TWO 30 They Difference

81 2 0
                                    

TWO 30 (They Difference)

Sakura

Malayo palang ako sa bahay naririnig ko na ang nagsisigawan sa loob o madaling sabihin na ang malakas na boses ni Sara. Hindi napansin ng mga bantay ni Nay ang pagdaan ko dahil naka invisible ako gamit ang aking kapa. Mas dumami ang tao ngayon sa bahay namin. Pare-pareho sila ng suot na damit. Bakit kaya? Ganun nalang ang paglalaki ng mga mata ko ng mapagtanto kung parang akademya pala itong bagong bahay namin.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. bakit ngayon ko lang napansin yun? Napapailing nalang akong pumasok sa loob.

"Ilan ulit ko ng sinabi na hindi ako yun." Base sa mukha ni Sara ngayon, malapit ng sumabog sa galit.

"Wag mo ikaila yun, dahil nakita ka namin. Kinausap mo pa kami at tinulungan mo pa si Ice." Oh! Parang alam kuna kung ano ang nangyayari dito.

"Len, ilan beses ko rin sinabi na HINDI AKO YUN PERIOD." Napatingin ako kay Nay at Tay na tilang nag-uusap ang kanilang mga mata. Parang alam na nilang ako ang tinutukoy ni Len na nakita niya.

"Hindi lang si Len ang nakakita sayo Sara, dahil pati ako nakita ko ang pagtagos mo mismo sa harang." Kalmadong saad ng lalaking pula ang buhok na may itim na mata. Cute siya.

"Iwan ko saiyo." Padabog na naupo si Sara sa sofa. Naka halumbaba lang akong nanonood sakanila habang nakasandal sa pangalawang palapag ng bahay. Napailing nalang yun ilan dahil sa inasal ni Sara.

"Ako yun nakita niyo." Napatingin sila sa gawi ko. Tinanggal kuna kasi ang kapang suot ko para makita nila ako. Boring ko lang silang kinawayan ng makitang gulat silang napapatingin sa'kin tapos kay Sara naman.

"Sakura saan kaba nagpupunta?" Galit na wika ni Nay.

"Itanong mo po sakanya. Siguradong alam niya." Sabay turo ko kay Len na hanggang ngayon ay gulat parin. Siguro naalala niya ang masasamang salita na binitawan niya sa'kin ng mga oras na yun.

"Kung ganun ikaw yun? Yung nakipaglaban sa mga Yuko at pumasok sa isang harang na kasama ang mga infected?" Gulat na turan ni Len. Nakatingin lang sa'kin sina Nay na hinihintay ang sagot ko. Napabuntong hininga muna ako bago siya sinagot.

"Ako nga." Tumalon ako mula sa kinalalagyan ko papunta sa kinauupuan ni Sara tsaka ito binatukan.

"Aray—ate naman ano bang kasalanan ko sayo." Napataas nalang ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo alam ang kasalanan mo?"

"Hindi." Nakasimangot na sagot.

"Ang tuno ng pananalita mo kanina. Pag kinakausap ka sumagot ka ng maayos lalo na kung nakakatanda sayo ang kausap mo." Ibang iba na talaga ang Sara na kaharap ko ngayon. Nawala na yun mahinhin na Sara.

"Sorry naman." Napabuntong hininga nalang ako.

"Anak bakit mo niligtas ang mga infected na yun?" Malumanay na tanong ni Tay. Naupo muna ako bago ko ito sagutin.

"Nakakasugat man ang patalim, kakailanganin mo parin ito." Seryosong sagot ko sakanya. Napatitig lang sa'kin ito.

"Tay hindi po nila kasalanan na infected sila. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila mabuhay lang na ganun katagal, at isa pa nagawan kuna ng paraan yun."

"Anong ibig mong sabihin?" Tinignan ko lang siya. Sino ba ang lalaking to?

"Nga pala siya si Zhairen ang pinuno ng Special team." Tay

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon