Kabanata 25
Good nightMag isa akong nag punta sa hospital. Sobrang pinagsisisihan ko yung pinuntahan ko pa si Liam doon.
“Ate.” Bungad ni Johan ng makarating na ako sa kwarto ni papa.
Ngumiti ako at hinalop ang kanyang buhok.
“Si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ni tita Karen.
Umiling ako. “H-Hindi ko po sya makontact kanina, l-lowbat po yung cellphone nya, s-saka baka po may klase pa sya.” Pagsisinungaling ko.
“Ganon ba?”
“Si papa po? Kamusta na?”
“He's okay, don't worry—” Hindi ako masyadong kumbinsido sa sinabi ni tita Joy.
“Pano pong okay? Ano pong sabi ng doctor?”
“Kelangan lang nya mag pahinga.”
“B-Buti naman po kung ganon.” Uminit agad ang gilid ng mga mata ko.
Alam ko na sinasabi lang iyon ni tita Joy para hindi na ako magalala kay papa, pero nakikita ko, nararamdamam ko na hindi lang talaga simple ang nanyare.
“Ate? Si Kuya Liam anong oras darating?”
“Hindi ko sigurado, Johan.”
“Bakit hindi? Asawa mo na sya, diba? Dapat alam mo yon.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Kahit bata alam na ang meaning ng mag asawa.
“Bakit, mo ba hinahanap si kuya Liam mo?”
“Gusto ko kasing maglaro ulit kami nitong robot.”
ipinakita nya sakin iyong robot. Ulit? Kelan ba sila nag laro non?
“Gusto mo ba tayo nalang maglaro?”
Lumaki ang ngiti nya. “Makikipag laro ka sakin kahit pang lalaki itong robot?”
Tumango ako. “Oo naman, game?”
“Game!”
Tinignan ko ang relos ko. 6:30 pm na pala, ang bilis ng oras.
“Labas po muna ako, bibili lang po ako ng pagkain natin.” Paalam ko.
“Sandali lang.” Usal ni tita Joy at nag mamadaling kinuha ang kanyang bag. “Ito pambili ng pagkain.”
“Naku, wag na po. Hindi na po kelangan.”
“Kunin mo na to, ilaan mo na lang yang pera nyo sa gastusin nyo ni Liam.”
“Pero po—"
“Oo nga naman, Kazel ito idagdag mo sa pambili ng pagkain natin.” Si tita Karen na nag ipit din ng pera sa palad ko.
Uminit ng husto nag pisngi ko. Pero wala akong magawa kundi pumayag na lang sa gusto nila.
“O-Okay, s-salamat po.” Pumihit ako para umalis.
Nagulat ako pag bukas ko ng pintuan, nang maaninaw ko roon ang mukha ni Liam. Agad nag tama ang mga mata naming dalawa, habang hingal na hingal sya.
“Oh, Liam andito ka na pala.” Si Tita Joy.
Agad akong gumilid para makaraan sya.
“O-Opo, pasensya na po kayo kung ngayon lang ako.”
“Okay lang, ang sabi naman ni Kazel mukhang may klase ka pa kanina.”

BINABASA MO ANG
U-Prince: Not Allowed (Series 2)
Teen Fiction"You are not allowed to talk to me in pubic. You are not allowed to tell anyone that I'm your husband. You are not allowed to tell anyone that we live together." Liam Tyner Yu is the most warm, caring, approachable and gentlemen chinese Ambassador f...