Kabanata 27

687 24 3
                                    

Kabanata 27
Sulitin

“Pano po kaya kung...kung umuwi muna ako satin?”

Sabay-sabay silang nag baling ng tingin sakin.

“Ha? Bakit hija?” Lumapit si tita Karen sakin at hinawakan ang kamay ko. “Mag kaaway ba kayo ni Liam—"

“Naku, hindi ho. Hindi po sa ganon.”

Pasimple kong sinilayan ang naka kunot noo'ng si Liam.

“Naisip ko lang po na samahan muna si tita Joy sa pag aalaga kay papa.”

“Nakapag usap na ba kayo ni Liam tungkol sa desisyon mo na yan?”

Pinag pawisan ako ng malamig sa tanong ni tita Joy. Nag pabalik balik ang tingin ko sakanya at kay Liam. Oo nga pala, sa mga mata nilang lahat ay mag asawa kami ni Liam kaya importante para sakanila na alam ni Liam ang mga desisyon ko.

“Ahmm. Kase po—"

“Yes po, she did say to me.”

Nalaglag ang panga ko sa pag sisinungaling na yon ni Liam.

“Kung ganon wala naman pa lang problema, siguradong matutuwa ang papa mo.”

Tipid akong ngumiti sakanya. “S-salamat pala kanina.” Wika ko ng makauwi na kami.

“Iiwan mo talaga akong mag isa rito?”

Kinurot ang puso ko sa malungkot nyang tono.

“Ah, eh—"

“Just kidding.” Tumawa sya ng mahina. “Okay lang kung gusto mo munang mag stay sainyo.”

Seriously? As in, okay lang sakanya? Okay lang sakanya na mawala ako? Leche! Baka nga mas masaya talaga sya kung wala ako!

Nang kinagabihan din'g yon ay nag empake na ako ng mga gamit. Bukas ng umaga ay dederetso ako sa hospital at sasabay na kela papa sa pag uwi. Tinitigan ko ang kisame nang makahiga na ako, at malalim na nag isip. Uuwi ako bukas sa bahay namin, mag i-stay ako roon ng isang linggo at pag balik ko rito sa bahay na 'to magbabalik na rin ang lahat sa normal, kasama na roon ang pagtingin ko kay Liam bilang kapatid.

Kinabukasan, binuhat ko ang maleta pababa ng hagdanan. Natatakot kase akong magising si Liam dahil sa kalabog nito.

“Oh my—" gosh!

Halos mabitawan ko ang bag pack na nakasabit sa kaliwang balikat ko ng bigla nyang agawin ang malate sakin. Sinundan ko sya ng tingin pababa, isang kamay lang ang ginamit nyang pang buhat doon sa maleta. Wala sa itsura nya pero talagang malakas sya.

“Mukhang wala ka ng balak bumalik dito, ah?”

Nag taas ako ng kilay sakanya. “Bakit mag papa-party ka ba?”

“Hindi, nakakalungkot lang mag isa.”

Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Hindi ko alam paanong mag rereact sa sinabi nya. “P-Pano? A-Alis na ko.” Paalam ko.

“Hindi ka ba muna kakain?”

Umiling ako. “Hindi na, hindi naman ako gutom.”

“Ahmm, yung mga gamit mo, okay na ba? H-hindi mo na ba iche-check?”

“Hindi na, okay na—"

“A-Ah ganon ba?” He looked away. “Hintayin mo ko, gagayak lang ako, ihahatid kita.”

“Ha? Wag na—"

So, ayon bago pa ko makakontra ay nakaalis na sya. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Gusto ko naman talaga na ihatid nya ko, kaso natatakot din ako sa pwede kong maging reaksyon. Madalas pa naman ay may pag ka OA rin talaga ko.

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon