TWO 27 (New Zeuzora)
Sakura
Nagising ako sa isang lugar na minsan ko nang napuntahan.
Bakit nandito ako ulit? May mali ba akong nagawa? Nililibot ko ang aking paningin sa paligid baka may makita akong taong pwdeng pagtanungan.
"Gising kana pala." Agad akong napayuko ng makilala ko kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Hibre." Biglang sambit ko. Ngumiti lang ito sa'kin tsaka tumingin sa malayo na tilang may iniisip ito.
"Bakit po nandito ako ulit sa nakaraan?" Kung hindi ako nagkakamali nandito ako ulit sa loob ng puno ng nakaraan. Tilang naging malungkot ito sa tanong ko.
"Malaki ang pagbabago sa mundong babalikan mo. Isang mundong walang kapayapaan na nangingibabaw." Nakaramdam ako ng takot ng sabihin niya yun. "Ang mundong babalikan mo. Ang kabayaran ng aking pagkakamali. Isang sumpa na hindi na mababawi pa habang buhay."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Malungkot lang itong ngumiti sa'kin sabay ng pagbabago ng paligid. Napapikit ako bigla dahil sa matinding liwanag na nagmumula kung saan.
Pagdilat ko nasa harapan ako ng puno ng nakaraan. Ano kaya ang nangyari? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at ganun parin naman ang itsura nito ng huling punta ko sa lugar na ito. Napapalibutan ng iba't ibang bulaklak ito at natatabunan ng naglalakihan puno.
Nagpasya nalang akong umuwi sa bahay dahil tilang sobrang napagod ang katawan ko sa hindi malaman na dahil. Napakunot nalang ang noo ko ng mapansin ko ang kakaibang marka sa palad ko.
Ngayon ko lang ito nakita sa palad ko pero kung titignan mo mabuti tilang matagal na itong nakatatak rito. Isa itong malaking bilog na may susi sa gitna nito. Hindi kaya ito ang sinasabi ng Hibre na pagbabago? Binaliwala ko nalang ito at nagpatuloy sa paglalakbay patungo sa'min. Malayo ang lugar na ito sa bahay namin kaya sigurado akong baka gabihin pa ako sa daan nito.
"Teka ano to?" Tilang may malaking harang sa dulo ng gubat. Kailan pa ito nagkaron ng harang? Balak ko sanang hawakan lang ito ng tumangos ako sa harang at ganun nalang ang pagkagulat ko ng isang malaking dambuhalang halimaw ang sumugod sa'kin.
Agad akong nakaiwas sa atake nito ngunit may isa pang halimaw na anyong halaman ito. Wala akong ibang choice kundi labanan sila dahil masyado silang marami. Nagkalat sila sa paligid. Walang tigil ang pagsugod nila sa'kin na tilang hindi sila natatakot sakanilang kamatayan. Marami na akong napapatay sakanila gamit ang aking latigo na nawawasak nito ang bawat tamaan ko sakanila.
Habol hiningang nagtago ako sa isang puno na malayo sakanila. Itinago ko ang aking amoy ng hindi nila ako mahanap. Pinagmasdan ko ang anyo nilang lahat. Lahat sila ay malahalimaw ang itsura na nagmula sa iba't ibang uri ng halaman ang anyo nito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at ganun nalang ang pagtataka ko sa sobrang daming harang na pabilog ang hugis nito. Sa bawat harang ay may nag-aabang na halimaw na tilang inaabangan nitong may lalabas doon na makakain nila.
Parang patay na gubat ang lugar na ito. Malambot ang lupa kung saan sila nanggagaling. Nagkalat ang mga buto sa paligid ng mga nabiktima nila. Ito ba ang sinasabi niyang malaking pagbabago sa mundo ng Zeuzora? Ngunit ano ang mga bilog na harang na nagkalat din sa paligid?
Pilit ko inalala ang lahat ng nangyari upang masagot ang mga tanong sa'kin isipan. Paglabas ko sa gubat kung nasaan ang puno ng nakaraan ay ang daan papunta sa'min tahanan ang kasunod rito. Ibig sabihin yun harang na iyong kung saan maraming nag-aabang ay maaaring yun ang lugar namin. Kung tama ang hinala ko baka itong mga harang na ito ay ang mga bayang sa Zeuzora.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...