TWO 51 (Replacement)
Sakura
Nahihinang napaupo ako sa lupa. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang mainit na yakap ng mag-ama ko. Malupit ang mundo. Yun ang laging sinasabi ng mga taong iniwan ng mahal nila sa buhay. Napatingin ako bigla sa paligid ng makarinig ako ng malakas na pagsabog.
"Anong nangyayari?" Tumakbo ako kung saan ng galing ang malakas na pagsabog.
Hindi ako makapaniwala sa akin nakikita. Nagkalat ang halimaw sa paligid na nakikipaglaban kina Sara. Anong nangyayari? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa'kin nakikita.
Biglang pumasok sa alaala ko ang huling bilin na sinabi sa'kin ni Zky.
'Sakura.' Napatingin ako rito. 'Hindi lahat ng nais natin mangyari ay makukuha natin ng libre. Malupit ang mundo kung saan tayo nabubuhay. Bawat imposibleng bagay ay malaki ang nakaambang na kapalit rito.' Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zky.
"Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti ito bago sagotin ang tanong ko.
'Mag-iingat ka, nakikita ko ang malaking pagsubok na nakaambang sayo sa hinaharap.'
Ito pa yun pagsubok na sinasabi ni Zky? O ito ang kapalit dahil sa pagiging makasarili ko? Mas lalo akong naghina ng makita ko si Haring Sawkie na nakikipaglaban sa isang Dallyut. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nagkamali ako sa pagbilang ng taon.
Ang dahilan kung bakit naghintay ako ng 50 years o higit pa dahil upang hindi malaki ang mangyaring pinsala dito sa Blue Moon. Kapalit ng pagpunta ko sa Light Land ay babalik ang oras dito sa Blue Moon. Magmula ng maging normal ang pagsikat ng araw sa Light Land ay nabago ang takbo ng oras at panahon sa dalawang dimension. Yun din ang dahilan kung bakit naglaho lahat ng lagusan papunta sa dimension nila. Halos pito o walong taon ako nanatili sa Light Land at hindi ko inaasahan na malaki ang oras na magbabago sa Blue Moon. Kasalanan ko ang lahat na ito.
"Huli na para magsisi ka Sakura. Ang nangyaring epekto sa Blue Moon ay walang nakakaalam maliban sa atin dalawa. Ang pagbabalik ng oras ay hindi mo kasalanan. Tao ka lang at nagkakamali." Napatingin ako kay Rib ng sabihin niya yun.
"Rib." Niyakap ko ito at doon umiyak. Hinaplos lang nito ang buhok ko. "Anong nangyari Rib?"
"Mukhang may nakialam sa mga bato. Hindi mo kasalanan na bumalik ang oras. May isang nilalang lang na nakialam rito at binago ang hinaharap." Napatingin ako rito upang makita kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Totoo ang sinasabi ko Sakura, kahit tanungin mo pa ang Reyna." Napatingin ako sa paligid ng may biglang sumabog.
Agad akong kumilos upang protektahan sila sa isa pang pagsabog.
Third Person Point Of View
Nagulat sina Sara ng biglang may harang na nagprotekta sakanila. Pagod silang napaupo sa lupa habang hinahabol ang kanilang hininga.
"Sino ang gumawa ng harang?" Saad ni Itay na nakahawak sa braso niya. Tinamaan ito kanina dahil sa malakas na pagsabog.
"Hindi ko alam, imposible naman na isa sa atin ang may gawa dahil lahat tayong ubos na ang enerhiya." Sagot rito ni Haring Sawkie na hinahabol ang hininga. Halos ilan araw na silang nakikipaglaban sa iba't ibang halimaw na sumusulpot kung saan-saan parte ng Blue Moon.
"Malapit na mag-umaga makakapagpahinga na rin tayo." Saad ni Kira na nakatingin sa langit. Tuwing gabi lang umaatake ang mga halimaw na pinagtaka nila. Pag sapit ng liwanag tila naglalaho nalang ito sa harap nila sa hindi malaman na dahilan.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...