TWO 4 (Sentro)
SAKURA
"Ahhhhh 'toink toink' aray ko po.. Grrrrr lagot ka sakin ibon KA!" Agad akong tumalon ng sobrang taas at inihanda ang pana ko para patamaan ang bwisit na ibon na to.
Pinakawalan ko ang palaso ko sabay ng pagdaan ng malakas ng hangin.
"Balls eye... Kala mo hah!" Nilapitan ko ito saka kinuha sa mga kuko niya yun koneho na hinuli niya kanina.
"Okey ka lang ba?" Tinignan ko kung may sugat ba ito o ano. Tinignan lang niya ako saka dinamba ng yakap.
"Oh! Hehe mukhang wala naman masakit sayo." Tinaas taas ko ito at napapagigil naman ito.
Maliit lang siya parang kuting na maliit tsaka kulay neybe pa balahibo nito. Niyakap ko siyang patalikod saka inikoble ang pana ko sa likod ko.
"Ano pa kayang pwede kung gawin panpalipas oras? Hmmm.." Pa-talon-talon akong naglalakad sa gubat.
Ganito lagi ang routine ko araw-araw, naggagala kung saan-saan lugar hahaha..
Hhmmm "Aha! Pumunta nalang kaya ako sa sentro." Patakbo akong nag talon talon sa mga puno.
------
Wow! Pista pala dito? Ang daming nagkukulayan dekorasyon. Naglibot-libot ako sa buong sentro. Nakakamangha talaga.
"Iha gusto mo bang subukan? 20 uno lang kada sampung bala. Madali lang itong laruin patatamaan mo lang itong umiikot na board at kung gaano karaming puntos ang nakuha mo. Ganun din kaganda ang makukuha mong manika." sabi nung tindero
"Gano ba karaming puntos ang kailangan ko para makuha ang the best ninyo manika?" 20 Uno ang mahal naman ata. E yung isang uno ay makakabili na ako doon ng isang malaking pandesal. Uno ang tawag sa pera namin dito. Ang 1 gold ay 50,000 uno ang kapalit at 5,000 uno naman pag 1 silver ang ipagpapalit mo. Ang laki ng gold at silver 1 inches by side na box ang hugis kasi yun ang normal nitong laki.
"100 points." Sabi nito sabay kindat sa'kin.
"E, ano naman gagawin ko jan wala naman akong kapatid na pwede pagbigyan." Nakasimangot na sabi ko rito.
"Ah eh maganda siyang pang regalo iha lalo ng hindi mo binili dahil pinagpaguran mo itong makuha." Pangungumbisi nito sakin.
Tinignan ko ang sinasabi nitong doll. Maganda nga ito at mukhang malambot pa.
"Kuya kuya ikuha mo ako ng doll please." Puppy eyes na sabi nito sa kuya niya. Hmmmm may itsura rin ang kuya nitong bata. Siya naman ang kinumbisi ng tindero.
"Masyado naman mahal." Kumento nito. Naki sang-ayon naman ang iba pang tao sa paligid.
"Mahal nga pero sulit naman ito." sagot nito."E, manong may kasama bang delivery pag nakuha ko ang 100 points mong manika?" Curious lang pano naman kasi 200 uno ang masasayang ko rito o higit pa.
"Oo naman." Nakangiting sabi nito.
"Ano bang manika ang gusto mo Lara?" Mukhang mahal na mahal nito ang kapatid niya sa kung hindi ako nagkakamali nasa limang taong gulang ang edad ni Lara.
"Yun po yun 20 points ang cute kasi." Masayang sabi nito. Cute rin naman kasing cute nitong rabbit sa balikat ko kamukha niya kasi haha.
"Sige bigyan mo ako ng 20 bullets." Mukhang sigurado siyang makukuha niya ha.
"Ano po gusto niyo palaso o dagger?"
"Daggers." Binigyan naman ito agad ng tindero.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...