TWO 47 (The war for beginning)
Third Person POV
Nawasak ang kalahati sa Grem Village dahil sa kagagawan ni Black Phoenix. Hindi nito matanggap na ganun nalang matatapos ang mga binuo niyang plano. Nagsilabasan ang iba't ibang uri ng halimaw mula pa sa mundo ng kadiliman. Inaatake nito ang bawat taong makita nila. Kasalukuyan itong hinaharap nina Mahal na Haring Sawkie, Prinsipe Hazuki, Prinsesa Yuri, Miss Kiyoke, Leo, Lenard, Saya, Royal Guard ng palasyo ng sentro at ilan mandirigma na mula pa sa apat na palasyo at ang grupo nila Haring Gon. Pinagtutulungan nilang harapin ang pambihirang lakas ni Black Phoenix.
"Hindi natin kayang tapusin silang lahat." Naghihinang saad ni General Zhairen.
"Oo, nauubos na rin ang ating Eun dahil kanina pa tayo nakikipaglaban." Saad ni Prinsesa Renna (Miss Ren).
"Gusto mo na bang mamatay Black Butterfly." Saad bigla ni Rib na bigla nalang sumulpot kung saan. Kinakabahan na napatingin si Prinsesa Renna sa paligid.
"Ano kaba Rib, baka may makarinig sayo." Inis na saad nito.
"Oh! Sorry, malay ko bang sekreto pala yun." Pairap na sagot ni Rib. "Nga pala baka nakakalimutan mong buntis ka, tignan mo nga mas marami ang pumupunta sa lugar natin dahil naaamoy nila ang fetus mo." Tila natauhan si Prinsesa Renna at General Zhairen dahil sa sinabi ni Rib. "Tsk! First baby pa naman niyo yan tapos ilaglag mo lang dahil sa laban." Susugurin na sana sila ng isang malaking Zeintae (Isang uri ng halimaw na kumakain ng utak ng tao.) ng harangan ito ni Rib. Nilabas nito ang kanyang sandata at pinatama sa Zeintae. "Bakit pa kayo naka tunganga dyan? Gusto niyo na ba mamatay? Umalis na kayo at bumalik sa Light Land." Galit na sigaw sakanila ni Rib na pilit niya silang pinoprotektahan sa mga halimaw.
"S-salamat." Saad ni Prinsesa Renna bago sila maglaho ni General Zhairen. Napailing nalang si Rib tsaka tinapos ang mga halimaw sa harap niya bago maglaho ulit.
-----
Hindi makapaniwala sina Yuen dahil sa nalaman nila mula kay Sakura.
"Kung ganun sasama sa laban si Mai? Hindi ako makakapayag dahil nagdadalang tao siya." Galit na saad ni Yuen.
"Ngunit si Mai ang napali ng bato. Kailangan namin siya para iligtas ang Blue Moon." Mahinahon na saad ni Sara.
"Hindi parin ako makakapayag." Matigas na saad ni Yuen. "Kung gusto niyo ng tulong. Handa ako tumulong ngunit hindi kasama doon si Mai."
"Kala ko ba ako lang slow rito, yun pala ikaw rin Yuen. Ilan beses na ba sinabi sayo na si Mai ang napili ng bato at hindi ikaw." Asar na saad ni Rio. "Si Mai ang kailangan namin at hindi ikaw." Galit na dagdag nito.
"Kung makapagsalita ka kala mo ganun nalang kadali yun." Malamig na saad ni Yuen. "Buntis si Mai at hindi pwde. Ilan beses na kami nawalan ng anak kaya hindi ako makakapayag na mawala ito ulit." Napatahimik nalang si Rio dahil mukha hindi na mababago ang pasya ni Yuen.
"Hindi natin matatalo ang kadiliman kung kulang tayo." Mahinang saad ni Kira. Masama lang itong tinignan ni Yuen. Tahimik lang si Mai na hindi nagsasalita. Ayaw niyang pangunahan si Yuen dahil tama naman ang sinasabi nito.
"Ano ba yan, nawala lang ako saglit nag away-away na kayo." Saad ni Sakura na nagpalit anyo. Kararating lang nito kung saan bilang si Rib kanina. Alam na rin nina Mai ang tungkol sa totoo nitong itsura.
"Ate saan ka galing?" Tanong agad ni Sara.
"May pinauwi lang akong matitigas rin ang ulo tulad ng kakilala mo." Sagot nito tsaka naupo sa bakanteng upuan. "Kumalat na sa buong Grem Village ang mga kampon ng kadiliman. Hindi mapigilan ang pagkalat nila sa paligid. Buti naman dahil may mga harang sa mamamayan ng Blue Moon." Saad nito tsaka nainum sa tsaa na hawak niya na tila hindi kinakabahan sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...