TWO 20 The Crazy One

73 3 0
                                    

TWO 20 (The Crazy One)

Sakura

Kunti-kunti nalang ay maiinis na ako sa palasyo dahil sobrang marami na ang nababalitang nawawalang mga kabataan ngunit hanggang ngayon. Wala parin silang ginagawa. Musta na kaya ang magaling kung kakambal ni wala siyang binabalita sa'kin.

Napatapik ako sa batok ko ng malaman ang nangyari sa magaling kung kapatid. Kailangan ko na nga kumilos.

Hmmmm teka lang, ipapaalam ko ba kina Tay ang nangyari sa katatapos lang magsanay na magaling kong kakambal?

------

"Tay paano po kung malaman mo na pumalpak si Sara sa mission niya?" Kunot noo lang tumingin sa'kin si Tay.

"Paparusahan dahil nag pagod pa akong turuan siya. Ilan linggo rin akong hindi nag trabaho ng dalhin doon." Patay kang bata ka.

"Bakit may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Nay.

"Wala naman po curious lang." Patay malisyang sagot ko rito.

Mukhang mag-isa akong tutulong sakanya.

"Hmmmm Tay, Nay ilan araw po akong mawawala." Napalingon agad sila sa gawi ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tay

"Sa gubat po Tay. Magpapakasal kasi kami ng punong natipuhan ko." Malay mo kumagat.

"Ah okey, siguraduhin mo lang na pagbalik mo may apo na ako sa tuhod." Muntik kuna may buga ang tasang iniinom ko.

"Tay naman. Tuhod agad." Nakasimangot na sagot ko rito.

"Hahahahah.. ikaw talagang bata ka. Oh sige mag-iingat ka lagi." Napapailing nalang si Nay sa kalukuhan namin.

------

Nandito ako ngayon sa Sentro para maghanap ng pwde kung gawin pang balatkayo. Mahirap na baka magulat ang nagbihag sa kapatid ko na mag kamukha kami ni Sara ide baka hindi pa akong kunin nun.

Pinaitim ko ang buong balat ko. Bumili ako ng yuker (contact lens) na sobrang itim para maiba naman. Pinaitim kuna rin ang buhok ko at nagsuot ng kasuotan kulay itim. Para wala na silang masabi.

Oh diba! Itim lahat san ka pa.

Hindi pa ako nakuntento at nagsuot ng itim na kapa.

Nang makita kung okey na ang suot ko ay nagpunta na ako agad sa bandang hilaga dito sa Sentro.

Sa totoo niyang natatawa ako sa suot ko. Pano naman kasi mukhang ako pa ata ang maghuhuli ng bihag sa ayos kung ito.

Hindi nag tagal ang paglalakad ko ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya. Lilingunin kona sana nang may marinig akong nag-uusap.

"Dapat tulog na siya." Palaka 1

"Oo nga, hindi kayang hindi siya tinatablang." Palaka 2

Oh! Dapat pala tulog na ako.

Sige goodnight.

Tsaka akong nag kunwaring nawalang ng malay.

Ang hirap palang mag panggap. Pano naman kasi malay ko bang mabato dito sa kinatatayuan ko ayon tuloy mukhang nasugatan pa ako.

Naramdaman kung papalapit na sa'kin ang dalawang palaka nag-uusap kanina.

------

Muntik na akong mapamura ng bigla nalang akong hinagis sa isang kulungan ng palakang bumuat sa'kin. Ipapangako kung hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi siya magagantihan.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon