Kabanata 18
Bigyan ng apo“Tita, kamusta si papa? Iniinom naman ba nya yung mga gamot nya?” Tanong ko kay tita Joy, habang nagluluto kami ng panang halian.
“Yun na nga rin ang problema ko, eh. Ayaw na nyang inumin yung mga gamot nya, wag na raw kami bumili ng gamot.” Nakita ko ang pang gigilid ng luha sa mga mata ni tita Joy. “Sayang lang daw ang pera dahil mamamatay lang din naman daw sya.”
Kinagat ko ang labi ko at pinilit pigilan ang pamumuong luha sa mga mata ko.
“Please, tita. Pilitin nyo pa rin po si papa na mag maintenance.”
“Sige, gagawin ko yan.”
Inalalayan ko si papa paupo sa dining. Simula noong wedding ay ngayon ko na lang ulit sila makakasama sa pagkain.
“Kamusta ang pag aaral mo?” Tanong ni papa ng mag simula na kami sa pagkain.
“Ayos naman pa, may libro po kaming kelangan bilin pero hahanap na lang po ako ng second hand na libro para makamura.”
“Kayo ni Liam? Kamusta na kayo? Hindi naman ba kayo nag aaway?”
“Hindi naman po pa, ayos naman po kami.”
“Bakit hindi mo sya kasamang bumisita ngayon? Nag away ba kayo?”
“Hindi po pa, ahmm.. m-medyo busy lang po sya para sa project nila.” I lied.
“Ganon ba? Kapapasukan lang project na agad?”
Namutla ako sa pag usisa ni papa.
“Opo pa.”
“Maayos naman ba ang trato nya sayo?”
Natigilan ako sa tanong nyang yon. Sabay kami napatingin ni tita Joy kay papa na deretso lang ang tingin sa kanyang pagkain.
“Opo papa, sobrang bait po nya sakin.” Tuluyan ng namuo ang luha sa mga mata ko.
“Mabuti naman at maayos ang kalagayan mo sakanya. Sa susunod isama mo na sya sa pag dalaw dito.”
Kinusot ko ang mga mata ko. “Opo, sa susunod pa, isasama ko na si Liam.”
Pagkatapos namin kumain ay nakipag laro naman ako kay Johan. Matagal na nung huli kaming mag laro. Super namiss ko ang kapatid kong ito.
“Oh, Kazel hindi mo man lang ba dadalawin ang mga byanan mo?" Tanong ni tita Joy sakin.
“Oo nga naman, 3 pm na. Mabuti pa ay puntahan mo na sila at dalawin doon.” Dagdag ni papa.
Tumango ako sakanila. “Okay po.”
Nag paalam na ko sakanila para mag punta naman sa bahay nila Liam na andito lang din sa subdivision namin. Ewan ko kung anong meron at sobra ang kaba ko ngayon na andito na ako sa tapat ng gate nila Kai. Dati naman kayang kaya kong mag derederetso hanggang sa loob ng bahay nila pero ngayon parang nang lalambot ang mga tuhod ko. Ewan. Di ko talaga alam kung bakit. Sinubukan ko na lang mag doorbell. Unang pag doorbell ko ay walang sinuman ang lumabas kaya nag doorbell pa ako ng isang beses. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pag kagat ko rito. Kai where are you ba kase? hindi ako mapakali. Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Sa pangatlong pag doorbell ko ay para akong nabunutan ng malaking tinik ng sa wakas ay lumabas na si Kai, na naka black pants at black long sleeve.
“You're finally here.” Nakangisi nyang bungad sakin sabay bukas sa kanilang gate.
“Anong meron? May lakad ka ba?” Nagtataka kong tanong.

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Novela Juvenil"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...