TWO 16 (Snow Flower)
SAKURA
Nang makaalis na sila, sa gubat agad ako nagtungo. Gusto ko lang magpahangin para mag-isip ng ilan bagay. Dahil sa pagkakalason ng mahal na prinsesa hindi na nila napansin ang mga nawawalang kabataan sa sentro. Napapatawa nalang ako tuwing naiisip kung si Sawkie pala ang hari ng Sentro. Masyado siyang mahina para maging hari.
Nang dumating ako sa flores naupo ako sa malapit sa may tubig. Sa totoo niyang namimiss kuna ang pakikipaglaro sa mga hayop dito sa gubat.
"Nag sisisi kana ba ngayon?" Napatingin ako sa may-ari ng boses.
"Oh! Zhiean ikaw pala." Nakangiting saad ko rito.
"Wag kang ngumiti kung hindi ka masaya." Seryosong saad nito tsaka umupo malayo sa kinauupuan ko.
"Natatakot kabang mahawaan kita." Kunot noo tanong ko rito. Mukhang naguluhan naman ito sa sinabi ko. "Ang layo mo kasi sa'kin. Wag kang mag-alala hindi naman nakakahawa ang mga nawawalang ng Zebu."
"Hindi naman sa gunan, baka masaktan lang kita pag lumapit ako sayo." Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya, mukhang naintindihan naman nito kaya nagpaliwanag ito.
"Pagmalapit ako sa isang tao o hayop, maaari kung mapayelo ang dugo nila na hindi sinasadya kaya hindi nila ako pwdeng mahawakan. Hindi mo ba napapansin nagyeyelo na ang paligid dahil sa pagsasalita ko." Napatingin naman ako sa paligid at totoo nga ang sinasabi niya. Parang dinaanan ng bagyo ang buong paligid.
Tumayo ako kaya napatingin ito sa'kin. May lungkot akong nakita sa mga mata nito. Tinitigan ko ito pero nag-iwas lang ito ng tingin. Bigla nalang itong napatingin sa'kin ng akbayan ko ito bigla.
"Tsk.. yun lang pala ang problema mo. Wag kang mag-alala hanggat kasama mo ako magagawan natin yan ng paraan." Nakangiting sabi ko rito. Hindi na ito nagsalita. Nakakaantok naman parang wala rin akong kasama.
"Pwde matulog muna ako." Napapapikit na ako sa sobrang antok.
"Yeah, take your time." Sumandal ako sa dalikat niya tsaka natulog.
Third person POV
Hindi makapaniwala si Zhiean sa nangyayari. Matagal na nitong kilala si Sara at alam niyang pati ito ay naeepektohan sakanyang Zebu.
"Sino kaba talaga?" Tanong nito sa natutulog na dalaga sa tabi niya. kahit naghihinala na siya sa pagkatao ng dalaga ay hindi rin niya maiwasan matuwa na may nakakausap at nahahawakan siyang kapareho niya.
Paglipas ng tatlong oras nagising din ang dalaga.
"Sorry, hindi kaba nangalay?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.
"Hindi." Simpleng sagot nito. Nginitian lang siya ng dalaga tsaka nilibot ang paningin sa paligid.
"Pasensya na sa nangyari sa paligid." Nag yelo ang buong paligid dahil sa pananaliti doon ni Zhiean ng matagal.
"Maganda naman tignan e, gusto mo tulungan kitang kuntrolin ang Zebu mo? May alam akong paraan." Napa-isip ang binata sa sinabi ng dalaga.
"Kuntento na ako rito." Noon ay nais niyang makuntrol ang Zebu niya ngunit nagbago na ng makilala nito si Sakura.
"Sige, mag gagabi na. Bumalik na tayo sa palasyo." Sakura
"Hindi kaba dadalaw sa bahay niyo?" Zhiean
"Hmmmm.. Okey lang sayo na doon tayo magpalipas ng gabi sa'min?" Sakura
"Okey lang." Zhiean
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...