TWO 43 (THE HIRAKO)
Kinshu Dimension isang dimension na nabuo dahil sa matinding galit ng Hibre. Ito ang dimension kung saan laging gabi at kahit kailan hindi sinikatan ng araw. Wala kang makikitang halaman o puno sa paligid. Puro bato at nagtataasan bulkan na nabubuo ng mga bato. Matigas ang lupa at walang tubig sa paligid. Hindi sinisikan ng araw at hindi umuulan sa dimension na ito. Hindi sariwa ang hangin sapagkat mainit itong tumatama sa iyong balat dahil sa laging pagsabog ng bulkan. Wala kang makitang buwan o bituin sakanilang kalangitan. Wala kang makikitang hayop sa paligid maliban lang sa mga hayop na tumatapos sa mga nilalang na nakatira rito. Sa malawak na lupain ng kinshu Dimension matatagpuan mo rito ang malaking pastilyo kung saan nakatira ang kanilang Hari.
Si Haring Gon Lim Shukuri, ang butihin hari sa mundo nila. Mabait ito at mapagbigay sa kanyang kinasasakupan. Lagi nito pinagtatanggol ang nasasakupan sa mga nilalang na nais kumitil sakanilang buhay.
Si Reynang Rhexzha Zhenny Royukhi Shukuri, ang kabiyak ng Hari. Mabait at mapagmahal na asawa at Reyna sa kanilang kinasasakupan. Inuuna ang makakabuti sa nakakarami bago ang kanyang sarili.
Si Prinsesa Renna Zhanny Shukuri Gumuskie, ang mapagmahal na prinsesa ng Kinshu Dimension. Mabait at palangiti. Naging tumutulong sakanilang mamamayan. Gumawa ng makabagong gamit para makatulong sakanilang hanap buhay.
Si Prinsipe Zhiean Lim Shukuri, ang pangalawang anak ng hari at reyna. Mabait at matulungin sakanilang nasasakupan. Hindi man ito madalas magsalita sapagkat sakanyang Zebu ay makakasira sakanilang lugar.
Si General Zhairen Yun Gumuskie, ang mapagmahal na asawa ng prinsesa. Ang matapang na general sakanilang mundo. Taga pagtanggol mula sa mga kalaban. Isasakripisyo ang kanyang buhay para sa mamamayan ng Kinshu Dimension.
Si Binibining Rose Rei Siniero, ang magiging kabiyak ng prinsipe. Ang anak ng ministro ng hari. Mabait at kabilang sa mandirigma sa kanilang lugar. Matulungin at mahinhin na dalaga sakanilang lugar.
Sila ang mga kilalang tao sa mundo ng Kinshu Dimension. Handa nilang gawin ang lahat may ligtas lang ang kanilang kinasasakupan kahit kapalit pa nito ang buhay at sariling kaligayahan.
Ang Dallyut ang kilalang kalaban ng mamamayan ng Kinshu Dimension. Isang halimaw na may pinaghalong katawan gorilya at buwaya. May dalawang sungay na kayang kumutil ng buhay. May mga pakpak na kasing bilis ng agila kung lumipad. May matutulis na mga koko sa kamay at paa na kayang wasakin ang mga bato o anuman matitigas na bagay. Matatalas ang paningin at pang-amoy. May malalaking katawan na puno ng balahibo na kayang sanggain ang malakas na apoy. Sa sobrang laki nito kaya niyang pisain ang isang tao sa pamamagitan ng isang kamay. Mahilig ito kumain ng buto at laman ng tao lalo na ang puso ng sanggol. Ginagawa nilang alak ang dugo mula sa mga nabibiktima nilang tao. Walang makitang kahinaan ang nasabing halimaw. Sampong beses ito kailangan patamaan sa iba't ibang pamamaraan bago ito mamatay.
Taon ang Yunri ng subukin ang katatagan ng palasyo. Gumuho ang bawat bayan sa Kinshu Dimension kasabay nito ang pag-atake ng mga Dallyut. Marami ang napaslang na mamamayan ng Kinshu Dimension. Kinulang sila ng pagkain mula sa pangangalakal sa kabilang mundo. Dahil sa pagod at kakulangan sa pagkain. Kinailangan pumunta ng reyna sa Zeuzora upang humingi ng tulong. Pinuntahan nito ang apat na palasyo ngunit walang nag-alok ng tulong. Walang ni isa ang nagbalak na makialam sakanilang digmaan. Nagpasya ito humingi ng tulong sa palasyo ng Sentro. Handang tumulong ang hari sakanilang pangangailangan at magpapadala ng dalawang libong kawal sa mundo nila kapalit ang pag-iisang dibdib nito sa hari bilang pangalawang asawa. Ayaw man ng Reyna ngunit wala siyang magawa kundi pumayag para sa ikabubuti ng kanyang mundo. Pagkatapos nang kanilang pag-iisang dibdib. Tinupad ng hari ng Sentro ang kanyang pangako ngunit hindi nito pinayagan ang Reyna na bumalik sa Kinshu.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...