TWO 33 (Repeat)
Sakura
Nandito ako ngayon sa dulo ng bayan namin. Balak kung pumunta sa likod nitong harang. Nakasuot ako ng maikling short na itim at puting sando na may kasamang maikling itim na jacket na hanggang bewang lang ang haba. Tinali ko pataas ang buhok ko at inayos ang pagkakasuot ko sa aking guwantes. Pag lumabas ako sa harang na ito hindi malayong mapalaban ako kaya mas okey na yun handa. Napatigil nalang ako sa'kin ginagawa ng mapagtanto ko na tilang naulit ang pangyayari na ito noon.
Tumayo na ako sa harap ng harang. Kung talagang naulit na ito. Sa pagkakatanda ko sa likod ng harang na ito ay makakaharap ko ang mga Yuko. Itinapat ko ang palad ko sa harang at tulad ng inaasahan ko. Isang dambuhalang ugat ng puno ang sumalubong sa'kin. Agad kung inihataw rito ang latigo na naging sanhi ng pagkasawak nito. Isinuot ko agad ang kapa ko upang hindi nila ako mapansin at maramdaman. Naglakad na ako sa paligid at hinanap ang grupo nina Len na alam kung nandito rin sa lugar na ito.
Doon sa panaginip ko. Magkaiba ang naging dahilan ng mga harang na ito. Magkaiba rin ang panahon at oras doon. Pati mga ugali ng mga tao doon ay malaking pagkakaiba sa panahon ngayon. Ang makikita lang sa paligid ay ang mga wasak na bahay at patay na puno. Ang mga halimaw na tilang walang kapaguran sa pag-atake sa paligid ng mga harang. Nangingibabaw rin ang masangsang na amoy. Tulad ng nadaanan ko kanina.
Nasa taas ako ng patay na puno at nililibot ang paningin ko sa paligid. Muntik na ako mahulog sa kinatatayuan ko ng may malaking pagsabog na mangyari sa kinalalagyan ko.
------
Hindi rin masama, magagaling silang makipaglaban. May limang taong nakikipaglaban ngayon sa mga Yuko sa ayos palang ng pananamit nila tilang isa sila sa mga mandirigmang ipinadala kung saan lugar. Mukhang kilala ko ang ilan sakanila. Sina Rio, Yuen at Len lang ang kilala ko sakanila yung dalawa ngayon ko lang nakita. Isang babae at lalake naman yun isa. Sa pagkakatanda ko Ice ang pangalan niya. Doon sa panaginip ko baliw na baliw si Sara sa lalaking to. Pinapanood ko lang sila bawat galaw nila ay makikita mong sanay na sila sa pakikipaglaban.
Pareho ito sa napanaginipan ko noon.
"Rio look out." Sigaw ni Len ng muntik nang makain ng Rosas na Yuko. Umiwas naman ito agad at hiniwa ni Yuen ito.
Nakuha ng atensyon ko ang isa sakanila na napapalibutan ng maraming Yuko. Nang makita kung tatamaan ito ng isang Yuko agad akong kumilos para patamaan ito gamit ang Latigo ko. Gulat na napatingin sa'kin ito na tilang hindi inaasahan nito ang pagsulpot ko.
Tatanungin ko sana kung okey lang siya ngunit naunahan ako ni Len. Inabangan ko ang sasabihin nito. Sa aking panaginip. Tinawag niyang malandi si Sara.
"Sara, anong ginawa mo rito? Sinong kasama mong pumunta rito?" Base sa tuno ng pananalita nito ay nag-aalala ito. Hindi ko siya sinagot at nilibot ang paningin ko sa paligid. Napapalibutan kami ng mga Yuko. Nang makita kung susugurin nila ako ay pinaghahataw ko sila ng aking latigo. Tilang wala silang takot na baka maubos ko sila. Ilan saglit pa bigla nalang silang naglaho sa hindi malaman dahilan. Ganito rin ang nangyari doon sa panaginip ko. Hinarap ko si Len at tinanong ito.
"May mga tao pa ba sa paligid?" Doon sa panaginip ko. May nakilala akong mga infected at doon ko sila natagpuan sa lugar kung saan tinayo ang Grem Village na kinaroroon nina Sara ngayon.
"Wala na. Mga kalaban lang ang nandito." Mahinahon na sagot nito. Napatango nalang ako bilang sagot.
-----
Sumama nalang ako sa paglalakbay nila papunta daw sakanilang pinuno. Hindi na rin ulit nagtanong si Len dahil wala naman siyang makuhang sagot sa'kin. Hindi nagtagal ay narating namin kung nasaan ang kanilang pinuno. Ganun nalang ang pagkagulat ko ng makilala ko ang sinasabi nilang pinuno.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...