TWO 55 Meaning of Life

94 1 0
                                    

TWO 55 (Meaning of Life)

Sakura

Tinaas ko ang aking kamay na tila inaabot ang langit. Ang buhay ng isang tao ay tila napakagulo. Maraming dadating at maraming ang aalis. Buong akala mo siya ngunit sa bandang huli hindi pala. Buong akala mo masaya ka na ngunit sa bandang huli hindi na pala.

"Mama, whhhaaaaa... Mama." Napatingin ako sa batang tumatakbo na walang suot na damit.

"Hazaki anong problema?" Nagtago ito sa likod ko na tila pinagtataguan ang isang tao.

"Si papa kasi, gusto niya isuot ko ang damit na tinahi niya." Naiiyak na sumbong nito.

"Hazaki, nasaan kana? Isuot muna ito ng makaalis na tayo." Gusto kung isampal sa mukha niya ang hawak niyang damit. Paano naman maayos pang tignan ang damit ng isang pulubi. Tila hindi ko alam kung saan banda ba ang para sa ulo o kamay sa damit na suot niya.

"Hazuki, ano ba yan dala mo?" Napanguso ito dahil sa sinabi ko.

"Nagtahi kasi ako buong gabi ng isusuot niya sa unang araw na pagpasok nila sa paaralan ngunit hindi niya nagustuhan." Umiiyak na nakahawak sa binti ko si Hazaki.

"Hazuki naman e, hindi pa yan tapos. Sasusunod nalang na pasukan nila." Napasimangot ito dahil sa sinabi ko.

"Bakit si Sazura isuot ang tinahi ko."

"Mama." Nakangiting lumabas mula sa likod si Sazura na suot ang damit na tila kinulang ng tila. Nakalabas ang pusod nito at magkaiba ang laki at haba manggas nito. Hindi ko masabi kung gown ba ito o anu.

"Hindi ko sila ihahatid kung yan ang suot nila." Nakita kung nalungkot ito bigla. Buong gabi itong gising at nagtatahi kung ano. Malay ko bang ito pala yun.

"Mama, naman e. Wag kana magalit kay papa." Dabog ni Sazura. "Hazaki, sige na suot muna yun damit please." Hila nito sa kapatid ngunit si Hazaki tila linta na nakakapit sa binti ko.

"Okey lang Sazura." Pumasok ito sa loob kaya napabuntong hininga nalang ako. Minsan may ugali si Hazuki na tila bata. Minsan tatlong bata ang inaalagaan ko.

Kambal si Hazaki at Sazura. Limang taong gulang na silang dalawa. Ibig sabihin anim na taon kaming nagsasama ni Hazuki. Hindi naman siya mahirap mahalin.

Pumasak kami sa loob ngunit wala doon si Hazuki. Nasa sofa ang damit na nais niyang ipasuot kay Hazaki. Kinuha ko ito at dinadala sa kuwarto nila ang kambal. Pag ganito ang pangyayari kailangan ko gumawa ng paraan para mawala ang tampo niya.

Kumuha ako ng maayos na damit ng kambal bago pinatong ang damit na ginawa ng papa nila. Inayos ko ang kulay ulap na buhok ni Hazaki. Namana niya ang kulay ng buhok ko ngunit ang mga mata niya ay kay Hazuki. Kulay light brown ito. Lagi itong kalmado at laging hindi sang-ayon sa plano ni Hazuki. Habang si Sazura naman nakuha ang itim na buhok ni Hazuki at kulay-lila na mga mata ko. Makulit ito at puro kalukuhan ang nasa utak. Laging partner ng papa niya sa kalukuhan na naiisip nila. Sumasakit talaga ang ulo ko sakanilang tatlo ang nagsama-sama sila sa isang lugar.

"Humingi ka tawad mamaya sa papa mo." Saad ko kay Hazaki na inaayos ang sapatos nito.

"Opo." Mahinahon na sagot nito.

"Ikaw, kasi kung sinuot mo sana kanina, hindi magtatampo si papa." Asar na saad ni Sazura. Matanda ng limang minuto si Hazaki kay Sazura. Ngunit ayaw daw niya itong tawagin kuya dahil lagi itong hindi sang-ayon sa plano nila. Tulad ng dati hindi sumagot si Hazaki kaya napasimangot nalang si Sazura. Kahit anong sabihin sakanya ni Sazura ay hindi nito pinapatulan.

"Sakura, tapos na ba kayo?" Sigaw ni Hazuki sa labas ng pintuan. Nagtatampo talaga ito dahil hindi man lang pumasok.

"Yes, palabas na kami." Hinawakan ko sa magkabilang kamay ko sina Hazaki.

Pagbukas ko sa pinto nandoon si Hazuki na gulat na nakatingin sa dalawa.

"Sorry, papa." Yakap ni Hazaki sa binti ni Hazuki. Lumuhod ito para pantayan si Hazaki.

"It's okey. Tignan mo bagay nga sayo." Napangiti nalang ako sa'kin nakikita.

"Tayo na." Nakangiting tumingin ito sa'kin.

Tumakbo palabas ang dalawa. Ito ang unang araw nila sa paaralan kaya hindi nila maitago ang sayang nararamdaman nila.

"Thank you." Bulong nito sa'kin na yumakap sa bewang ko.

"Basta sa uulitin. Gumawa ka ng maayos tignan." Sumimangot ito kaya kinurot ko ang nguso nito.

"Ouch, Sakura naman e." Tumawa lang ako.

Ang buhay natin a hindi mo talaga maintindihan kahit anong gawin mo. Hindi mo alam kung tama na ba ang naging disisyon mo o mali ito. Kahit sa huli mong hininga hindi ka makakasigurado kung ano ba talaga ang tungkulin mo sa mundo.

Kalahating masaya at malungkot ang nararamdaman ko araw-araw. Sapagkat alam ko sa sarili ko na may isang pamilya akong iniwan. Hindi ko alam kung mabait ba akong tao o hindi. Minsan iniisip ko mas masahol pa ako sa naging kalaban namin. Sila nanakit ng physical habang ako emotional. Hindi ko alam kung musta na ba siya doon o ano. Isa lang ang hiling ko sanay mapatawad ako ng mag-ama ko sa Light Land.

Hanggang ngayon hindi alam ni Hazuki ang tungkol doon at hindi niya malalaman habang buhay. Ang buhay ng isang tao ay punong-puno ng kasinungalingan. Kasinungalingan na natatakot kang makasakit ng tuluyan sa mga taong malapit sayo.

Tulad ng nangyari noon. Bawat isa sakanila ang may kanya-kanya ng pamilya at masaya ako para sakanila.

Ngayon ay kompleto kami at maaari sa susunod na bukas ay hindi na.

Ano man ang pagsubok na dumating sa buhay ko.

Sisiguraduhin kung magiging maaayos ang lahat hanggang sa huli.




~Fin~


Note: 

       Maraming salamat sa lahat ng bumasa sa The Weak One. I hope basahin niyo rin ang mga susunod kung kuwento sa wattpad.


YouAreMineBabyAkn

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon