko pa siya, madaldal na ito. "Hoy, magsalita ka naman dyan. Para naman hindi ako magmukhang tanga rito." Malungkot na saad nito.

"Nga pala Rib, paano ka nakapunta sa lugar ng mga Hirako ng mga oras na yun?" Sobrang nagulat talaga ako ng mga oras na yun. Nagpanggap nalang akong galit na nakatingin sakanya para hindi siya mahalata ng mga Hirako.

"Nagpatulong ako sa mga Leopardo na maging anyong tao sandali, nang makita kitang makuha ng panginoon nila." Kalmadong sagot nito. "Teka paano mo nalaman na ako yun?" Kunot noo na tanong nito.

"Hindi ko alam, parang may nagbubulong sa'kin na ikaw si Rib. Kaya nabangkit ko ang pangalan mo ng sobrang lakas." Nang mga oras na yun hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. " Nga pala salamat, kundi mo yun ginawa baka mabuko na ako ng mga Hirako at hindi yun dapat mangyari." Hindi dapat mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ko.

"Ano bang plano mo? Bakit ka sakanila nakipagtulungan?" Nag-aalalang saad nito.

"Wag kang mag-alala dahil hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakawasak ng nakakarami." Seryosong sagot ko sakanya. Kailangan ako na ang gumawa ng paraan. Dahil mukhang wala akong aasahan sa iba lalo ng kasama nila ang totoong kalaban.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon