Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kabanata 50

904 26 3
                                        

Kabanata 50
I understand

“Mag divorce na tayo.” Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon nya. Tinitigan ko sya at hinintay syang mag salita pero hindi na sya umimik, tinitigan lang din nya ako pabalik. “Narinig mo ba ako?”

“Yes.” Simple nyang tugon, habang seryoso parin ang ekspresyon.

Napalunok ako at nag iwas ng tingin sakanya. “Tutal wala naman na si papa, diba yun naman ang kasunduan natin?” Nanginig ang boses ko.

“Pano sila mama? Sila tita Joy? Pano pag nag tanong sila, kung bakit tayo mag di-divorce?”

Nag angat ako ng tingin sakanya. “Edi aminin natin yung tungkol sa kasunduan natin.”

“Pano kung magalit sila? Pano kung hindi nila tayo maintindihan?”

“Alam kong maiintindihan nila tayo—”

“Pano kung hindi? Hindi yun ganon kadali Kazel!” Tumaas ang tono nya.

“Maiintindihan at matatanggap din nila yon, tapos na ang gampanin natin sa isa’t-isa.”

Shit! As in, parang bigla kong gustong bawiin iyong sinabi ko!

“Yan ba talaga ang gusto mo?” Mariin nyang iniyukom ang kanyang kamao.

Agad namuo ang lintik na luha sa mga mata ko. Syempre, kung ako lang ang pamimiliin, ayoko! Ayoko ng divorce. Kaso, ang hirap narin eh. Ang hirap na!

“Isang taon mo binigay ang pagiging asawa mo sakin, siguro nakatakda narin 'tong manyare para maibigay ko naman yung divorce na kelangan mo—”

“Kelangan ko?! Sa tingin mo yun parin ang kelangan ko? Na yun parin ang gusto ko ngayon?”

Napatalon ako sa sigaw nya. Pinilit kong iproseso sa utak ko ang ibig nyang sabihin pero talagang nahihirapan ako.

“Liam…” Tanging nasabi ko.

“Pano kung ayaw ko na ng divorce?”

Nahugot ko ang sariling hininga at sinubukan intindihin ang mga sinabi nya.

“Ano? Ano bang ibig mong sabihin—”

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang ikulong ang mukha ko sa dalawang palad nya at nang mabilis nyang ipinag lapat ang labi namin dalawa. He kissed me, deeply. Napapikit ako at nawala sa sariling ulirat. Naramdaman kong gumapang yung isang kamay nya sa bandang batok ko, para gabayan iyung pag hahalikan namin. Masyado na akong nalalasing ngayon sa pag halik na ginagawa nya sa labi ko, kaya halos mag protesta ang mga insekto sa loob ng tiyan ko ng huminto syang bigla sa pag halik sakin para harapin ako. Honestly, hindi ko na alam kung nagustuhan ko ba yung pag tigil nya o hindi. Uminit ng husto ang pisngi ko ng mag harap na kaming dalawa, kaya mabilis akong nag iwas ng tingin sakanya. Kainis! Halos hindi ko mabitawan sa utak ko yung halikan namin kanina.

“Ngayon, gets mo na ba kung bakit ayoko na ng divorce?” Agad akong nag angat ng tingin sakanya. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko, dahil sa deretso nyang tingin sa mga mata ko. “Oo, alam ko, sakin galing yung idea about sa divorce na yon, ako ang humiling non sayo dati, pero  walangya, hindi ko alam kung kelan nag simulang mag bago ang lahat. Dati masaya naman ako sa tuwing makikita ko kayong masaya ni Kai, pero bigla na lang yun nag bago,” Hindi ko alam kung ano bang meron sa mga tingin nya pero talagang nakaka panlambot ng tuhod iyung pag titig nya. “Isang araw, nagising na lang ako na ayaw na kitang makita na may kasamang ibang lalake. Nag se-selos na ako, gusto ko, ako lang yung kasama mo lagi,” Inis nyang ginulo ang kanyang buhok. “Alam ko na hindi ko dapat naramdaman ang mga bagay na yon, dapat si Luisa lang ang gusto ko, dapat nasa kanya lang yung buong atensyon ko, kaya nga pinigilan ko, eh. Sinubukan kong pigilan, pero lintik na puso, ang hirap awatin!” Bawat pangungusap na lumalabas sa bibig nya ay talagang tumatagos sa puso ko. Agad nang gilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko magawang umimik. Parang may kung anong nakabara ngayon sa lalamunan ko. “Kaya kung noon gusto kitang protektahan bilang kuya mo, ngayon gusto ko na yon gawin bilang asawa mo, so please…” He hold my hands. “…please, forget about the divorce, and be my real wife.”

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon