TWO 35 (Promise)
Sakura
Ilan araw na ang nakalipas nang magpunta ako sa mundo ng mga Leopardo o sa mundo ng Lintana. Hindi muna ako umalis sa bahay mula noon. Ilan beses kung iniisip ang mga nangyari sa'kin. Bakit ko nga ba nararanasan ang lahat na ito? Wala naman akong Zebu para tumulong sakanila. Mga tanong na hindi ko alam kung saan ko makukuha ang sagot rito. Tulad nalang kung bakit ako lang ang nakakabasa sa aklat ng ZB. Bakit ko naririnig ang mga tinig ng hayop at halaman? Bakit ako nakapunta sa mundo ng nakaraan? Bakit ako ang sinasabi nilang tinakda? Kung ako nga, para saan ang aking pagiging tinakda? Alam ko naman na may kakayahan ako sa pakikipaglaban pero pag Zebu na ang usapan wala na akong panama. Napabuntong hininga nalang ako. Ilan araw ko ng iniisip ang mga tanong na ito ngunit hanggang ngayon wala parin nasasagot rito kahit isa.
'Toktok.. tok tok..'
"Ate Yuki si Leo po ito." Ano kaya ang kailangan niya sa'kin.
"Pasok ka. Bukas yan." Nakatingin lang ako sa pintuan na hinihintay na pumasok ito. Hindi ko rin maintindihan minsan ang ugali ni Leo. Mabait ito sa'min ngunit pag ibang tao na ang kaharap nito. Para itong isang yelo na hindi matunaw-tunaw. Pagbukas ng pinto. Niluha nito si Leo na bihis na bihis. Mayron ata itong pupuntahan.
"Ate Yuki, pinapatawag po kayo sa pulong. Kailangan niyo raw pumunta doon." Mahinahon na saad nito. Lagi nalang nila ako pinapatawag sa pulong ngunit ayaw ko pumunta.
"Sabihin mo nalang sakanila na wala ako sa bahay." Tinatamad na sagot ko.
"Ngunit Ate Yuki, nasabi na ni Itay na nasa bahay ka. Pag hindi ka raw pumunta sabi ni Itay. Kakaladkarin ka raw niya papunta sa pulong." Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ko ang sinabi niya. Kung sinabi yun ni Itay. Alam kung tototohanin niya ito.
"Anong oras ba ang pulong." Wala na akong takas nito.
"Mamayang ikatatlo ng hapon." Mahinahon na sagot nito. Hindi ito pumasok sa loob ng kuwarto ko nasa may pintuan lang siya habang nakikipag-usap sa'kin.
"Okey magpapalit lang ako." Saad ko. Ika isa na kasi ng hapon kaya balak kung maglakad-lakad muna bago pumunta doon.
"Ok po Ate Yuki, hintayin nalang kita sa baba." Isang tango lang ang sinagot ko sakanya tsaka nito sinara ang pinto. Nagpalit na ako ng damit tsaka hinayaan na nakalugay ang mahaba kung asul na buhok. Isang pulong ang pupuntahan ko kaya isang matinong damit ang sinuot ko. Pagkatapos ko, bumaba agad ako para makaalis na kami ni Leo. Nadatnan ko itong nakaupo sa sala habang nagbabasa ng aklat. Bakit ba ang hilig nilang gawin yan. Kala ba nila cool silang tignan pagnakita silang nagbabasa ng aklat habang nasa gitna naman lagi ang panina ng aklat.
"Tayo na." Pagkuha ko sa antensyon nito. Para kasing may galit ito sa aklat dahil naka kunot noo itong nakatingin rito. Agad nagbago ang emosyon nito ng makita niya ako.
"Aalis na tayo Ate Yuki?" Gulat na turan nito.
"Oo, Bakit may problema ba?" Kunot noo na tanong ko.
"Ah e, kasi hindi tayo makakapunta doon hanggang hindi pa dumadating ang takdang oras. Hindi pa kasi bukas ang Yunshi e." Napapakamot sa batok nito habang nagpapaliwanag.
"Sinong bang nagsabi na sa Yunshi tayo dadaan?" Takang saad ko rito. Nalilitong tumingin lang sa'kin ito. Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil nagpunta na ako sa may pintuan.
"Hindi tayo dadaan doon. May alam akong daan papunta sa pupuntahan natin." Simpleng saad ko rito na lumabas na. Para kasing hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...