TWO 13 Favor

71 2 0
                                    

TWO 13 (Favor)

SAKURA

Paikot-ikot akong naglalakad sa labas ng bahay namin. Nasaan naba siya? Hindi rin siya sumagot sa mensahe ko. Malakas ang kutob kung may problema siya. Baka naman hindi siya nakatakas sa akademya nila? Masisiraan ako nito ng bait sa pag-aalala.

"Nay, alis muna ako saglit." Sigaw ko mula sa labas tsaka nagtungo sa Ochi. Parang nawasak ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Ang kapatid ko umiiyak habang yakap yakap ang sira-sirang manika. Niyakap ko ito mula sa likod at doon na lumakas ang iyak niya. Hanggang sa nakatulog ito sa kaiiyak. Binuhat kuna ito para may-uwi sa bahay.

-------

"Ano bang nangyari anak?" Nag-aalalang tanong ni Nay.

"Nakita ko po siyang umiiyak sa gubat ng Ochi." Sagot ko rito, hawak ko lang ang kamay ng kapatid ko. Kahit natutulog ito makikita mo parin sa itsura nito ang matinding sakit na nararamdaman. Kasalanan ko to, kung hindi ko lang ginawa yun baka hindi siya nasasaktan ngayon.

"Musta na siya?" Tanong ni Tay na kararating lang mula sa trabaho.

"Mukhang brokenhearted ang anak natin mahal." Sumbong ni Nay.

"Oh! Dalaga na pala ang anak ko, hindi tulad ng isang dyan na ka lovelife ang mga hayop sa gubat." Napailing nalang ako sa sinabi ni Tay.

"Mahal naman, wag kang magbiro hindi nakakatawa." Kurot rito ni Nay.

"Talaga? Ide gagawa ako ng paraan para mapatawa ka." Hirit nanaman ni Tay.

"Doon kayo sa kuwarto magharutan Tay, Nay." Napatigil naman sila sa sinabi ko.

"Ahh okey." Sabay nilang sagot tsaka lumabas sa kuwarto. Hinintay kung magising ito hanggat sa nag-umaga na.

"Ate Sakura?" Mahinang sambit nito.

"Musta kana?" Nag-aalalang tanong ko rito.

"Ate ang sakit." Sambit nito tsaka umiyak nanaman. Kinuwento niya sa'min ang lahat ng nangyari. Walang nagsalita sa'min nina Nay. Nag-iisip kami ng magandang isasagot sa kanya.

"Anak, lahat ng nagmamahal ay dumadaan sa sakit. Hindi naman puro saya lang at walang sakit. Kahit nga paggagawa kayo ng anak ay masa--- aray" Nakatanggap ng batok si Tay kay Nay. Sa lahat ba naman ng sasabihin ay yun pa.

"Anak dumito ka muna hanggang nagpapagaling ka ng puso. Magsanay ka na kasama ang Itay mo para pagbalik mo ibang Sara na ang makikita nila." Nagkatinginan lang kami ni Tay.

"Paano po ang pag-aaral ko?" Mahinang tanong nito. Lumaki ang mata ko ng sabay akong tinignan ni Tay at Nay. Wag mong sabihin na----

"Sakura, anak siguro naman hindi mo pababayaan ang kapatid mo ngayon hindi ba?" Sabi na nga ba. Magsasalita na sana ako ng----

"Wag mong idahilan na hindi ka marunong manggamot dahil kahit wala kang kakayahan, kaya mong manggamot gamit ang mga potion." Wala na talaga akong takas. Sasagot na sana ako ng-----

"Bukas ikaw na ang papasok sa Yuri Academy bilang si Sara Yukito." Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa sinabi ni Tay.

"Sige walang problema." Labas sa ilong na sagot ko. Tinignan ko si Sara na walang kibong nakikinig lang sa usapan namin.

Malaki ang pinagkaibahan namin ni Sara. Si Sara masyado siyang mabait. Mahirap din yan magkagusto sa siyang tao pero pagnahulog na ang loob niya at nasaktan ito. Pakiramdam niya pasan niya ang langit at mahirap na makabawi. Alam ko naman na hindi siya pababayaan nina Nay.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon