TWO 53 Memories

49 1 0
                                    

TWO 53 (Memories)

Sakura

Tinupad ko ang pangako ko sa mga halimaw na bibigyan sila ng matitirahan. Gamit ang kapangyarihan ng mga bato. Binuksan ko ang lagusan papunta sa Dark Land upang doon sila manirahan. Total naman puro halimaw na tulad nila ang nandoon kaya ayos lang na doon sila manirahan. Hindi parin namin alam ni Rib kung sino ang nakialam sa mga bato. Ngunit ilan araw na akong naghahanap ng impormasyon tungkol doon wala naman akong nahanap.

"Rib, hindi kaya ikaw ang nakialam." Taas kilay na tanong ko rito.

"Huh? Hindi kaya." Sagot nito agad. "Ano naman ang magiging dahilan ko kung pakikialam ko nga yun." Pairap na sagot nito.

"Kasi nalaman mo na maaari matanggal ang pagiging Rabbit mo pag ginamit mo ang mga bato. Tignan mo nga hindi na kita nakitang naging Rabbit itong mga nakaraan araw." Umiwas nalang ito ng tingin. Sabi ko nga ba. "Oh! Sya, wala na akong magagawa dyan." Napapailing na saad ko.

"Whhhaaaa Sakura ang bait mo." Parang uggoy na sumabit ito sa leeg ko. Kahit kailan talaga.

"Maiwan na kita dyan." Umalis na ako sa Sambre at pumunta sa Blue Moon may usapan kami ni Hazuki na magkikita ngayon.

Minsan iniisip kung nang-aasar ito. Alam naman niya na hindi ako makakita sa dilim ngunit pinilit niya akong magkita kasi sa hardin ng bahay nila.

"Nasaan po si Hazuki?" Tanong ko kay Haring Sawkie na nakatayo sa labas ng bahay nila.

"Sa hardin siya iha. Inihintay ka niya." May nakakalutong ngiting sagot niya.

"Ate, aking na yan dala mong ilaw dahil papaubos na yun gas." Sabay agaw rito ni Sara. Okey, paano naman ako makakakita sa hardin kung kinuha nila ito. Napapailing nalang akong tinahak ang hardin nila. Isa sa paborito kung lugar sa bahay ng hari ay ang hardin nila.

Pagdating ko doon. Sobrang dilim sa labas. Naku naman.

"Hazuki nandyan kaba?" Tawag ko rito. Bigla rin namatay ang ilaw sa likod ko kaya wala na akong makita. Ang sarap mabuhay sa dilim. Narinig ko ang tawanan sa paligid ko. Wow, pinaglalaruan ba nila ako?

Bigla nalang may musika akong narinig sa bandang gilid ko. Hindi ko alam kung sino ang tumutugtug dahil madilim sa gawi na yun.

Sa unang pagkikita,

Paghanga ko'y nakuha muna.

Aamin kung ako'y napahiya,

Ngunit iyong binaliwala.

Bigla nalang nagkaron ng liwanag sa sa unahan. Napangiti nalang ako ng makita doon si Hazuki na may mga dalang rosas. Hindi ko masabi kung kumakanta ba ito o tumutula. Aaminin ko wala siya sa tuno ngunit nandoon parin ang malamig nitong tinig tuwing nagsasalita. Bigla ko nalang naalala yun unang pagkikita namin sa Sentro. Napangiti ako ng maalala ng subukan niya patamaan ang Usaki Board noon.

Pilit kinuha ang iyong atensyon,

Ngunit nasa palabas ang iyong buong atensyon.

Sa Unang pagkakataon,

Napapangiti ako ng walang dahilan.

Bawat pagtalon mo sa tuwa,

Ako'y napapangiti.

Pakiramdam ko'y kompleto na ang buong araw ko.

Makita palang ang mga ngiti mo.

May alaala na pumasok sa isipan ko. Ito yun araw na pinapanood ko yun dalawang mataba na nagkakabunguan tuwing nagsasayaw sila. Lumapit sa'kin si Hazuki ngunit nasa palabas ang atensyon ko. Bawat pagtalon ko. Natatawa at napapangiti ito. Kinausap ako ni Haring Sawkie habang nasa tabi ko si Hazuki. Nais sana nito hawakan ang damit ko ngunit umalis na ako.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon