TWO 48 Choice

60 4 0
                                    

TWO 48 (Choice)

Sakura

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nasaan ba ako? Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sariwa ang hangin sa lugar na ito. Maraming naggagandahan na tanawin sa paligid.

"Mabuti naman at gising kana." Pamilyar sa'kin ang boses niya.

"Zky." Nakangiting saad ko rito. Ganun parin ang itsura nito ng unang pagkikita namin maganda parin ito. May dala itong mga prutas na tila bagong pitas pa. "Anong lugar ito?"

"Halika maupo ka muna." Ginawa ko naman ang sinabi nito. "Ito ang aking tahanan. Nakikita mo ba yun?" Turo nito sa isang lugar na tila nahahati sa dalawa. Parang liwanag at dilim. "Yan ang pagitan ng liwanag at dilim. Lahat ng anghel sa iba't ibang mundo ay dito dumadaan sa lugar ko." Ganun pala. Kakaiba ang enerhiya sa paligid. Parang kay sarap sa pakiramdam.

"Bakit nandito ako sa lugar mo?" Sana naman hindi pa ako patay.

"Hahahaha... Mali ang iniisip mo." Napatingin ako rito dahil sa sinabi niya. "Nandito ka para isuli ang Zebu ko. Baka nakakalimutan mo." Napakamot na lang ako sa batok ng maalala yun. "Handa kana bang isuli ito sa'kin?" Nakangiting tanong nito.

"Oo naman, kahit anong oras mo pa gustuhin." Nakangiting sagot ko rito.

"Hindi nga ako nagkamali sayo." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ako naghangad ng malakas na kapangyarihan. Masaya akong kahit papaano may nagawa ako para sa mundo namin. "Tayo na." Tumango ako rito at ginawa namin ang ritual para ibalik sakanya ang kanyang Zebu.

"Huh? Bakit ganun, ganito parin ang itsura ko?" Paano naman kasi kala ko pagbinalik ko sa Zebu niya babalik rin ang dati kung itsura.

"Wala tayong magagawa sa itsura mo. Wala naman masama dyan. Maganda ka naman." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Nahiga ako sa damuhan para tumingin sa langit. "Alam mo, may mga bagay talaga na kailangan mo hintayin ang panahon nito. Tulad nalang ng isang puno ng mangga. Kung hindi pa oras ang pagbunga nito hindi ito bubunga kung pilitin mo man ay hindi magiging maganda ang resulta." Napatingin ako rito dahil sa sinabi niya. Nginitian lang niya ako bago magsalita ulit. "Kailangan mo na bumalik sainyo, hinihintay ka nila." Pagkasabi niya non. Binalot ng liwanag ang paligid.

Third Person POV

Napabuntong hininga ang Anghel na si Zky dahil sa nakikita niyang naghihintay na kaparalan kay Sakura. Alam nitong hindi pa rito natatapos ang mga pagsubok na haharapin nito. Ang pagsubok na minsan rin niyang tinakasan noon. Naramdaman nito ang malakas na enerhiya sa paligid kung kaya't napahulod ito agad.

"Mukhang tapos na ang iyong misyon Zky." Saad ng boses na nagmumula sa liwanag.

"Opo, mahal na Hieyo. Hindi man ako ang gumawa ngunit nasisigurado kung nasa ayos na ang lahat." Magalang na sagot nito.

"Wala akong reklamo sa naisip mong paraan ang mahalaga ay natupad ang nais ko. Salamat saiyong tulong bilang gantipala tutuparin ko ang napag-usapan natin noon." Napatango si Zky dahil sa sinabi ng mahal na Hieyo. "Ano ang iyong kahilingan Zky?" Hindi agad nakapagsalita si Zky. Tila nag-iisip ito ng sasabihin. Pumasok sa ala-ala nito ng minsan na tanungin niya si Sakura kung anong nais nito makamit sa buhay.

"Simple lang naman ang pangarap ko. Ang tumanda kasama ang mahal ko at mga anak namin. Masaya kayang bumuo ng pamilya pag mahal mo ang kapiling mo sa buhay." Napangiti nalang ito dahil sa sinagot sakanya ni Sakura noon.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon