TWO 9 ZEUZORA

78 1 0
                                    

TWO 9 (ZEUZORA)

SARA

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi talaga ako mapalagay doon sa huling mensahe sa aklat. Idagdag mo pa ang pagbabago ng katawan ko, parang sobrang gaan ang pakiramdam ko. Sa sobrang gaan hindi ako mapalagay.

Bakit nabura ang lahat ng tiktik sa aklat?

Maaari kayang------

Hindi malabong totoo ang hinala ko, bata palang kami kilala kuna ang ugali niya.

Zzzzz....

--------

"Miss Yukito, sinong nagsabi sayo na maaari kang matulog sa oras ng klase ko?" Galit na turan ni Miss Ren sa'kin.

"Sorry po Miss Ren." Mahinahon na saad ko rito.

"Kung inaantok ka matulog ka sa kuwarto mo wag dito sa klase ko." Taas kilay na saad nito. "Dahil dyan bibigyan kita ng parusa."

"Po?" Bakit kasi ngayon pa ako inatake ng antok.

"Gumawa ka ng Smoke Potion, at ipasa mo sa'kin mamayang ikalima ng hapon maliwanag." Huh? Ikalima ng hapon? Napatingin ako agad sa orasan ko at ikaisa na ng hapon.

"Maliwanag ba Miss Yukito?"

"Opo Miss Ren."

"Okey, bahala kanang umalam sa mga sangkap nito at kung paano ito gawin." Tsaka ito umalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Bakit kasi ako nakatulog at sa klase pa ni Miss Ren. Balita ko pa naman walang nakakapasa sa lahat ng parusa niya.

"Okey ka lang ba?" Halata masyado sa mukha niya ang pag-aalala.

"Naninibago kasi ako sa katawan ko idagdag mo pa yung tungkol sa aklat kaya hindi ako nakatulog kagabi." Parang batang sumbong ko rito.

"Tsk.. Matulog ka nalang mo na." Pinasandal niya ako sa balikat niya.

"Gusto ko man matulog hindi pwde dahil may parusa pa akong kailangan tapusin." Nakangusong sambit ko.

"Ako nang bahala doon." Hinawakan nito ang kamay ko na parang nag holding hands kami. Hindi ko alam na may kasuwetan palang tinago---

"Maghanap nga kayo ng kuwarto, baka langgamin kami rito." Asar na sambit ni Rio.

"Inggit ka lang dahil hindi mo mahawakan si Len." Mas lalo lang nainis si Rio dahil sa sinabi nitong katabi ko.

"Cheee..." Padabog itong umalis sa classroom.

"Kira, bakit mo naman inasar yun tao. Alam mo naman na hindi sila magkasundo ni Len e."

"Hayaan mo na yun dalawa, parehong pakipot." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Iwan ko kung anong nangyari, mula ng manggaling kami sa Spring Of Heaven naging sweet na si Kira sa'kin. Siguro baka dahil yun sa marka kaya siya nagiging ganito ngayon.

Napaupo ako ng maayos ng maalala ang isang bagay.

'Bakit ba ngayon ko lang yun naisip.' Bulong ko sa sarili.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Kira.

"Wala naman." Nakangiting sagot ko rito.

SAKURA

"aaahhh.. hhhaaa.." Sabay hagis ko sa taling dala ko sa malaking puno. Nang may tali kuna ito sa sanga tsaka ko ito hinila ng malakas upang umangat ito. Nakahinga ako ng maluwag ng matagumpay ko itong nagawa.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon