Epilogue
Apat na taon na ang nakalipas, simula ng maikasal kami ni Kazel. Ang bilis, diba? Parang kahapon lang ay mga freshmen students pa lang kami pero ngayon ay graduation day na namin.
"Congratulations, love!" Sabi ko at agad syang niyakap.
"Congrats din, love." Malambing nyang sabi na talagang nag patalon sa puso ko.
Katatapos lang namin mag martsa sa stage, si mama ang nag hatid sakin sa stage, habang si tita Joy naman ang kay Kazel. Matapos ang graduation ay nag karoon kami ng celebration kasama ang buong pamilya. Isang dinner date iyon, syempre sa restaurant nila mama, na ngayon ay isa ng sikat at malagong restaurant.
"So, Liam, ano ng plano nyo? Graduate na kayo parehas, kelan nyo balak mag anak?"
Halos masamid ako sa sinabi ni mama. Grabe napaka daldal talaga nya.
"Ahmm, Hindi pa po namin yan napag uusapan ni Kazel." Simple kong sagot.
Actually, wala pa talaga iyon sa plano ko. Oo, mag katabi na kami sa pag tulog, but I swear, never ko nagawang mag take advantage sakanya, at bakit? Kase gusto ko, bago namin iyon gawin ay maikasal ulit kami, yung kasal na kami mismo ang nag plano, yung kami mismo ang may gusto, yung ako mismo ang mag yayaya sakanya at sya mismo ang sasagot ng 'YES' sakin. Yun lang naman ang gusto ko.
"Sana naman madaliin nyo na." Ngumuso si mama samin.
Nilingon ko si Kazel na ngayon ay pulang pula na ang mukha. Shit! Ang ganda talaga ng asawa ko. Naiinlove tuloy ako lalo.
Matapos ang dinner na yon ay dumiretso kami ni Kazel sa RMV Bar para naman mag celebrate kasama ng tropa. Oo, malago na rin itong bar nila Ruwesha, dinadayo na rin ito ng mga celebrities. Ayos, diba?
"Wear, this." Sabi ko ng maihinto ko na ang sasakyan sa car park, sabay abot ko ng denim jacket ko sakanya.
Kumunot ang noo nya at mariin tinitigan iyong jacket.
"Bakit?"
"Just wear this, ayokong papasok ka dyan sa loob, na ganyan ang suot."
Kumunot ang noo nya at pinapasadahan ng tingin ang kanyang sarili. Suot pa kase nya yung graduation dress nya.
"Okay naman ah— "
"Just do it!"
Tumaas ang tono ko, napangiwi sya at sumunod na lang sa gusto ko.
"Let's go?"
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya at sabay kami pumasok roon sa loob ng bar. Late na yata kami dahil pag dating namin doon ay kompleto na sila.
"Hi."
Isa-isang ni-beso ni Kazel si Ruwesha at Heduey. Wala si Safia, mag dadalawang taon na simula nung umalis sya.
"Akala ko, injan na kayo, eh." Sabi ni Brex ng makaupo na kami.
"Pwede ba yon? Nag dinner pa kase kami nila mama, alam nyo naman yon napaka daldal." Humagikgik ako ng tawa sakanila.
Nag simula na ang party. Sabay-sabay namin iniangat ang kanya-kanya namin beer para mag cheers.
"Congratulations." Sigaw namin at sabay-sabay itinagay ang beer na yon.
"Hay! Nainggit naman ako, bigla. Parang gusto ko na rin maka graduate." Buntong hininga ni Raizer.
Agad kong tinapik ng mahina ang balikat nya.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...