TWO 8 Spring of Heaven

81 3 0
                                    

TWO 8 (Spring of Heaven)

SARA

Ano naman kaya ang plano ni Lion Cat? At bigla nalang ito sumulpot sa harap namin.

"Nga pala Lion Cat bakit ka pala pumunta sa Mizu?" Curious lang talaga ako.

"Some business." Tsaka ito ngumisi sa'kin. Tsk kahit kailan talaga napailing nalang ako. Bigla nalang ito huminto kaya napahinto narin kami siya kasi ang nauuna sa'min maglakad.

"Oh sya hanggang dito nalang ko kayo may hahatid may mahalaga pa akong pupuntahan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba siya uuwi? Magsasalita na sana ako ng bigla nalang ito maglaho sa harap namin kaya napailing nalang ako.

"Malapit na tayo sa bahay at bukas na bukas din pupunta tayo sa bilihan ng mga aklat dito." Ani ko sakanila tsaka naglakad na papunta sa bahay. Walang kumibo sakanila kaya hindi na ako nagsalita pa.

Nasa harap na kami ng bahay ng magsalita si Mai.

"That it's your house?" Kunot noo tanong nito sa'kin, pati sila ay ganun ang itsura sa'kin. Pano naman kasi dalawang palapag lang ang bahay namin at gawa pa sa kahoy.

"Yeah." tipid na sagot ko.

RIO

Huh? It's that true? Hindi talaga kami makapaniwala na ganito ang itsura ng bahay ni Sara.

Pumasok na siya sa loob na mukhang walang tao, kaya sumunod nalang kami sa kanya. Unang bumungad sa'min ang sala nila na may sofa na gawa sa kahoy. Malinis ito at walang kalat makintab pa ang lapag nila.

"Maupo kayo." Tulad ng sabi niya umupo naman kami.

By the way, Rio the cute it's my name.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay ni Sara. May mga painting kung ano sa dingding nila. Sa bandang unahan naman ay ang kusina nilang natatanaw lang dito sa sala.

Umupo si Sara sa single Chair sa harap namin at nag simula ng mag paliwanag.

"I know na nagtataka kayo kung bakit ganito ang bahay namin." kalmado lang kaming nakikinig sakanya. "I'm not a rich kid. Kaya lang ako nakapasok sa Yuri Academy dahil sa talino ko at kakayahan ko. Sa madaling salita I'm scholar since I was 5 years old in Yuri Academy." May scholar pala sa Yuri Academy bakit hindi ko alam yun?

"Kahit scholar ka pa hindi sagot ng scholar mo ang mga ibang gamit na kailangan mo sa loob ng Yuri Academy." Tama naman si Mai hindi talaga.

"Kayang bayaran ng magulang ko ang mga yun." Malamig na saad nito sa'min. Na guilty nalang ako bigla para naman kasi sinabi namin na mahirap pa sila sa daga.

"I'm sorry about that." Nakayukong saad ni Mai.

"Nah! It's okey." Tsaka ito nagpunta sa kusina na parang magluluto ata. Nasaan kaya mga magulang nito.

Hindi nagtagal bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Pumasok ang babae at lalaki na parang mag asawa ata.

"Oh! Mukhang may bisita kami." Saad ng babae na mahaba ang buhok na nakalugay ito na kulay asul ganun din ang mata nito parang kamukha ni Sara.

"Halata nga honey." Sagot rito ng lalaki na malaki ang katawan pati ang mga muscle nito sa katawan parang isang sapak lang niya sayo tigok kana. Light brown ang buhok nito at asul ang mata.

"Hello po, magandang tanghali po." Bati ni Len sakanila.

"Hello rin." Nakangiting sagot naman ng Ginang. Magulang ata ito ni Sara.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon