TWO 14 New Sara Yukito

76 2 0
                                    

TWO 14 (New Sara Yukito)

SAKURA

Here we goooooo!!! Anong sout ko? Ganun parin kung paano ako manuot. Bakit ko naman gagayahin ang porma ni Sara e baduy yun manuot e. Mahabang palda na hanggang talampakan. Makapal na sweater na parang laging nilalamig. Nakapusod ang buhok na may salamin pangsuot. Ganyan manuot si Sara, wala kasing dress coding sa school nila. Wear what you want ang rules nila. Hindi ko naman siya masisisi dahil bilang isang manggagamot at mahilig gumawa ng mga potion kailangan laging balot ang katawan mo para maiwasan ang lahat na mga posibleng mangyari. Kahit isang buhok lang ang mahulog sa potion na ginagawa mo maaari nang magdulot ng kapahamakan.

Black short pants na kalahati lang sa binti niya ang natatakpan. Maikling puting sando na kita ang tyan na may kasamang itim na jacket na maraming bulsa. Nakalugay ang mahabang kulay asul nitong buhok na nakaterintes ang ilan rito na may mga nakalagay na ipit. Nakasuot ng maliit na itim na hikaw na may kasamang itim na paru-parung kuwentas. Idagdag mo pa ang suot nitong itim na sapatos at guwantes. Ganyan ako manuot para madali lang sa'kin gumalaw.

Nasa sentro ako ngayon para gawin ang mission ni Sara kaya pala siya nakalabas sa Yuri Academy dahil sa isang mission. Kailangan niyang manguha ng poison berry hindi ko alam kung saan nila yun gagamitin. Sa pagkakaalam ko maraming poison berry dito sa gubat ng sentro.

Natagpuan ko ang mga poison-berry malapit sa ilog. White flowers and poisonous hairy foliage and bearing berriers. Nakakalason ito minsan nakakain din pag alam mo kung paano ito gamitin. Wala na akong sinayang na oras at nanguha ng ilan poison-berry.

Nang makita kung sapat na ang nakuha kung poison-berry. Nag pasya na akong pumunta sa Yuri Academy. Kinakabahan talaga ako. Ngayon lang ako makakapasok sa isang paaralan. Minsan kuna rin pinangarap mag-aral pero alam kung hindi pwde.

Ang malaking tarangkahan ng Yuri Academy ang unang bumungad sa'kin pagdating ko sa Ochi. Naglakad ako ng normal papunta sa bantay. Malayo palang ako ay napansin na niya ako. Paano ko nalaman? kasi nakatingin ito sa direksyon ko na naka kunot ang noo. Siguro naninibago siya sa suot ko.

Pagkarating ko sa tapat niya, pinakita ko lang sakanya yung ID ni Sara. Nagtataka naman itong kinuha tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Nginitian ko ito kaya napangiti rin sa'kin.

Nakalampas ako na hindi niya tinanung ng kahit ano. Pinigilan kung mamangha sa sobrang ganda ng Yuri Academy. Bago man ako pumunta rito pinag-aralan ko muna ang mapa ng Y.A (Yuri Academy) mahirap na baka magtaka sila kung magtatanong ako sakanila o titingin sa mapa kung mula pagkabata alam nilang dito nag-aaral si Sara.

Maraming studyanteng nagkalat sa paligid sa dami nila naiilang tuloy ako dahil lahat sila ay napapatingin sa'kin tsaka nagbubulungan. Sa pagkakaalam ko kalat sa buong Y.A ang tungkol kay Sara at Kira. Hindi na ako magtataka kung pati sa paghihiwalay nila ay kalat na.

Naglakad nalang ako papunta sa head office. Hindi ko na pinansin ang mga titig nila. Hindi naman akong nahirapan na hanapin ito. Pagdating ko doon ay kumatok na ako agad.

"Come in."

Isang boses ang nag galing sa loob. Sa boses palang alam kung kakaiba itong tao. Hindi na ako magtataka kung kasama siya sa mga taong kuntrolado ang Zebu niya.

Pag pasok ko isang ordenaryong silid ang bumungad sa'kin. Sa pagkakatanda ko sabi ni Sara nababalot daw ng mahika ang buong head office, subalit bakit ganito ang itsura nito. Nagkalat ang mga aklat sa sahig at sa mahabang lamesa. Gumagamit ba siya ng mahika para pagtakpan ang totoong itsura ng opesina niya.

'Have a sit.' Saad ng babaeng pula ang buhok na may asul na mata. Naupo ako sa harap ng table niya.

'Kumustana ang mission mo Miss Yukito?' Iniwasan ko siya ng tingin bago ako sumagot.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon