Kabanata 32
No more reasonsMagisa akong naglakad kinabukasan, papasok ng campus namin. Medyo awckward, dahil mukhang may iilan nakaalala sa pag sali ko sa miss Intrams, yung iba ay binabati ako at yung iba ay masama ang tingin sakin. Natigilan pa ako sa paglalakad at napakunot ang noo ng biglang may tatlong babaeng humarang sa daraanan ko.
“Hoy! Ikaw si Kazel Fei Liu, diba?!” Sigaw nung isang babae sakin, hindi ko alam kung bakit ba sya galit, eh hindi ko naman sila kilala
“O-Oo, ako nga.” Kabado kong tugon. Sa tono pa lang kase nya alam kong naghahamon na sya ng away.
“Tss,” Humalikipkip yung isa at matalim akong tinignan. “Akala mo ba porket nanalo ka sa miss Intramural, maganda ka na? Na maaakit mo na si Liam?”
Hindi makapaniwalang napatitig ako sakanya. Ano? Maaakit si Liam? Ano bang sinasabi nya?
“Wala akong alam sa sinasabi nyo—” Shit! Bakit ba ko nag e-explain? Do I have to?
Namilog sa gulat ang mga mata ko ng bahagya nitong itulak ang balikat ko, dahilan para medyo mapaatras ako.
“Kunyare ka pa! Kitang-kita namin na nilapitan mo sya after ng pageant! Bitch!”
WHAT THE FVCK!
Oh, ano naman ngayon?! Asawa ko naman sya?
Gusto ko iyon isigaw sa pagmumukha nila, pero hindi ko magawa, dahil natatakot ako!
“Oh ano? Bakit hindi ka makakibo dyan—"
“Kung masyado kayong confident na mas maganda kayo kaysa sakanya, dapat kayo na lang sumali!”
Sabay-sabay namin nilingon iyong pinang galingan ng boses. Namutla itong tatlong babae, habang ako ay namangha kay Ruwesha Vizconde na narito ngayon sa harapan namin.
“At sino ka naman.” Sigaw nitong nasa gitna na mukhang tumatayong leader nila.
Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Ruwesha. Oh my gosh! Gulo 'to.
“Uy, ano ka ba, si Ruwesha Vizconde yan!” Bulong ng isang kasama nya. “Tara na, umalis na tayo rito.” Bakas ang kaba nito.
Di ko na nagawa pang kumibo, hindi ko alam kung ano pwedeng sabihin. Natameme na naman ako.
“Mabuti pa tigilan nyo na sya.” Utos ni Ruwesha.
“Sino ka para sabihin yan? Diba ganito rin naman ginagawa mo kapag may lumalapit na babae kay Brex?!”
Napalunok ako nang makita ang galit sa mata ni Ruwesha. Shocks! Ngayon pa lang ay kinikilabutan na ko dahil sa awrang nararamdaman ko mula sakanya, para syang bulkan na anytime ay pwede ng sumabog.
“What did you just say—"
“May problema ba rito?” Singit naman ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay isa rin syang U-Prince, katulad ni Liam.
“Oh my God! Si Brex Louie Ortegas.” Patili iyon sinabi nung isa. Para syang takot na may halo paring kilig.
“Wala naman. Aalis na rin naman sila.” Mariin na sabi ni Ruwesha.
“Shit! Lily, tara na.” Bulong nung isa.
“Okay, tara na nga!” Aya nung nasa gitna. Mukhang natakot na.
Nakahinga ako nang maluwag, ng makaalis na sila. Grabe, ang astig ni Ruwesha Vizconde. Nagawa talaga nyang mapaalis yung tatlong yon?
“S-Salamat.” Nahihiya kong usal. Hindi naman pala talaga sya bully. Tinulungan pa nga nya ko
BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Dla nastolatków"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...