TWO 34 (Leopardo)
Sara
Tulala akong nakatingin sa anak kong nag-aagaw buhay. Isa akong manggagamot ngunit wala akong magawa para iligtas ang sarili kong anak. Hindi ko na ata kakayanin pa kung pati siya ay mawawala sa'kin. Kung alam ko lang na buntis ako sa mga araw na yun. Hindi na sana ako nakipaglaban sa mga sumugod sa bahay namin.
"Toktok.."
Hindi ko na kailangan pa lumingon kung sino ang pumasok dahil kilala ko na kung sino ito.
"Sara maaari ba kitang makausap?" Hindi ko na siya nilingon.
"Sa labas tayo." Saad ko sabay halik sa noo ng anak ko. Ang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko sasabog ito tuwing nakikita ko ang kalagayan ng anak ko.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko agad pagkalabas namin sa bahay.
"Sara, alam kung walang kapatawaran ang lahat ng nagawa ko sayo. Pero para sa anak natin bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Sa totoo niyang matagal ko na siyang napatawad sa nangyari noon. Ang dahilan lang nang pagiging cold ko sakanya ay dahil sa anak namin.
"Kung hindi ka sana umalis ng gabi yun. Hindi sana mangyayari to." Malamig na saad ko rito. Gusto kung magwala sa harap niya ngunit alam kung wala rin itong mararating.
"Alam kung kasalanan ko. kung sana nakabalik ako agad ng araw na yun. Hindi sana kayo mapapahamak ni Kirs at---.."
"Wag mo nang ituloy ang sasabihhin mo." Putol ko rito. Alam ko naman na ang tinutukoy nito ay ang anak namin na nawala. Hindi na ito nagsalita pa.
"Kala ko ba mga-uusap tayo. Bakit hindi ka magsalita?" Asar na saad ko rito. Magsasalita sana ako ng maunahan ako ni Ate.
"Alam niyo ayaw ko sana makialam e. Kasu nga lang walang patutunguan yan pag-uusap niyo kung ganyan kayo mag-usap." Saad nito mula sa bobong ng bahay namin. kahit kailan talaga.
"Halata naman na mahal niyo parin ang isa't isa kaya wala na sigurong dahilan para mag-away parin kayo. Hindi na kayo bata para sa ganyan bagay. At isa pa may anak na kayo. Kaya act like a parents." Natameme nalang ako sa sinabi ni Ate.
"By the way, maaari ko bang ilabas sa bahay ang pamangkin ko? May kilala kasi akong pwdeng gumamot sa kanya----.."
"Talaga Ate?" Putol ko sa sinasabi nito.
"Sara, let me finish first." Asar na saad nito. "So saan na ba ako? Ah Oo, maaari niya itong magamot. Ang problema lang, kami lang ng pamangkin ko ang pwde pumunta dahil masyado kasing demanding yun ka kilala ko e." Dugtong nito.
"Okey lang Ate basta bang gumaling ang anak ko. Alam kong hindi ka gagawa ng kahit na ano na maaaring ikapahamak ng anak ko." Sagot ko rito. Sana ay magamot ng taong yun ang anak ko.
"Okey, kahit hindi maganda ang pagkakasabi mo sa huling linya mo." Tumalon na ito pababa tsaka nagsalita ulit. "Oh pano kunin kuna ang pamangkin ko. Hindi ko masasabi kung kailan kami makakauwi ngunit hindi kami uuwi hanggang hindi pa gumagaling ang pamangkin ko." Seryosong saad nito na nakatingin sa'kin.
"Naiintindihan ko Ate." Sagot ko rito.
Pumasok na ito para kunin si Kirs. Hindi nagtagal lumabas din siya na daladala ito.
"Mukhang hindi na maganda ang lagay niya. Kailangan ko nang magmadali." Nag-aalalang saad ni Ate.
"Mag-iingat kayo Ate." Saad ko rito tsaka nilapitan ang anak ko na dala niya. Hindi na maganda ang kulay ng balat nito.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...