TWO 45 Light Land and Dark Land

52 1 0
                                    

TWO 45 (Light Land and Dark Land)

Rose Rei

Nandito kami ngayon sa Kishu Dimension. Umatake nanaman kanina yun mga Dallyut ngunit buti nalang dumating kami agad para mapigilan ang pag-atake nila sa ibang bayan. May ginagamit si Miss Yuki na usok para itaboy sila kaya hindi kami napalaban masyado. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na siya si Sakura Yukito na binalak namin patayin. Sinabi niya rin kanina kung bakit iba na ang kanyang anyo dahil patay na pala ang katawan niya kaya amoy patay ito kanina. Dahil raw sa tulong ng kanyang mga kaibigan kaya ito nabuhay ulit sa ibang katauhan.

"Paumanhin Miss Yuki sa ginawa namin saiyo noon." Malumanay na saad ni Haring Gon o maskilala sa pangalan Master Gon.

"Kalimutan niyo na po ang tungkol doon. Wala naman mangyayari kung magagalit ako dahil sa ginawa niyo. Ang mahalaga buhay parin naman ako." Nakangiting saad nito. Nandito kami ngayon sa isa sa mga kuta namin sa Kinshu. Hinihintay namin maghating gabi para sa plano raw niya. Iwan ko kung anong plano yun dahil mahabang kuwento nanaman ang sinagot niya sa'min. "Matanong po kita Miss Ren. Bakit mo pinarusahan si Zhiean kung kapatid mo naman ito. Ikaw pa mismo ang nagsuplong dito." Napayuko ang prinsesa dahil sa sinabi ni Miss Yuki. Si Miss Ren ang Prinsesa ng Kinshu Dimension na anak ni Haring Gon.

"Hindi namin sinasadya ang boung pangyayari. Kasama sa sinumpaan namin ang pagtapos sa buhay ng mga kagrupo namin kung magtaksil ito. Magkalapit kayong dalawa ni Zhiean at nakikita namin kayong nag-uusap kung kaya't naghinala kaming nakikipagtulungan siya sayo. Lalo ng marami kang alam tungkol sa'min. Lalo ng kasama mo pa ito ng araw na dakpin namin ikaw." My point naman ang Prinsesa.

"No comment. Disisyon niyo yan. Ngunit kahit magkalapit kaming dalawa hindi namin pinag-uusapan ang problema ng mundo. Minsan kasi hindi nakakatulong ang laging pag-iisip rito sa paglutas sa bawat suliranin." Kibit balikat na saad nito.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa'min?" Si Haring Gon. Tinitigan niya ito bago sinagot.

"Childhood Bestfreind kami ni Rib." Seryosong sagot nito. Tumango ang hari bilang sagot. "Sa totoo niyan. Ang totoong Rib ay matagal nang pumanaw. Pinalitan ito ni Rib upang malaman ang mga nangyayari. Nais namin malaman kung paano kami makakatulong para walang mangyaring patayan." Anong ibig nitong sabihin? "Ang dating Rib na kasamahan niyo ay kabilang sa grupo ng mga Hirako na gumaya sainyo. Para malaman lahat ng sekreto at paano kayo kumilos ay nagpadala sila ng espiya sa grupo niyo. Yun ang dahilan kung bakit tila iisa lang ang grupo niyo. Ang maganda lang ay hindi nito nakilala ang mga hitsura niyo dahil lagi kayong nakamaskara." Buti naman kung ganun.

"Totoo bang 300 years ng patay si Rib?" Yeah, yun din ang gusto kung malaman. Buti nalang tinanong ng Hari.

"No!" Sinungalin talaga ang Rib na yun. Nakita ko sa mukha ng Prinsesa na tila nainis ng malaman niya. Paano naman kasi lagi nito gustong kainin ang fetus sa tiyan ng Prinsesa. "Dahil, libong taon na siyang patay. Si Rib ang anak ng Hibre at Prinsipe Hazuki. Totoong fetus ang kinakain nito. Minsan bigla nalang nawawala sa tiyan mo ang sanggol paghahawakan lang niya ito at walang hirap na makukuha." Ano? Namutla ang mukha ng Prinsesa dahil sa sinabi ni Miss Yuki. Siya ang prinsesa noon? Kaya pala kung makautos tila isang maharlika. "Ngunit wag kayong mag-alala kuntrolado naman nito ang sarili. Minsan ferus ng mga hayop ang kinakain niya sampong beses sa isang taong lang naman nangyayari. Kung fetus naman sa isang tao isang beses lang sa dalawang taon dahil matagal itong magutom. Kumakain din naman ito ng normal na pagkain ngunit hindi raw nakakabusog." Tila nakakita ako ng multo dahil sa sinabi ni Miss Yuki. "Hindi ako nananakot sakanya. Normal lang naman sakanya yun dahil patay na siya." Hindi kaya totoo rin ang sinabi ni Rib na pati siya kumakain ng fetus. Mukhang pareho kami ng iniisip ng Prinsesa dahil nilayo nito ang sarili kay Miss Yuki.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon