Prologue
“Papa? Pupunta lang po ko kela tita Karen.”
“Okay.”
Ngumuso ako, dahil ni hindi man lang nya ako nagawang lingunin. Masyado syang busy sa paglalaro sa baby kong kapatid. Anim na taon ako ng mag karoon ng bagong asawa si papa at sampung taon naman ako ng mag karoon sila ng anak, at nang magkaroon ako ng younger brother. Masaya ako na naging ate na ko, pero malungkot din dahil simula rin non mas lalo lang akong naging invisible sa paningin ni papa. Wala na akong mama. Namatay sya pagkatapos nya akong ipanganak. Lalaking anak noon ang gusto ng papa ko, kaya nga nung nalaman nya na babae ang magiging anak nila pinilit nya si mama na mag palaglag na lang dahil delikado rin noon para kay mama ang mag buntis, pero syempre hindi pumayag si mama. Itinuloy nya ang pagbubuntis nya sakin na naging dahilan para bawian sya ng buhay. Yun ang dahilan kung bakit ayaw sakin ni papa. Galit sya sakin. Hindi nya ko tanggap. Mabuti na nga lang at mabait sakin ang family Yu. Welcome ako lagi sa bahay nila. Kaya nga bata pa lang mas madalas na ako sa bahay nila kesa sa sarili namin bahay. Parang anak na ang turin ni tita Karen at tito Zheng sakin, parang kapatid na rin ang turin sakin ng mga anak nila. Ang kwento ni tita Karen sakin. High school pa lang ay mag best friends na silang dalawa ni mama. Sabi ni tita nag abroad si mama noon sa Bejing China at dun nya nakilala si papa na isang chinese. Umuwi sila ni papa rito sa Pilipinas. Dito na sila nag tayo ng business at dito na rin nag pakasal. Um-attend si tita sa kasal nila mommy kaya dito naman nya nakilala si tito Zheng na kaibigan naman ni papa isang chinese rin.
“Hi Kai.”
“Oh, Kazel mabuti naman at andito ka na.”
“Tara Kai laro tayo?”
“Sige! Anong lalaruin natin?”
“Ahmm. Mag habulan kaya tayo?”
“Wag na iyon. Iba na lang.”
Ngumuso ako. “Sige na. Yun ang gusto ko.”
“Pero-”
“Tara na!”
Hinila ko ang kamay nya para itayo sya sa pagkakaupo nya kaya wala na syang nagawa.
“Sige na nga! Ako ng taya.”
Lumaki ang pagkakangisi ko sa sinabi nya. “Sige.. Sige...”
Bumaling ako ng tingin kay kuya Liam na nakaupo sa garden, may hawak syang libro at tahimik na nagbabasa. Yan lang ang lagi nyang ginagawa.
“Sandali lang Kai, ha?”
Lumapit ako sa busy’ng si kuya Liam, nakangisi akong tumayo sa harapan nya. Nag angat sya ng tingin sakin.
“Hi kuya Liam.”
“Hello.” Tipid syang ngumiti sakin.
“Kuya Liam, sali ka samin maglaro?”
“Later na lang pwede? Gusto ko pa kasing tapusin tong binabasa ko eh.”
Ngumuso ako. “Ngayon na, please?”
“Later na lang promise. Malapit na tong matapos.”
“Mamaya ka na mag basa. Please!” With my puppy eyes.
Napabuntong hininga sya at isinara na ang libro. “Okay sige, si Kai ba ang taya?”
“Oo.” Lumaki ang ngisi ko.
Tumayo sya at hinila ang kamay ko. “Let's go?”
Masaya at kontento na ko kahit araw-araw ay silang dalawa lang ni Kairon ang kalaro ko. Si kuya Liam ang panganay na anak nina tita Karen at tita Zheng, mas matandan sya ng isang taon sakin at si Kairon naman ang bunso nila at mas matanda naman ako ng ilang buwan sakanya.
“Aray!”
Kumawala agad ang luha sa mga mata ko. Napahagulgol ako ng iyak dahil sa pagkakadapa ko. Mabilis lumapit sakin si Kai para itayo ako.
“Okay ka lang?”
Hindi ko nakuhang sumagot panay lang ang iyak ko. Nagulat ako ng lumapit si kuya Liam sakin. Lumuhod sya sa harapan ko at pinagpag ang tuhod at binti ko na puro buhangin.
“Don't cry na. Big girl ka na diba?”
Suminghot ako at pinunasan ang pisngi kong basang-basa na sa luha.
“Tara na sa loob. Sasabihin natin kay mama na gamutin na yang sugat mo.” Dagdag nya kaya tumango ako.
Inalalayan nila ako papasok sa loob ng salas at pinaupo ako sa sofa.
“Mama, si Kazel po nadapa. Gamutin nyo po yung sugat nya.”
Narinig kong sabi ni Kai mula sa kusina.
“Masakit pa ba?” Tanong naman ni kuya Liam na naiwan sa tabi ko.
“Medyo.”
“Gagaling na yan kase gagamutin na ni mama.” Ngumiti sya sakin.
“Oh, sweetie anong nanyare sayo?” Bakas ang pag aalala sa tono ni Tita Karen.
“Nag lalaro kase kami ma. Tapos yan nadapa po sya.” Si Kai.
“Sa susunod mag iingat na kayo, ha?”
“Don't worry ma. Andito naman ako, eh! Simula ngayon ako ng bahala kay Kazel.”
Awtomatiko akong napangiti sa sinabi ni Kai. Talagang napaka bait nila sakin. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng bagong pamilya dahil sakanila.
~Hi Readers!
Please! Vote and Comment for every chapter. Thank you! ❤️

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...