TWO 15 She change a lot

69 2 0
                                    

TWO 15 (She change a lot)

SAKURA

Pinagmamasdan ko lang ang Mahal na Prinsesa. Hindi ko akalain na Hari pala si Sawkie at Prinsesa si Lara at Headmistress. Napapailing nalang ako sa mga nangyayari ngayon. Lahat nais tumulong sa Prinsesa ngunit ng malaman nilang nakasalalay ang Zebu nila sa pag tulong nila rito. Lahat sila'y nagdalawang isip na tumulong.

"Gagaling ka rin." Bulong ko rito tsaka nilisan ang silid niya. kailangan ko maglibot dito sa palasyo. Malay mo ito ang huli kung pagpunta rito.

"Sara maaari kabang makausap?" Seryosong tanong ni Mai. Paano ba ako gaganti sa kanila? Hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Sige." Sumunod lang ako sa kanya. Pumasok kami sa isang silid kung nasaan ang iba nitong kasama.

Walang gustong maunang magsalita. Tilang nagpapakiramdaman pa sila. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Magkakaharap kami ngayon dito sa silid na pinagpapahingan nila tuwing tapos na silang magsanay.

"Mag tititigan lang ba tayo?" Taas kilay na tanong ko sakanila. Ayaw kung sayangin ang time ko sa pagtititigan lang.

"A-ah hmmm.. gusto lang namin sana sayo humingi ng sorry." Napataas lang ang kilay ko sa sinabi ni Len. Ano raw?

"Yun lang ba ang sasabihin niyo?" Kung hihingi lang pala sila ng sorry idi sana matagal na nila yun ginawa. Teka? Ay Oo nga pala hindi pala umabot ng isang buwan ang nangyari kay Sara.

"Tsaka na kayong humingi ng Sorry sa tamang oras dahil wala akong panahon na tanggapin ang sorry niyo. Maybe next time nalang kayo humingi ng sorry." Tumayo na ako para umalis. Gusto ko pa mag libot e.

"tssk.. iniwan lang kita naging ganyan kana. Ganyan ba ang pamamaraan mo para bumalik ako sayo?" Malamig na saad ni Kira. Kalmadong tinignan ko lang siya.

"Wow! Ang taas ng tiwala mo sa sarili Mr. Ito. Kung hindi lang nakakahiya baka pinagtawanan na kita." Tsaka ito tinalikuran. Tss hindi ako makapaniwala na minahal ni Sara ang ganun lalaki.

"Sara wait." Niligon ko si Mai na hinahabol ako.

"Bakit?" Tanong ko rito pagkalapit palang sa'kin.

"A-ako na ang humingihi ng pasensya sa inasta kanina ni Kira." Mai

"Just forget it. Mauna na ako." Tsaka na itong iniwan.

Sagabal lang sila sa pag-aaliw ko.

-------

Pagkatapos ko mag libot. Tanging itong hardin ang kumuha ng atensyon ko. Punong puno ito ng iba't ibang bulaklak. Napapangiti akong nakatingin sa mga bulaklak na nagsasayaw sa ihip ng hangin.

"Nag papa cute kaba sa mga Royal Gruad?" Napairap nalang ako ng marinig ko ang boses ni Kira sa bandang likod ko.

"Paano kung ganun nga. Anong gagawin mo?" Nakangising saad ko rito.

"Kahit maghubad kapa sa harap nila hindi ka nila papatulan dahil hindi sila pumapatol sa mga babaeng katulad mong mahina." Matigas na sabi nito. Wala na talagang pag-asa ang taong ito. Kung hindi lang sa kapatid ko baka kanina ka pa siyang napatulan.

Palabas na sana ako sa tarangkahan ng Suki ng marinig ko ang boses ni Sara sa malayo.

"Ate wait." Sigaw nito habang tumatakbong papunta sa gawi ko.

"Bakit may nakalimutan kabang sabihin?" Tanong ko agad sa kanya.

"W-wag mo siyang gagalawin, ako na ang bahala sakanya." Hinihingal na saad nito. Napatingin ako sakanya ng matagal bago ito sagutin.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon