TWO 32 Family

65 3 0
                                    

TWO 32 (Family)

Third Person POV

Pagkapasok palang ni Leo sa silid kung saan sila magpupulong. Si Sara agad ang hinahanap ng mga mata nito. Ganun nalang ang pagtataka nito nang makita nitong abala ang dalaga sa mga papel sa kanyang harapan. Mas lalo pang nadagdagan ang pagtataka nito nang makita nitong iba na ang suot nitong kasuotan Kay sakanina.

Hanggang sa natapos ang kanilang pulong ay hindi parin nawawala ang pagtataka ni Leo. Agad nitong kinuha ang antensyon ng dalaga bago paman ito makalabas sa silid.

"Sara!" Takang napalingon ito sakanya. Sapagkat hindi naman ganun kalapit ang loob nila sa isa't isa.

"Bakit?" Mahinahon na sagot nito tsaka hinintay na makalapit sakanya ang binata.

"Hindi mo parin sinasagot yun tanong ko kanina. Bakit nasa labas ka kanina?" Hindi agad nakasagot ang dalaga sa tanong ni Leo. Iniisip niya mabuti ang tanong sa kanya.

"Teka nakita mo sa labas si Sara? Imposible naman ata yan sinasabi mo dahil mula kaninang umaga ay kasama ko siya hanggang ngayon." Takang sagot sakanya ni Lily.

"Nakita mo ako sa labas?" Gulat na tanong ni Sara.

"Oo." Kunot noo na sagot nito.

"Kasama mo ba itong pumasok dito?" Tanong nito ulit.

"Oo, ngunit nagpaiwan ka malapit sa hardin.. Teka ano bang nangyayari hindi ba ikaw yun?" Hindi na nakinig si Sara sa sinasabi ni Leo at tumakbo na ito papunta sa may Hardin. Sinundan nalang nito si Sara pati na rin ang ilan na alam na nakasama nila sa labas si Sara.

'Hindi kaya hindi si Sara yun?' Isang tanong na naglaro sa isip ni Master Gon.

"Ate!" Sigaw nito pagkakita palang sa kakambal nito na nakatanaw sa malayo.

"Oh, Sara." Nakangiting saad nito. Naiiyak itong tumakbo papunta sa kakambal. Kusang ibinuka ni Sakura ang kanyang mga braso para salubongin ng yakap ang kakambal nito.

"Whhaaaa... Ate kala ko hindi na kita makikita pa. Saan kaba nagpunta at ngayon ka lang nagparamdam pagkatapos ng limang taon?" Naiiyak na saad ni Sara na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap nito kay Sakura.

"Tahan na. Sorry kung ngayon lang ako. Hindi ko kasi namalayan ang oras e," Mahinahon na saad nito tsaka hinihigod ang likod ng kakambal upang patahanin. Gulat lang na nakatingin sakanila si Leo pati narin ang mga kasamahan nito na hindi maintindihan ang nangyayari.

"Sakura, Ikaw ba yan?" Hinihingal na saad ni Ginang Saya. Nang marinig nito ang usap-usapan na may nakita silang kamukha ni Sara. Hindi na ito nag sayang pa ng oras at tumakbo na ito papunta sa lugar na sinabi sakanya ng isang katiwala sa pastilyo.

"Nay." Masayang sagot nito. Walang sabing tumakbo ito papunta sa anak na matagal na hindi nakita tsaka ito niyakap agad.

"Saan kaba nagsusuot bata ka? Ni hindi ka nagparamdam sa'min kung buhay ka pa ba o may nangyari nang masama sayo." Naiiyak na tanong ng Ginang sa anak. Napangiti nalang si Sakura sakanyang nakikita. "Wag kang ngumiti dyan. Sagutin mo ang tanong ko." Yugyog nito sa anak.

"Mahabang kuwento Nay." Simpleng sagot nito.

"Yan din ang sinabi mo kanina. Handa naman kami makinig kahit gaano pa yan kahaba." Nagpupunas ng luha na wika ni Sara.

"Wag niyo nang kulitin yan. Nakatikim na sa'kin yan ng batok kanina." Saad ni Lenard na nakatingin sa pamilya nito.

"Wag mo sabihin na kanina mo pa alam na nakauwi na si Sakura at hindi mo man lang sa'kin pinaalam. Alam mo naman kung gaano ako nag-aalala sa batang to." Hindi makapaniwalang saad ni Ginang Saya.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon