TWO 54 Moment

43 0 0
                                    


TWO 54 (Moment)

Sakura

Ito ako ngayon kinukulit si Prinsesa Yuri. May balak kasi akong gawin ngunit tila hindi ko ito mapapayag e.

"Ms. Yuki, mahirap yan pinapagawa mo sa'kin e," Sabi ko na ba.

"Kahit kapalit nito ay mawawala ang pagiging invisible mo?" Napatingin ito sa'kin na tila hindi makapaniwala. Gamit ang mga bato maaari kung matagal ang pagiging invisible nito.

"Talaga?" Tumango ako rito. "Okey, papayag na ako."

"Yes." Napatalon ako sa tuwa.

"Sa ginawa mong yan, iisipin kung mahal muna ang kapatid ko." Binigyan ko nalang ito ng isang ngiti.

---

"Sakura, nandito ka pala?" Nasa hardin ako ng bahay ng hari.

"Oh! Bakit ganyan ang hitsura mo?" Umupo ito sa tabi ko.

"Si Ate Yuri kasi ang kulit kung anu-ano ang tinatanong nito." Nakasimangot na saad nito.

"Tulad ng?" Tanong ko rito.

"Iwan." Tumawa nalang ako.

"Hayaan muna si Prinsesa Yuri." Bumalik na ako sa pagbabasa. Habang siya tahimik na nakaupo sa tabi ko.

"Maupo ka ng maayos." Utos ko rito. Ginawa naman ito. Nahiga ako at umunan sa binti niya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng aklat. Ganito ang dati kung gawain dati. Kahit nasaan ako. Huminga ako sa damuhan upang magbasa. Panpalipas ng oras lang ngunit sa araw na ito. Kasama ko si Hazuki at siya ang ginawa kung unan hahaha.. Pinaglaruan nito ang buhok ko habang tahimik lang.

"May problema ba Hazuki?" Tanong nito na nasa libro parin ang atensyon ko.

"Wala naman, ayaw ko lang istorbohin ang pagbabasa mo." Umupo ako at tumingin sakanya.

"Gusto mo mamasyal tayo sa bayan?" Umiiling ito at pinaunan ako ulit sa binti niya.

"Mas gusto ko ito kay sa mamasyal." Napangiti nalang ako at nagbasa ulit.

Third Person Point of View

Napapangiti si Hazuki na nakatingin kay Sakura na tahimik na nagbabasa habang nakaunan sa binti niya. Hindi niya alam kung gaano siya kasaya sa mga oras na yun. Matagal na nitong pinapangarap na mapalit sa dalaga at makausap ito kahit saglit. Pakiramdam nito ay tila nasa ilalim siya ng pananginib. Mas madalas man silang magsama kay sa mag-usap ay kuntento na siya sa ganun.

Madalas silang magsama itong mga nakaraan araw. Ilan araw na rin itong kinukulit ni Prinsesa Yuri at tinatanong kung anu-ano. Hindi man niya ito maintindihan ay pinilit parin niyang sagutin ito.

"Sakura, pupunta kaba sa kasal ng kaibigan ni Ate." Tanong niya rito habang abala sa pag-aayos ng papelis sa harap niya.

"Yup, nasa bahay na nga yun damit na pinadala nila. Ikaw ba?" Sagot nito na kumakain ng mansanas sa isang sulok ng opesina ni Hazuki.

"Oo, ang wired nga ng damit na pinadala nila. Sabi pa nila isa daw ako sa best man." Nakasimangot na sagot nito.

"Ayaw mo ba?" Tanong nito na kumakain parin.

"Hindi naman, kasu hindi ko naman kilala yun." Tumango nalang si Sakura. Napangiti nalang ito ng makitang ang kalat kumain ang babaeng nito..

---

Kinakabahan siya habang sinusuot ang damit na pinadala sakanya. Hindi niya alam ngunit kinakain ng kaba ang buong kalooban niya sa hindi malaman na dahilan.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon