TWO 44 (What's going on?)
Sakura
"Wala parin sulat mula sakanila." Malungkot na saad ni Rib. Ilan araw na ang lumipas ng mapunta ako sa Kinshu ngunit hanggang ngayon wala parin pulong na nangyayari. Nagpadala kanina ng ulat si Sara na my sumugod raw mga anino sa palasyo. Mukhang alam na nilang ako ang sumisira sa bawat plano nila.
"Mahigpit din ang bawat bantay sa talaan sa bahay ng Hari kaya hindi namin makuha ang kasaysayan ng palasyo." Dagdag pa nito. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko malaman kung si Haring Sawkie ba o ibang Hari ang namamahala noon araw na humingi ng tulong ang reyna ng kinshu sakanila. Kung taon ng Yunri yun nangyari ibig sabihin 80 years na ang nagdaan kasama ang taon ngayon. May dalawa ng anak ang Hari ng Kinshu at si Miss Ren at Zhiean ito. Kung ganun ilan taon na ba si Zhiean ngayon?
"Baka matulungan ko kayo." Napatayo kami bigla ni Rib ng magsalita ito.
"Mahal na Prinsipe." Saad bigla ni Rib. Pumunta ako sa kinatatayuan ng prinsipe para alalayan ito paupo.
"Kumusta na po kayo?" Nag-aalalang tanong ko. Ilan araw na ang lumipas ngunit hindi parin bumabalik ang natural na kulay ng balat niya. Ayon sa Ada hindi pa raw nakakabawi ang katawan nito.
"Wag muna ako e "po", magkaedad lang tayo. Nalaman ko rin kay Rib ang mga nangyari sa Zeuzora. Ah hindi Blue Moon na pala." Tinignan ko ng masama si Rib. Hindi pa nga magaling yun tao nagdaldal na.
"Ah e, may gagawin pa pala ako." Saad nito sabay kumaripas ng takbo.
"Wag muna isipin ang mga tungkol doon. Kailangan mo muna mabawi ngayon ang lakas mo." Tinignan lang ako nito na parang kinakabisado ang itsura ko. "May problema ba?" Takang tanong ko rito.
"Wala naman, tama nga sila malaki nga ang nagbago sa itsura mo." Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa'kin. "Wag kang mag-aalala wala akong pagsasabihan tungkol sayo." Napasimangot nalang ako ng wala sa oras. Baka nadaldal din ni Rib ang tungkol doon.
"Okey, may tiwala ako sayo." Ngumiti lang ito bilang sagot.
"Ate!" Napalingon kami kay Sara ng tawagin niya ako.
"May problema ba?" Tanong ko agad pagkalapit palang niya.
"Wala parin magandang balita." Napapabuntong hiningang saad nito. Inaasahan ko na yun.
"Nga pala, ilan taon na pala si Zhiean." Bigla nalang napaubo ang prinsipe kaya binigyan ko ito ng tubig agad. "Okey ka lang?" Alalang tanong ko. Tumango nalang ito bilang sagot.
"Sa tingin ko baka 24 or 26 na siya. Bakit ate?" Napaisip ako dahil sa sinabi niya.
"Baka kasi hindi niya totoong edad yun. Kung tama ang hinala ko baka 90 o higit pa ang edad nito." Sabay na naibuga ni Sara at Prinsipe ang iniinum nila ng sabihin ko yun.
"Sabihin niyo lang kung ayaw niyo sa muka ko." Saad ko sabay punas sa muka kung binugahan nila ng kape.
"Sorry, hindi ko sinasadyaa. Nagulat lang ako." Sabi ng Prinsipe na tinulungan akong magpunas.
"Sorry Ate." Saad ni Sara na may dala na itong bagong pamunas.
"Yeah, okey lang. Ako na." Sabi ko sakanila at pinunasan ko ang damit kung naligo na sa kapeng iniinum nila.
"Nakakagulat naman kasi ang sinabi mo Ate. 90 o higit pa? Paano nangyari yun kung mukhang bata ang itsura ni Zhiean." Nakasimangot na saad nito. May punto siya ngunit may posibleng tama ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...