TWO 40 Borrowing Magic

63 3 0
                                    

TWO 40 (Borrowing Magic)

Third Person POV

Ang mundong kalahating liwanag at kadiliman. Puno ng iba't ibang emosyon na nakapaligid sa paligid nito. Bawat Anghel sa liwanag at kadiliman ay kailangan dumaan sa mundong ito upang makapunta sa mundong kinabibilangan nila. Sa kabila ng dinami-daming anghel sa mundo. Ito lang ang nag-iisang mundo na, nag-iisang anghel ang makikita mo. Ang anghel na nakadepende sa bawat emosyon ng bawat nilalang na nabubuhay sa bawat mundong nakapalibot sakanya. Tahimik itong nakatira sa kanyang mundo na tilang walang kapaguran sakanyang ginagawa araw-araw. Araw-araw itong kumakanta upang mabalanse ang liwanag at kadiliman sa mga mundong nakapalibot sakanyang mundo.

Habang masaya itong kumakanta naramdaman nito ang biglaan pagbabago ng klima sa paligid na nagpatigil sa pagkanta nito. Sa isang iglap isang liwanag ang bumalot sa buong paligid nito kung kaya't napalunod ito agad upang magbigay galang.

"Mahal na Hieyo, kumusta na po kayo?" Magalang na saad nito.

"Maayos naman ang aking pakiramdam. Zky, nagpunta ako rito para sa isang pabor. Alam kung hindi ko dapat gawin ito ngunit ito lang ang naisip kung paraan para iligtas ang isang mundo sa papalapit nitong pagkawasak." Mahinahon na saad ng Mahal na Hieyo.

"Ano po yun mahal na Hieyo?" Kahit hindi pa nagsasalita ang mahal na Hieyo alam nitong ipapadala siya ulit sa isang lugar.

"Nabalitaan mo naman ang nangyari sa Hibre. Ang pinuno ng mga Anghel hindi ba?" Simula nito.

"Opo mahal na Hieyo." Ang mahal na Hieyo ang nagbibigay buhay sa mga nilalang na nabubuhay sa bawat mundong nilikha.

"Gusto kung pumunta ka sa mundo nila upang tulungan silang gapiin ang kalaban. Alam kung masyadong malaki itong hinihiling ko sayo ngunit sa oras na magtagumpay ka. Ipinapangako kung tutuparin ko kahit anong hilinging mo sa'kin." Mahabang pahayag ng mahal ng Hieyo.

"Masusunod po Mahal na Hieyo. Makakaasa kayong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang may ligtas lang ang kanilang mundo." Magalang na sagot nito.

"Salamat Zky, Ikaw lang ang maasahan ko sa ganitong bagay." Saad nito bago maglaho sa harapan ng dalaga.

Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaluhod upang magtungo sa lagusan ng kabilang daigdig. Magmula ng kinulong ng mga Bzebu ang Hirbe sa banal na ilog. Ang anghel na si Zky Blue ang nagpatuloy sa naiwan nitong tungkulin upang mapanatili ang pagbabanlanse sa bawat daigdig. Hindi nito naagapan ang mga pangyayari sapagkat sa panahon na nabigo ang Hirbe sakanyang unang pag-ibig ay nagkataon din nasa misyon ito.

------

Pagkatapos umiyak ni Sakura. Nakakuha na rin ng pagkakataon si Zhiean para tanungin ito kung ang nangyari. Kinalma muna ni Sakura ang sarili bago sagutin ito.

"Dahil sa lason ng Giogen kaya namatay ang katawan tao ko. Isa na akong kaluluwa ngayon." Tilang nawalan nang lakas ang binata dahil sa sagot ng dalaga sakanya.

"H-hindi, hindi maaari ito. Baka may paraan pa." Napapailing na saad nito habang nakayakap sa dalaga na hindi mapigilan umiyak. Tinapik-tapik lang ito ng dalaga sa likod upang pakalmahin ito.

"Baka nga." Mahinahon na saad nito. "Tumahan kana, hindi pa naman ako nawawala. Salamat sa dugo ng Reyna dahil nandito pa ako." Dagdag nito.

"Ngunit isa kanang Leopardo. Dito ka lang nagiging anyong tao at----" Hindi makapaniwalang saad ni Zhiean. Humikpit ang yakap niya sa dalaga bago ituloy ang sasabihin. "-nagiging anyong hayop sa mundo natin." Isang ngiti lang ang sinagot sakanya ng dalaga.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon