TWO 37 Them

85 2 1
                                    

TWO 37 (Them)

Sakura

Nasa gubat ng sentro ako ngayon. Ang gubat na puno ng illusion. Dahil sa nangyaring digmaan noon naglaho lahat ng puno dito sa Sentro. Napapabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari. Sana hindi ko pagsisihan ang pagbigay ko ng aklat sakanila. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala nangyayari sa'kin ang lahat na ito dahil sa isang pangako na binitawan ko noon. Hindi naman ako nagsisi sa nangyari dahil kapalit ng pangako na yun ay ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Nahiga nalang ako sa damuhan at tumingala sa langit. Hindi ko masabi kung langit nga ba ito o hindi. Dahil sa labas ng harang ay kulay kahel (Orange) ito.

"It's you right." Napatingin ako sa taong umupo sa tabi ko.

"What do you mean?" Tanong ko tsaka ibinalik ang atensyon ko sa langit. Itinaas ko ang kanan kamay ko na tilang may inaabot ako.

"Ang taong hindi tinatablan ng aking kakayahan. Ang taong tanging nakakausap ko ng matagalan. Ang taong nagpapagaan ng aking kalooban sa hindi malaman na dahilan." Napatingin nalang ako sakanya. Hinawakan ko ang noo nito para alamin kung may sakit ba ito. Wala naman itong sakit normal lang ang lamig ng katawan niya dahil sa yelo ang kakayahan nito. Nakatingin lang ito sa'kin. Bumalik na ako sa pagkakahiga at tumingin ulit sa langit.

"Siguro nga." Sagot ko rito. Hindi na ito umimik pa ulit.

"Mag kuwento ka nga." Saad ko rito. Ang tahimik kasi masyado.

"Ano naman ang ikukuwento ko?" Umupo ako at niyakap ang mga benti ko.

"Magkuwento ka tungkol sa mga kasama mo. Ano nang nangyari sakanila pagkatapos ng digmaan noon." Wala na kasi akong balita sakanila. Hindi ko naman matanong si Sara dahil lagi nalang ito busy.

"Hmmm... Si Rio at Len ay magkasintahan na. Maraming pagsubok ang dumaan muna sakanila bago nila naamin sa isa't isa ang nararamdaman nila. Hindi ganun kadali ang pagkakuha nila sa tiwala ng bawat pamilya nila. Hindi pala magkasundo ang pamilya ni Rio at Len."

"Bakit hindi magkasundo ang pamilya nila?" Singit ko.

"Dahil lang sa business." Simpleng saad nito.

"Ah kaya pala, e yun iba?" Tanong ko ulit, Tinignan niya muna ako tsaka nag kuwento ulit.

"Tulad ni Sara at Kira ay kasal na rin sina Yuen at Mai. Dalawang beses sila nalaglagan ng anak. Hindi kasi mapigilan ni Yuen si Mai. Lagi kasing sumasama sa mission si Mai na hindi alam na buntis siya. May ugali kasi si Mai na pag pinagbawalan mo ay mas lalo niyang gustong gawin. Kaya lagi silang nag-aaway na dalawa ngunit hindi rin nagtatagal ay nagkakabati rin naman silang mag-asawa." Seryosong kuwento nito. Ni hindi mo makitaan ng kahit anong emosyon pag nagkukuwento ito.

"E, ikaw kumusta kana? Anong magagandang nangyari sa buhay mo?" Natahimik nalang ito bigla sa tanong ko. Napaupo ako ng maayos at hinintay ang sasabihin nito.

"Nagyeyelo na ang paligid." Wika nito bigla. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at tama nga siya. Nagyelo na ang buong lugar kung nasaan kami ngayon. Ganito rin ang nangyari noong nagpalipas oras kami sa ilog ng Suki.

"Cute naman tignan." Sambit ko bigla. Naramdaman ko ang pagtitig nito sa'kin. "Mas gusto ko ang ganitong klima." Saad ko tsaka pinikit ang mga mata ko para madama ang lamig na hatid ng hangin. "Ayaw na ayaw ko sa mainit na lugar dahil madali akong mainitan. Kaya nga laging maikli ang suot ko minsan." Hihiga sana ako sa damuhan, nang biglang may brasong sumalo sa likod ko. Gulat akong napatingin sakanya. "Basa na ang lupa." Napatingin ako sa hihigaan ko sana, at basa na nga ito dahil sa yelo niya.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon