TWO 28 (They Change)
Sakura
Nagising ako dahil sa malakas na tawanan mula sa baba ng aking bintana. Mukha atang nagkakasayahan sila. Umupo ako sa taas ng table malapit sa bintana upang panoorin ang nangyayari sakanila. Kasama nito ang dalawa sa star section at iba pang k-klase ata nila. Napatigitg ako kay Sara na wagas kung tumawa. Siguro kung may mabuting nangyari yun ay ang pagiging masayahin at nakikisalamuha na sa ibang tao itong kakambal ko. Loner kasi itong tao na parang laging seryoso sa buhay.
Mukha atang hindi maganda ang pagiging masayahin at pakikisalamuha nito sa ibang tao dahil kung makayakap kay Kira ay wagas. Si Kira naman ay pilit na nilalayo niya rito ang sarili niya. Napatingin sa gawi ko ang isa sakanila na ngayon ko lang nakita. Hindi na ako umiwas dahil alam ko naman na hindi niya ako makikita dahil sa natatakpan ako ng kurtina.
Tok.. tok..
"Bukas yan." Si Tay at Nay pala. Si Nay mas lalong gumanda at bumata ang itsura ganun din si Tay na nawala ang pagiging taba nito. Nag mukha itong makisig na prinsipe na kung tumingin ay napakaseryoso.
"Kumusta na po." Nakangiting tanong ko sakanila. Napabuntong hininga si Nay. May problema kaya.
"Pagkatapos mo mawala ng sampong taon yan lang ang sasabihin mo sa'min Sakura." Seryosong saad ni Tay. Napangiti nalang ako bigla. Noon kahit na hindi ako umuwi sa bahay hindi sila maghahanap sa'kin dahil alam naman niya ang trip ko sa buhay.
"Anong nakakatawa?" Taas kilay ni Nay.
"Masaya lang po akong makita kayong ligtas kahit dumami na ang mga Halimaw sa labas ng harang na ito." Napatingin nalang ako bigla sa labas ng bintana ng maalala kung hindi pala totoong langit ang nakikita ko ngayon dahil kagagawan lang ito ng harang na ginawa nila.
Matagal bago nakapagsalita sina Nay mukhang nagtataka pa sila sa mga kilos ko.
"Maupo po kayo." Alok ko sakanila tsaka sila naupo malapit sa sofang tinuro ko. Naupo naman sila na nagtatakang nakatingin sa'kin. Nagtataka tuloy ako kung ano ang ugaling alam nila na dapat maging ugali ko.
"Tilang ibang Sakura ang kaharap ko ngayon." Sambit bigla ni Tay. Napapatango naman si Nay bilang pang sang-ayon.
"Bakit ano po pala ang Sakura na kilala niyo noon?" Nakangiting tanong ko.
"Makulit, palasayaw, laging may ginagawang kalukuhan at laging parang baliw." Napangiti nalang ako sa mga ugaling sinabi ni Nay. Tama ganun nga ako, yun ang mga ugali kung pinapakita ko sakanila.
"Ganun parin naman po ang ugali ko." Napakunot bigla si Tay.
"Baka naman, broken hearted kalang kaya ganyan ang ugali mo ngayon." Napatawa nalang ako bigla dahil sa sinabi ni Tay.
"Baka nga po Tay." Natatawang sagot ko rito.
"Iwan ko nga sayo bata ka. Saan kaba nagpupunta at ngayon ka lang umuwi sa'tin?" Nay
"Lumabas po ako sa Harang." Tilang nagulat sila sa sinabi ko.
"Nababaliw kana ba? Alam mo naman na mapanganib sa labas ng harang na ito." Bulyaw sa'kin ni Tay. Napakamot nalang ako sa batok ko.
"Alam ko po ngunit Tay, hindi niyo po ba alam na maraming tao pa sa labas ng Harang na pilit gumagawa ng paraan upang may ligtas ang sarili nila." Nang gumawa ako ng paraan upang makapasok dito sa lugar namin napansin kung marami pang tao na nagkalat doon at pilit na iligtas ang buhay nila.
"Alam namin yun, kaya nga gumawa ng paraan ang hari ng Sentro upang may ligtas sila." Muntik ko na mapaikot ang mata ko nang sabihin yun ni Nay. E sa mga Hirako nga wala silang nagawa sa mga halimaw pa kaya. Gusto ko sana magtanong tungkol sa mga halimaw ngunit baka magtaka lang sila.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...