TWO 42 (Blue Moon)
Sakura
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ang dating Zeuzora ay bumalik na sa dati. Hindi pa sumasapit ang liwanag kung kaya't naglibot-libot muna ako sa paligid. Ang mga punong masayang sumasayaw ang mga dahon dahil sa hangin. Ang mga uni ng mga ibon na tilang sarap na sarap sa kanilang pagtulog. Hinawakan ko ang lupa at tilang buhay ito.
'Maraming salamat sa pagtulong sa'min.' Isang puno ang nagsabi non. Kung hindi ako nagkakamali ito yun Yuko na humingi sa'kin ng tulong.
"Tungkulin kung iligtas ang mundong ito." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Napapansin kung wala na yun boundaries sa bawat lugar. Kung ikukumpara ito sa dating Zeuzora. Ibang iba ito ngayon.
'Bistellya!' Lumabas ang aklat sa harap ko ngunit hindi ito ang aklat ng ZB noon. Iba na ang pabalat nito at pamagat. Kung noon kulay ginto ito na may pamagat na Book of Zeuntes Bluezora. Ngayon kulay asul ito na may kurte ng ginto sa bawat sulot nito na may nakaguhit na buwan.
"Blue Moon." Ang pamagat na nakasulat sa aklat. Ano kayang ibig sabihin nito. Naupo ako sa may malaking bato para basahin ang laman ng aklat. Pagbukas ko lumabas sa unang pahina nito ang katagang Blue Moon. Nilipat ko ito sa ibang pahina at ganun rin ang nangyari. Nagsilabasan ang mga titik rito isa't isa.
"Taon ng Debiyon ng isilang ang bagong mundo. Ang mundong nagmula sa Zeuzora at Lintana. Ito ang mundo kung saan pinagsama ang dalawang mundo sa iisang mundo. Ito ang mundo kung saan haharapin ang lahat ng pagsubok na iniwan ng mundo ng Zeuzora. Ang mundong ito ay walang ninuman ang maaaring mang hari o humawak sa pamamalakad rito maliban lang sa limang bato. Ang bato kung saan nagmumula ang bawat kapangyarihan na sinilang sa mundo ng Zeuzora. Bawat nilalang na nabubuhay sa bagong silang na mundo ay magsisimula sa pinakababa. Walang palasyo ang may tatayo maliban lang sa banal na templo na sinilang kasama ng mundong ito. Hinayaan ng bagong mundo na ito na manatili ang mga dating bayan o bahay na nagmula sa mundo ng Zeuzora at Lintana upang simula ng kanilang pamumuhay. Ang sinuman ang may hawak sa mga bato ay yun ang kikilalanin ng bagong silang na mundo na kanyang panginoon. Ang mundong bagong sinilang ay tinawag sa pangalan BLUE MOON."
Napatingala nalang ako sa langit ng mabasa ito.
'Blue Moon!' Ang pangalan ng bagong mundo. Bagong pagsubok nanaman ang haharapin ng bawat nilalang na nabubuhay rito. Iba ang buwan sa mundo na ito. May pagka-asul ito at may tilang lubid na ulap ang nakabalibot rito. Gumawa ako ng mga kopya mula sa nabasa ko sa aklat at kinalat sa buong Blue Moon. Nararapat lang na malaman nila ang tungkol rito.
Habang ginagawa ko yun. Napapansin kung walang palasyo nga ang makikita mo sa bawat lugar. Maliban lang sa mga dating bahay na narito noon pa. Ang mga palasyo ay tilang naglaho at napalitan ng malaking bahay na tila normal lang sa bawat lugar na mapupuntahan mo. Umuwi na ako sa bahay pagkatapos. Doon ko nalang hihintayin sina Nay para malaman sakanila ang naging reaksyon ng bawat mamamayan ng Blue Moon.
-------
"Alam mo Ate Yuki, hindi talaga kami makapaniwala sa mga nangyari. Biglang paggising namin nasa ibang lugar na kami. Marami nga nag panig kasi akala nila sinugod nanaman kami ng kalaban. Yun pala nawala na ang mundo ng Zeuzora." Halata sa muka ni Leo ang pagkagulat habang nagpapaliwanag. Siya lang muna ang umuwi dahil busy pa raw sina Sara sa ginawa nila. "Ang mahal na Hari nga nagbaba ng utos na hanapin raw ang limang bato baka raw kunin ng mga Kalaban dahil nabangkit dyan sa sulat. Yun may hawak lang sa mga ang kikilalanin ng mundong ito." Yeah, nilagay ko rin ang tungkol doon para malaman kung sino ang maghahangad ng masama. At hindi nga ako nagkakamali dahil isa na roon ang hari. "Gumawa na rin ng matataas na harang sa bahay niya, ang hari para sa paghahanda sa digmaan. Nasabi kasi dyan na may pagsubok parin na mangyayari. Ang good news lang ay wala na yun mga Yuko sa paligid kaya nabawasan kahit kunti ang mga kalaban." Muntik na ako mamasid ng sabihin niya yun. Kalaban talaga ang turing nila sa mga Yuko. Nasa kusina kami para sabay na kumain at siya ang nagpresinta na magluto ng pagkain namin.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...